Nakikinig lang ako sa pinag uusapan ng mga ito, habang nag iisip rin ako sa mga posibleng mangyari. Palaisipan pa rin sa akin kung nasaan at anong nangyari kay Ate. Imposible naman kasing wala, ganoong ginamit ng mga ito ang isa sa importanteng gamit ni Ate. Kaya kailangan ko talagang malaman kong nasaan siya at isa lang ang paraan para makakuha ako ng impormasyon. Iyon ay ang sumali sa grupo ng Oracle at gawin ang sinasabing misyon ng kanilang master.
"Axel, nandito ka pala.."
Napatingin ako kay Reese, nang marinig kong tinawag niya ako. Kaya naman nakita kong sa akin na pala nakatingin ang kanyang mga kasama.
"Oh? Axel," bati naman ni Cassandra at lumapit sa akin.
"Sino siya?" tanong no'ng lalaking kasama nila.
Sa pagkakarinig ko kanina ay tinawag siyang Raven ni Master.
"Ah oo, nakilala namin siya no'ng pabalik na kami dito at inaya namin siyang sumali sa atin," sagot ni Reese sa tanong nito.
"Ah, ganoon ba? Hi I'm Raven," pakilala niya sa akin at iniabot sa akin ang kanyang kamay. Kaya ngumiti ako at kinuha iyon.
"Nice to meet you, I'm Axel," pakilala ko rin sa kanya.
Matapos naming magshake hands ay binawi na namin ang aming mga kamay. Napansin kong napatitig siya sa akin saglit, bago muling ngumiti. Baka may mapansin siya sa akin, lalo na sa koneksyon ko kay Ate. Kung maaari ay ayoko munang malaman nila iyon sa ngayon.
"Pasensya ka na Axel, kung ganito ang naabutan mo sa headquarters namin. Biglaan kasi ang nangyari, ipapaayos pa namin ito," narinig kong sabi ni Reese sa akin.
"Ayos lang, kung may maitutulong ako ay gagawin ko," nakangiting sabi ko sa kaniya.
"Oonga pala, bakit kayo magkasama ni Master?" mayamaya ay narinig kong tanong ni Cassandra.
Natigilan naman ako at hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo. Ngunit, mukhang huwag na muna.
"Actually, nagkita lang kami at nasabi kong sasali ako sa grupo niyo. Kaya naman isinama na niya ako dito, hanapin ko raw ang nagngangalang Daisy dahil ito na raw ang bahala sa akin," sabi ko sa kanila.
Nakita kong hindi sila makapaniwalang nakatingin sa akin. Tila ba, nagulat sila sa sinabi ko... ganoong iyon naman ang gusto nila.
"Oh! Halika, isasama kita kay Daisy nasa loob siya," agad na sabi sa akin ni Cassandra at inakay ako papasok sa loob ng kanilang Headquarters.
Tumango naman ako sa kanya at sumunod na. Tumango lang sa akin sina Reese at bakas ang tuwa sa kaniyang mata. Hindi ko akalain na ganoon sila kasaya na makasali ako. Nakakapanibago tuloy para sa akin ang kinikilos nila. Habang naglalakad kami papasok, ay nakita ko namang sinimulan na nilang ayusin ang mga nawasak na bahagi ng headquarters. Nakita ko ang pagkadismaya sa kanilang mukha, na tila ba isang tahanan nila ang nawasak.
"Alam mo, halos lahat na nandito sa headquarters ay mga ulila na. Kaya naman itinuring naming tahanan ang headquarters na ito. Kaya nakakalungkot na ganito ang sinapit ng tahanan namin. Sa totoo lang, hindi ito ang unang beses na nawasak ito. Dalawang beses na itong nawasak at kagagawan iyon ng Grover. Isa sila sa mahigpit naming kalaban, pagdating sa pagalingan at pagiging mahusay na salamangkero. Ngunit, dito sa Edolas, tila ba ang grupo namin ang nakakataas dito pagdating sa mga lesensyadong salamangkero. Kaya minsan ay may naiingit at nagagalit sa amin. Minsan kinakalaban kami nang walang dahilan. Isa pa, sa grupong ito.. pamilya ang turingan. Kapag inapi ang isa, p-protektahan siya ng lahat," mahabang payahag ni Cassandra.
Nakinig lang ako sa mga sinabi niya at namangha rin ako sa tibay ng pagsasamahan nila. Ganitong grupo ba talaga ang sinalihan ni Ate? Kung ganoon, kaya siya hindi umuwi ay dahil napamahal na rin sa kanya ang grupong ito? Nakakalungkot man para sa akin, ngunit may tuwa rin akong naramdaman dahil ngayon ay magiging bahagi na rin ako ng pamilyang ito.
"Alam mo, kaunting panahon lang kitang nakasama pero pakiramdam ko matagal na kitang kilala," narinig kong sabi ni Cassandra.
Napahinto siya at bumaling sa akin. Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya ngayon dahil sa sinabi niya. Paano naman niya nasabing matagal na niya akong kilala. Muntik ko nang masapo ang aking noo. Pakiramdam lang iyon, kaya malamang hindi talaga kami magkakilala noon pa. Siguro nasasabi niya iyan dahil nakasama na niya si Ate, na may kaugnayan sa akin.
"Hays, pasensya ka na.. gusto ko lang talagang sabihin iyon saiyo. Halika, dito tayo," anyaya niya sa akin at binuksan ang isang pinto. Nasa gilid ito ng hagdan at sa area na ito ay hindi nagawang wasakin kaya maayos pa rin. Pagpasok namin sa kwarto ay nakita namin ang isang babaeng abala sa mga papelis na nasa mesa nito. Napatingin ito sa amin at bahagyang napakunot noo.
"What is it, Cassandra?" tanong nito kay Cassandra.
Napatingin si Cassandra sa akin, bago lumapit doon. Nasisiguro kong ito ang tinutukoy ni Master na si Daisy. Mukhang kasing-edad lang siya ng Ate ko.
"Sasali siya sa grupo natin, Ate Daisy. Sinabihan na siya ni Master na kausapin ka. Kaya sinamahan ko na siya dito," sabi ni Cassandra dito.
"Oh? So, siya pala ang tinutukoy ni Master. Hai I'm Daisy," pakilala nito sa akin.
Lumapit naman ako at tinanggap ang kanyang kamay.
"Nice to meet you, I'm Axelion, you can call me..Axel," pakilala ko sa kanya.
Nakita ko kung paano matigilan ang kanyang mga mata, habang nakatingin sa akin. Halos hindi pa niya mabitawan ang kamay ko, habang nakatingin sa akin. Napatingin ako kay Cassandra at nakita kong napansin rin niya ang reaksyon ni Daisy.
"Ah! Sorry, pamilyar kasi ang pangalan mo. Well, welcome to our family, Axel. Here's the body-link tattoo, come here," sabi niya, matapos makabawi sa kanyang pagkatulala sa akin.
Nakita kong may kinuha siyang maliit na box. Nang buksan niya ito ay nakita ko ang isang seal na may markang tattoo dito.
"Saan mo gustong ilagay ito?" tanong niya sa akin.
"Dito na lang sa braso ko," sabi ko sa kanya.
Tumango siya at lumapit sa akin. Idinikit niya sa akin iyon at mayamaya ay naramdaman kong may kakaibang enerhiya na biglang dumaloy sa akin. Matapos no'n ay inalis na niya ito.
"Ayan, kabilang ka na sa Oracle. Welcome, Axel," nakangiting sabi niya sa akin.
Napangiti ako.
"Maraming salamat," sabi ko sa kanya.
Napatingin ako sa gilid nang makita kong may salamin doon, nakita ko ang tattoo na kapareho ng tattoo ni Ate. Napangiti na lang ako at bahagya itong hinaplos.
"By the way, nasabi sa akin ni Master na may binigay siya task para saiyo. Sinabi niya sa akin na isasama mo si Estella sa unang misyon mo. Kaya naman heto ang mga request na pagpipilian mo. Mamili ka diyan na angkop sa misyon mo kasama si Estella," sabi niya sa akin.
Nilapag niya ang mga papel sa harapan ko. Kaya naman, tiningnan ko ang mga iyon.
"Hindi ko akalain na kailangan pang magbigay ni Master ng task kay Axel. Nakakapanibago ah," komento ni Cassandra, habang nakatingin ngayon kay Axel habang namimili na maari nitong maging misyon.
"Maging ako ay nagtaka rin, ano kayang nasa isip ni Master," nagtataka ring sabi ni Daisy.
"Hayaan niyo na, gagawin ko na lang kung ano man ang gusto niya," tanging sabi ko sa kanila, habang nasa mga hawak kong papel ang aking paningin.
"Sabagay, mukhang tama ka. May tiwala naman ako sa kakayahan mo, kaya galingan niyo ni Estella. And speaking of her, I didn't see her today. Ikaw ba Izyll, nakita mo siya?" mayamaya ay tanong sa akin ni Cassandra. Ibinaba ko ang papel at nagtatakang nakatingin sa kanya.
"Hindi, baka naman may pinuntahan lang," sabi ko sa kanya.
"Hmm, sabagay, baka nga," tanging sabi ni Izyll.
"Oonga pala, Izyll. Bago ko makalimutan, baka gusto mong lumipat ng tinitirhan. May sariling town house ang Oracle, ang kaso lang kailangan mong magbayad every month. Mabayaran mo iyon, kapag kukuha ka ng misyon. Syempre, may ibabayad sila saiyo at doon ka kumikita. Kaya naman, baka gusto mo lang na tumira sa town house," sabi sa akin ni Daisy.
Napatingin ako kay Cassandra, na agad tumango sa sinabi ni Daisy.
"Yes, doon kami nakatira at halos lahat kaming nandito ay naroon," sang ayon naman niya.
Napangiti naman ako. Maganda nga siguro kung doon ako titira sa sinasabi nilang town house. Ang kaso lang ay mabait sa akin ang may ari ng tinitirhan ko. Nakakahiya naman kung aalis ako doon, dahil nakahanap ako nang mas maganda at malapit sa tinatrabahuan ko.
"Okay na ako doon sa inuupahan kong bahay. Mabait naman ang may ari doon, kaya hindi na ako lilipat," sabi ko sa kanila.
"Ow, mabuti naman kung ganoon. Ngunit, di ba si Estella ang unang makakasama mo sa iyong misyon? Kaya naman, pumunta ka na lang doon sa town house, baka naroon lang siya. Minsan ay mahirap din hagilapin ang babaeng iyon kapag may topak," sabi sa akin ni Cassandra.
"Ganoon ba? Saan ba iyang town house na sinasabi niyo?" tanong ko sa kanila.
Nagkatinginan silang dalawa, bago nagsalita.
"Well, makakapasok ka lang sa town house, kapag dito ka dumaan sa headquarters. Hindi ka kaagad makakapasok doon ng basta-basta. Subalit, kapag gusto mo namang lumabas sa town house, may malaking gate doon na labasan. Ngunit labasan lang iyon at hindi ang entrance. Dahil nandito sa headquarters ang entrance, huwag kang mag alala.. sasamahan ka ni Cassandra kapag gusto mong puntahan si Estella," paliwanag niya sa akin.
Kaya napatango ako sa kanyang sinabi. Mayamaya ay nakapili na rin ako nang magiging misyon namin ni Estella. Kaya sinabihan ko na si Cassandra na ihatid ako pasukan, patungo sa Town house. Lumabas kami sa silid na iyon at umakyat sa hagdan. Nakasunod lang ako kay Cassandra habang tinatahak namin iyon. Mayamaya ay huminto siya.
"Sa ngayon kasi ay wala akong balak na pumunta muna sa town house. Kaya naman hanggang dito na lang kita maihahatid," sabi niya sa akin.
Nakaharap kami ngayon sa isang pinto.
"Naiintindihan ko," tugon ko sa kanya.
"Sasakay ka sa elevator na iyan at dadalhin ka nito patungo sa town house. Kapag muli itong bumukas, ibig sabihin lang no'n ay nasa town house ka na," paliwanag niya sa akin.
Napatango naman ako sa sinabi niya. Mayamaya ay may pinindot siya sa gilid at mayamaya ay bumukas ito.
"Pumasok ka na," sabi niya sa akin.
Kaya pumasok na ako. Napatingin ako sa gilid nito at may nakita akong pindutan doon. Ngunit isang pindutan lang iyon at nakalagay doon ay town house.
"Pindutin mo iyang town house para sumara muli ang pinto," sabi niya sa akin. Kaya naman, pinindot ko na iyon at tulad nang sabi niya sumara na ito. Kumaway pa siya sa akin, kaya tumango lang ako hanggang sa tuluyan nang sumara ang pintuan nito. Napabuntong-hininga na lang ako at naramdaman ko ang dahan-dahang pag andar nito. Mayamaya ay naramdaman kong biglang kumabog ang puso ko, sa hindi malamang dahilan. Bakit ganito?