Chapter 28

2235 Words
Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayon ang gruop Master ng Oracle. Nakangiti sa akin at tila natutuwa sa nakitang reaksyon ko sa kanya. "Y-You?" sambit ko. "Yes, me.. well, I know you're surprised. But, yes, I'm the one who send you a letter," pag amin niya sa akin. Ngunit hindi pa rin naalis ang pagtataka sa mukha. Bakit niya pa kailangang makausap ako ng kami lang dalawa? Isa pa, kahapon ko pa lang siya nakilala at ganito na siya kung makipag usap sa akin. Para bang kilalang-kilala na niya ako. Ngunit, tulad nang naramdaman ko sa kanya kahapon ay talagang pamilyar siya sa akin, na para bang nagkita na nga kami. "Nagkita na tayo, ah! No, nakita na kita kaso maliit ka pa lang. Iyon ang sagot sa tanong na nasa isip mo," bigla niyang sabi sa akin, na tila ba nabasa niya ang iniisip ko. Kaya naging seryoso muli ang tingin ko sa kanya. "Bakit mo ako kilala? Saan mo ako nakita at paano mo nalama ang pakay ko?" deretsong tanong ko sa kanya. Natawa siya sa tanong kong iyon at tumalikod sa akin. Mayamaya ay may iginuhit siya sa ere at nakita ko ang mga imahe na naroon. Natigilan ako, nang makita ko roon ang ina at ama ko, maging ang nakakatanda kong kapatid. Hindi ako pweding magkamali, karga ako ng ama ko habang tila may kausap siyang lalaki. Nakita ko ang aking sarili, na tila nais magpakarga sa kanya kaya kinuha niya ako. Kaya naman doon ko nakita nang tuluyan ang mukha niya. Walang iba kundi ang taong kasama ko ngayon. Mayamaya ay inalis na niya ang mga imaheng naroon at muling tumingin sa akin. "Iyon ang unang araw na nagkita tayo," sabi niya sa akin. "K-Kilala mo ang aking ama?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Napangiti naman siya. "Sino naman ang hindi makakakilala sa kanya, ganoong isa siya sa magaling na salamangkero dito sa kaharian ng Edolas. Kaibigan ko rin siya," sagot niya sa akin. Inalis ko ang tingin sa kanya. Ganoon ba talaga ka kilala ang aking ama sa lugar na ito? Bakit hindi niya ito sinabi sa amin o sa akin? Hindi ako sigurado kung alam na ito ni Ate, ngunit sa tingin ko ay parang ganoon na nga. Bahagya akong natigilan, nang maalala kung ano nga ba ang sadya ko sa Oracle. Muli akong napatingin sa kanya at naging seryoso. Habang siya ay tila natutuwa sa bawat reaksyon ko. "Sabihin mo, membro nga ba ng Oracle si ate Alice?" seryosong tanong ko sa kanya. Nanatili pa rin siyang nakangiti habang nakatingin sa akin. Mayamaya ay iniwas niya ang kanyang tingin at bahagyang napabuntong-hininga. "Sasabihin ko lang saiyo, kung papayag kang sumali sa Oracle," sabi niya sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung dapat na ba akong magdesisyon ngayon, na sumali sa grupo nila. Subalit, sa tingin ko ay ito lang ang tanging paraan para malaman ko kung nasaan ngayon si Ate. Bago pa ako makapagsalita ay naunahan niya ako. "Sinabi sa akin ng ama mo noon, na baka balang araw... isa sa kanyang anak ang sasali sa binubuo kong grupo. Kaya naman inabangan ko ang araw kung sino sainyo ang makakasali sa Oracle. Kaya naman masaya ako dahil nandito ka rin," sabi niya sa akin. Ngayon, nasisiguro ko nang kasali nga si Ate. Ayaw lang niyang sabihin ng deretso dahil mukhang may tinatago pa siya at kailangan ko iyong malaman. Kailangan kong sumali sa Oracle, para malaman ang lahat kung nasaan si Ate. "Sige, sasali ako sa Oracle. Ngunit sasabihin mo sa akin, kung nasaan siya o kung saan ko siya maaring makita," saad ko sa kanya.. Napatango-tango naman siya sa sinabi kong iyon. "Naiintindihan kita, subalit, bago ko sabihin ang lahat kung nasaan siya ay kailangan mo munang makatapos ng limang misyon. Maaari kang magsama ng mga kasama sa misyon na gusto mong kunin. Iyon ang pagsubok na ibibigay ko, bago mo tuluyang makuha ang gusto mo," seryoso niyang sabi sa akin. Napakunot noo akong napatingin sa kanya. Kailangan ko munang sumabak sa misyon? Hindi naman iyon problema sa akin. Siguro ay ganoon lang talaga sila, sa mga bagong sasali sa kanila. "Napansin kong palagay na ang loob mo kay Estella. Gusto kong siya ang isama mo sa iyong unang misyon," suhesyon niya. Natigilan naman ako sa sinabi niyang iyon. Si Estella? "Bakit si Estella? Hindi ba pweding si Reese?" sabi ko. Napailing siya, bilang pagtutol. "Hindi problema kung isasama mo siya sa susunod mong misyon. Ngunit, sa una mong misyon ay gusto kong si Estella. Gumawa ka nang paraan para pumayag siya sa gusto mo," sabi niya at ngumiti sa akin. Napaiwas naman ako nang tingin sa kanya. Bakit kailangang si Estella pa ang makakasama ko at kaming dalawa lang. Okay sana kung kasama sina Reese, kaso iyon ang gusto niya. Hays, bahala na nga. "Sige, gagawin ko ang gusto mo. Basta ipangako mong tutuparin mo ang iyong sinasabi," sang ayon ko sa kanya. Napatango naman siya at ngumiti sa akin. "Ngunit, ipaalala ko lang saiyo, na hindi ka magsasalita sa kanila, tungkol sa kung ano ang pakay mo. Okay ba iyon?" "Okay, naiintindihan ko," sang ayon ko. "Mabuti kong ganoon, sige, mamaya gusto kong naroon ka na at sabihin mong gusto mo nang sumali. Aalalayan ka ni Daisy, siya ang isa sa mga namamahala doon. Hindi mo siya nakilala kahapon dahil pumunta siya sa palasyo. Kaya naman makikilala mo siya at sasabihin ko rin sa kanya na darating ka," paliwanag niya sa akin. Napatango naman ako sa sinabi niya. Hindi na ako nagsalita pa at nag abang na lang kung ano pa ang kanyang sasabihin. Mayamaya ay napansin kong napahawak siya sa kanyang noo at nakita ko ang pagbabago ng kanyang reaksyon. "Ano?!" Natigilan ako nang makasigaw siya. Hindi ko alam kung ano, pero mukhang gumagamit siya ng telepathy. "Oo, sige... pupunta na ako diyan," narinig kong sabi niya at inalis na ang kanyang kamay sa noo. Bumaling siya sa akin. "Kailangan ko nang bumalik, may nanggugulo na naman sa headquarters at hindi ito simpleng panggugulo lang. Sumama ka na lang sa akin," sabi niya. "Huh?" tanging sambit ko lang. Hinawakan niya ang balikat ko at isinaman niya ako sa kanyang pagtakbo. Bago ko nagawang gamitin ang kapangyarihan ko ay tumalon na kami mula sa puno at doon ko napansin na may malaking ibon pala ang nakaabang sa amin. Hindi na ako nagtanong at sumama na lang sa kanya. Tahimik kaming dalawa, habang nakasakay sa malaking ibon na ito. Nasisiguro kong alaga niya ito, dahil napapasunod niya ito. Habang nasa himpapawid kami ay nagsalita ako. "Paano mo nakilala ang aking ama, bukod sa naging kaibigan mo siya. Siguro naman, maaari mo iyong sabihin sa akin, di ba?" saad ko sa kanya. Narinig kong napabuntong-hininga siya sa sinabi ko. "Matalik kaming magkaibigan, kahit noong mga bata pa kami. Ako lagi ang nakakasama niya, lalo na noong panahon na inaapi siya ng kanyang kapatid na lalaki. Sigurado akong nakilala mo na ang pinuno ng Grover, siya iyon. Kaya lang, hindi siya pinapatulan ng ama mo dahil nga kapatid niya ito. Hanggang sa nagpasiya siyang umalis at alam ko lahat iyon. Nais ko man siyang samahan ay hindi niya ako pinayagan. Kaya matagal bago kami nagkita ng iyong ama," kwento niya sa akin. Bahagya siyang napatingin sa akin, bago muling nagsalita at nakinig lang ako sa mga sasabihin niya. "Noong nagkita kaming muli ay may kasama na siya at iyon ay ang ina mo. Buntis pa ito sa panganay nilang anak at sinabi niya sa akin ang pinagdaanan nilang dalawa. Kaya sinabihan ko na lang sila, na lumayo na lang muna. Ilang taon din ang lumipas, bago kami muling nagkita at ayon nga, kasama ka na. Nasabi niya sa akin na sa Bayan ng Titania kayo nakatira at namumuhay ng tahimik. Subalit, ang pagkamatay niya ay naging palaisipan sa akin. Hindi ako naniniwala na namatay siya sa sakit o kung ano. Ikaw, anong alam mo kung bakit namatay ang iyong ama?" tanong niya sa akin. Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya sa akin. Dahil ang tanging alam ko lang talaga noon ay namatay siya dahil sa sakit. Sumunod na taon no'n ay namatay rin ang ina ko. "Tulad nang sabi mo, ang alam kong ikinamatay niya ay dahil nagkasakit siya. Bakit? Ano nga ba sa tingin mo ang iba pang dahilan sa pagkamatay niya," seryoso kong tanong sa kanya. Napabuntong-hininga siya at nakita kong tumingin siya sa ibaba. Kaya napatingin naman ako doon. Nakita ko mula rito ang usok na nagmumula sa headquarters ng Oracle. Sandali, anong nangyari? "Saka na natin iyon pag usapan. Sa ngayon ay may aayusin pa akong problema," seryoso niyang sabi. Hindi na ako nagsalita pa at muling tumingin sa ibaba. Nang malapit na kami ay bigla siya tumalon, kaya naman sumunod na rin ako sa kanya. Nang makababa na kami ay hindi ko alam kung paano ilalarawan ang nangyari sa headquarters nila. Wasak ang harapan nito, na tila ba pinasabog at halos kalahati nito ay nawasak. Anong nangyari dito? Sinugod ba sila na kaaway nila. "Master!" Sabay kaming napalingon sa tumawag sa kanya at nakita ko iyon si Riza. Kasama niya ang ilang kasamahan niya sa Oracle. Nakita ko rin si Reese, na bahagyang nagtataka nang makita ako. "Anong nangyari dito?" seryosong tanong ni Master sa kanila. "Hindi namin alam kung paano ipapaliwanag, Master. Bigla na lang kasi kaming nakarinig ng pagbasag kanina sa bubong at kasunod noon ang isang malakas na pagsabog. Hindi kami kaaagad nakapaghanda sa atakeng iyon, kaya marami ang sugatan na kasamahan natin," paliwanag ni Riza sa kanya. "Nasisiguro akong kagagawan ito ng Grover," narinig kong sabi ni Reese. Napatingin naman ako kay Reese nang makita kong gaano siya ka-seryoso at bahagya niya pang naikuyom ang kanyang kamao. "Paano mo naman nasabing sila ang may kagagawan nito?" tanong ni Cassandra, nang makalapit ito sa kanila. "Sila lang naman ang may ganang gumawa ng ganito. Ilang beses na nga nila tayong ginugulo, maging sa misyon natin. Kaya posibleng sila ang may gawa nito," galit na sabi ni Reese at napamura na lang sa nangyari. Napatingin ako kay Master, nakita kong seryoso lang siya habang nakikinig sa mga sinasabi nila. Ngunit ang kanyang mata ay natuon sa isang bagay. Kaya naman, napatingin din ako doon. Napakunot noo akong nakatingin doon. Sandali! Pamilyar sa akin ang bagay na iyon. Lalapitan ko sana iyon, kaso naunahan ako ni Master. Kaya hinayaan ko na lang siya. Kinuha niya ang isang kulay pulang panyo, kalahati lang iyon pero nakikilala ko pa rin ito. Hindi ko maiwasang magtanong, subalit pinipigilan ko lang ang sarili ko. "Wait, ang panyo na iyan, di ba kay Ms. Alice iyan? May nakalagay na pangalan niya sa panyong iyan. Kaya bakit iyan nandito?" nagugulat na sabi ni Riza habang nakatingin ngayon sa hawak ni Master. Ganoon din ang nasa isip ko. Nais ko mang magtanong ay hindi ko magawa dahil may usapan kaming dalawa. Ano nga bang nangyari at bakit kalahati ng panyo ni ate ang nandito. Nasaan nga ba siya. "This is not good," narinig kong sambit ni Cassandra. "Hindi Grover ang sumugod at nagpasabog dito. Nasisiguro kong may nangyari at binigyan tayo ng babala gamit ang kalahating panyo ni Alice. Kaya naman maging maingat kayo simula ngayon," mariing sabi ni Master sa kanila. "Sandali, Master!" Nahinto si Master at napalingon sa tumawag sa kanya. Kaya napatingin din ako sa lalaking biglang dumating. Hindi ko siya kilala at hindi ko rin siya nakita noong dumating ako kahapon dito. Nakita ko ang seryoso niyang mukha, habang nakatingin ngayon kay Master. "Nakabalik ka na pala, Raven," tugon sa kanya ni Master. "Oo, kaya naman gusto kong humingi nang pahintulot sa inyo. Payagan niyo akong sundan si Alice," seryosong sabi nito. Natigilan naman ako, habang nakatingin ngayon sa kanya. Susundan niya si Ate? Nasaan nga ba si Ate? Napatingin naman ako kay Master, na bahagya namang napatingin sa akin. "Saka na natin pag usapan iyan, sa ngayon kailangan muna nating ayusin ang headquarters," sa halip na sabi niya dito. "Ngunit Master, alam niyo kung gaano ako nag aalala sa misyon niya. Pinadala niyo siya sa kah—" "Naiintindihan kita, kaya mag usap tayo, nang tayo lang dalawa," tanging sabi ni Master at tuluyan na siya umalis. Naglakad siya papunta sa loob ng headquarters, na tanging naiwan matapos ang pagsabog. "Nakakainis naman," narinig kong sambit nito. "Hayaan mo na si Master. Nag aalala rin siya kay Ate Alice at isa pa, magtiwala na lang tayo kay Ate. Magaling iyon, kaya kumalma ka lang kuya," sabi sa kanya ni Cassandra at hinawakan ito sa braso. "Paano ako kakalma? Iyong panyo niya, nasisiguro akong senyales iyon na nasa panganib siya. Hindi niyo ba iyon naisip? Alam nating lahat kung gaano kahalaga sa kanya ang panyo na iyon. Kaya imposibleng hahayaan niyang maging ganoon ang panyo niya," mariing sabi niya. Natigilan naman ako sa sinabi niyang iyon. Ang panyong tinutukoy nila ay isa sa ginawa mismo ng ina namin. Mahalaga iyon kay Ate, dahil iyon ang alaala niya bago nawala si mama. Nakasuot pa doon ang pangalan niya at kahit ako nga ay pinapagalitan niya kapag pinapakialaman ko iyon. Kaya naman, dahil sa sinabi niya ay talagang posible na nasa panganib si Ate. Pinapahiwatig rin na isang babala ang nangyaring pagsabog at hindi ko matuloy kung anong kinalaman nito kay Ate. Ano nga bang gagawin ko ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD