Chapter 27

1655 Words
AXELION'S POV Tiningnan ko solang lahat, habang nasa likod ko naman ang mag ama. Mayamaya ay agad silang nakabawi sa pagkagulat at bigla kong narinig na magsalita ang pinuno nila. "Huh! Sino ka ba? At anong pakialam mo?" matapang nitong sabi sa akin. "Wala, nakita ko lang kasi sila na tumatakbo at sinusundan niyo. Kaya naisapan ko nang lumapit, dahil mukhang dehado sila sa inyo. Dalawa lang sila at marami kayo. Kaya malamang matatalo sila kung sakali man," sabi ko sa kanya. Napakunot noo siyang tumingin sa akin, na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Kung ganoong hindi mo sila kaano-ano ay huwag kang sumasali sa gulo ng iba. Kaya umalis ka na," saad nito. Napangisi lang ako sa sinabi niya at bumaling sa mag amang nasa likod ko, na magkayakap ngayon. "Ayos lang ba kayo?" tanong ko sa kanila. "A-Ayos lang po," sagot no'ng babae, kaya napatango ako sa kanya at inalis na ang tingin sa kanila. "Kapag ba binayaran ko ang utang nila, titigilan niyo na sila?" seryosong sabi ko sa kanila. Nakita kong natigilan sila at nagkatinginan. "S-Sandali, a-anong sinasabi mo?" nari kong sabi ng ama no'ng babae. "Babayaran ko ang utang niyo, para makalaya na kayo sa mga tusong taong ito," sagot ko sa kanya. Bumaling ako sa kanya at nakita kong hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Ngumiti at tumango ako sa kanya. "Magkano ba utang nila at babayaran ko," sabi ko doon sa pinuno. Natawa pa ito sa sinabi ko. "Ang yabang mo rin bata, sigurado ka bang kaya mong bayaran?" natatawa nitong sabi sa akin. "Paano kung sabihin kong 'oo', hahayaan mo na bang bayaran ko iyon?" Nagkatinginan sila at seryosong tumingin sa akin. Tila nag usap pa sa kung magkano ang sasabihin nilang halaga. "1.5 gold stone," nakangising sabi niya sa akin. Natigilan ako. Ganoon kalaki? Sigurado ba siya? Bumaling ako sa mag ama at nakita kong nagulat sila sa sinabi nito. "Ganoon ba kalaki ang utang niyo?" tanong ko sa mag ama. Agad siyang umiling at umayos nang tayo. "Anong 1.5 gold stone? Hindi ganoon kalaki ang utang namin, Teddy! 5 silvers stone lang ang utang namin. Subran ka naman makasabi nang ganyan," galit niya sabi. Kaya napatingin akong muli sa mga ito at nakita kong nakangisi silang lahat sa akin. Napangisi naman ako. Ibinuka ko ang aking palad at pinalabas doon ang limang pirasong pilak na sinasabi ng lalaki, saka ko hinagis sa kanila. "Ayan, bayad na sila sa utang at huwag mo nang dagdagan at baka magbago pa ang isip ko, at kunin ko iyan," sabi ko sa kanila. Nakita ko kung paano nagbago ang reaksyon ng kanyang mukha, na tila hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. "Iniinsulto mo ba ako, huh!" galit niyang sabi sa akin. "Hindi, binabayaran ko lang ang utang nila na sinasabi nila. Kaya kung ganoong halaga lang ang utang nila ay gano'n lang rin ang babayaran ko. Kaya naman umalis na kayo at huwag niyo na silang guluhin pa," mariing sabi ko sa kanila. "Sa tingin mo, ganoon kadali lang? Pinakialaman mo na nga kami at ininsulto, may gana ka pang magsalita nang ganyan? At dahil diyan sa ginawa mo ay hindi kita hahayaang mabuhay pa. Patayin niyo sila! Isaman niyo na ang walang kwentang mag amang iyan!" Utos niya sa kanyang mga kasama na agad namang kumilos. "Tay!" narinig kong sigaw no'ng babae. Iniharang ko ang aking kamay, sa kanila upang ipahiwatig na huwag silang mag alala. "I can handle this," sabi ko sa kanila. Naglakad ako at iwinagayway ang hawak kong espada ko. Sabay na lumapit ang mga ito, upang umatake sa amin. Napapakit ako at mabilis na tinusok sa lupa ang dala kong espada. Nang maramdaman kong malapit na sila sa akin, saka lang ako dumilat at pinalabas ang malakas na aura. Kaya tumilapon ang limang lalaking nais na lumapit sa amin. Hinawakan kong mabuti ang espada at sa isang iglap ay mabilis ko itong binunot saka mabilis na lumapit sa mga ito. Isa-isa ko itong inatake, ngunit tanging suntok at sipa lang ang ginawa ko. Hindi ko kailangang gamitin ang espada ko sa kanila, dahil hindi naman kailangan. Isa-isa kong pinatumba ang mga kasamahan niya at nang magawa ko na iyon ay napatingin ako sa kanya. Nakita ko pang napaatras siya, habang hindi makapaniwala sa ginawa ko sa kanyang mga kasama. "Kung hindi ka na lalaban, pagbibigyan kita. Basta hindi mo na guguluhin ang pamilya ng mag amang ito. Ngunit kung ayaw mong madala sa matinong usapan, talagang hindi kita pagbibigyan," seryosong sabi ko sa kanya. Nakita kong napalunok siya, ngunit naroon pa rin ang kagustuhan niyang lumaban. "Anong akala mo sa—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin ko, nang mabilis akong nakalapit sa kanya at napangisi. Nilagay ko ang espada sa balikat niya. "Espada pwersa level 2!" Matapos kong sabihin iyon, ay pareho kaming nasama sa lakas nang pwersa ng aking Espada. Napatingin ako sa kanya na napadapa, habang nasa balikat niya parin ang espada ko. Inalis ko ang espada sa kanya at hinawakan ang damit niya. Iniangat ko siya kasama ko. Nang makabalik na kami sa itaas ay hinagis ko siya patungo doon sa mga kasama niya, na agad siyang nilapitan. "Boss!" sigaw ng mga ito. Napabuntong-hininga ako. Mula sa kamay ko, ay naglabas akong ng limang gintong pilak at hinagis sa kanila. "Sa tingin ko sapat ka iyan, upang layuan niyo ang mag amang ito at ang pamilya niya. Kapag may ginawa pa kayo sa kanila ay hindi lang iyan ang aabutin niyo. Sige na, umalis na kayo at kailangan nang magamot iyang boss niyo," sabi ko sa kanila. Inalalayan nila ito at mabilis na umalis. Tsk! Napatingin ako sa mag ama, na hindi makapaniwalang nakatingin ngayon sa akin. Nilagay ko sa aking likod ang Espada at naglakad palapit sa kanila. "Pasensya na kayo sa inyong nakita. Hindi ko intensyon na makasakit o makipaglaban. Gusto ko lang makatulong sa inyo at sa tingin ko nagawa ko silang takutin para sainyo," nakangiti kong sabi sa kanila. "Naku, kuya! Maraming salamat sa ginawa mong pagtulong sa amin ni itay," agad na sabi noong babae at yumuko pa sa akin. "Naku, hindi mo na kailangang gawin iyan. Tumayo ka na," sabi ko sa kanya. Napatingin naman ako sa kanyang ama at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin. Kaya nagtataka ako kung bakit ganyan siya sa akin makatingin. "Tay, magpasalamat ka rin sa kanya. Nasisiguro akong hindi na tayo guguluhin ng mga taong iyon," sabi sa kanya ng anak niya. Ngunit nanatili pa rin siyang nakatingin sa akin ng kakaiba. "Sino ka at bakit mo kami tinulungan? Imposible namang walang kapalit ang ginawa mo kanina," mariin niyang sabi. "Tay, ano ba iyang sinasabi mo," saway sa kanya ng kanyang anak. Napangiti na lang ako sa sinabi niya, mukhang nagdududa siya sa akin. "Wala po akong ibang intensyon sainyo. Gusto ko lang tumulong at iyong sinabi ko kanina na nakita ko kayong tumatakbo ay nasa itaas ako noon. Papunta ako sa bundok na iyon, nang makita ko kayo," paliwanag ko sa kanya. "Imposible iyon, sino ka ba talaga?" mariing tanong niya sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako. "Naiintindihan ko ang pagdududa niyo. Uulitin ko, wala akong masamang intensyon. I'm Axelion, but you can call me, Axel. Bago lang ako dito sa Edolas kaya hindi ko pa halos kabisado ang lugar. Mula ako sa bayan ng Titania at nandito ako para hanapin ang isang tao. Iyon lang ang magagawa kong sabihin sainyo," sagot ko sa tanong niya. Pinaangat ko ang aking sarili at mula sa akong palad, naglabas ang ng pera at mabilis na hinagis sa kanya na agad naman niyang nasalo. "May pupuntahan pa ako, at kung magkasalubong man tayo ulit. Maaari niyo na akong kausapin nang maayos, na walang pagdududa," nakangiting sabi ko sa kanya at mabilis na lumipad patungo sa bundok na nais kong puntahan. Lumingon pa ako sa kanila at nakita kong kumaway sa akin ang babae. Siguro, magagawa ko ring malaman ang mga pangalan nila kung sakali mang magkita kami ulit. Sa ngayon ay may isang tao muna akong kikitain. Ilang minuto ang lumipas ay narating ko na ang tuktok ng bundok. Kaya naman nang nasa tuktok na ako ay natatanaw ko ang sinasabi ng may ari nang inuupuan ko, ang mataas na puno. Hindi ko alam kung saan naroon ang taong iyon, ngunit kailangan ko pa rin siyang makita. Napabuntong-hininga ako at muling lumipad patungo doon sa puno. Nang marating ko ito ay nakita kong may maliit na bahay ang naroon. Hindi ko masabi kong ang may ari ba ng bahay na iyan ang taong kikitain ko. Kaya naman lumapit na ako at bumaba patungo doon sa bahay. Nang makababa na ako ay napatingin ako sa paligid nito. Wala akong nakitang ibang tao, bukod sa nag iisang bahay na nasa harapan ko at ang mataas na puno na nasa likod nito. Napatingin ako sa itaas at natigilan ako, nang mula roon ay may nalaglag na mga dahon. Ngunit, hindi lang ito simpleng nalalaglag, kundi tila may kumo-kontrol nito. Kaya napagtanto ko, na nasa itaas ng punong ito ang taong iyon. Muli akong umangat at ginamit ko ang aking kapangyarihan, saka mabilis na lumipad patungo sa itaas nito. Seryoso akong nakatingin sa itaas at doon ko napansin na subrang taas pala talaga nito. Halong kalahating oras rin bago ko natanaw ang tuktok nito. Kaya nang makarating ako ay nakita ko ang isang pabilog at malapad na dahon. Wala akong kahit sino man ang nakikita dito, ngunit nararamdaman ko ang aura nito. Lumapit ako doon sa dahon at bumaba. Napatingin ako sa paligid at umaasa na makikita ang taong iyon. "Mabuti naman at dumating ka.." Napatingin ako sa likod ko, nang marinig ang pamilyar na boses. Ngunit natigilan ako, nang tuluyan ko na siyang nakita at kilala ko siya. Hindi ako pweding magkamali, siya ang pinuno ng Oracle. Naging seryoso ang tingin ko sa kanya, habang nakangiti naman siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD