THIRD PERSON'S POV I
Habang abala sa pakikipag usap si Axel kina Reese at Riza, ay hindi niya napansin na mag isang pares ng mga mata ang nakatingin sa kanya ngayon. Pinagmasdan ng taong iyon si Axel at kinilalang mabuti. Nararamdaman rin niya ang malakas na aura mula kay Axel.
"Tama nga ang hinala niya, na darating ito.." sambit niya habang nakatingin pa rin kay Axel.
Mula sa itaas ay nakatingin ito kay Axel; ang tinatawag ng mga membro ng Oracle na kanilang master. Hindi niya inaasahan na ganito kaaga darating any binata at mukhang itinadhana nga ito upang makilala ang ilang membero ng Oracle. Napabuntong-hininga siya at tumayo. Naglakad ito at tinahak ang hagdan pababa sa unang palapag. May nakakasalubong siyang ilang membro ng Oracle na yumuyuko sa kanya at talagang iginagalang siya ng mga ito. Nang tuluyan na siyang nakababa ay nasalubong niya si Estella na mukhang masama ang aura.
Nilampasan siya nito, kaya naman tinawag niya ang dalaga.
"Estella," tawag niya dito.
Napahinto naman si Estella at napatingin sa kanya. Nakita niya kung paano ito natigilan at yumuko sa kanya.
"Master, ikaw pala... pasensya na kung hindi ko kayo napansin," sabi nito sa kanya.
Tumango siya sa dalaga at ngumiti.
"It's okay, but the way.. who's that man?" tukoy niya sa kasama nina Reese, kahit alam naman niya kung sino ito. Napatingin naman si Estella sa kung sino ang tinutukoy nito. Kaya naman mas lalong sumama ang tingin niya at bahagyang napaismid sa kanyang nakita.
"Si Axel, nakilala namin habang pabalik kami mula sa misyon. Naging kaibigan na rin namin at nais nina Reese na sumali siya dito sa atin. Ngunit iyon nga hindi pa siya makakapagdesisyon dahil may hinahanap raw siyang tao, saka na raw siya sasali kung mahanap na niya ang taong hinahanap niya," sagot ni Estella.
Napatango naman ang master nila at muling tumingin kay Axel. Palihim na lang siyang napangiti dahil nararamdaman na niya kung ano man ang nasa isip ni Axel.
"Ganoon ba? Mabait ba siya?" muling tanong nito kay.
"Well, yes.. he's a good man. Tinulungan nga niya kami, noong nakaharap namin ang grupo ng Grovers. Siya ang nakipaglaban sa leader ng mga ito at mahusay siya sa pakikipaglaban. Hindi ko lang masabi kong anong klaseng kapangyarihan mayroon siya. Basta ang masasabi ko ay mahusay siya," muling sagot ni Estella.
"Hmm, mukhang magugustuhan ko siya. Gusto ko siyang kausapin," saad nito.
"Kayo na po ang bahala, master. Sa ngayon magpapahinga lang muna ako. Maiwan ko na muna kayo," sabi ni Estella dito.
"Sige, ija," tugon nito at hinayaan na niyang umalis si Estella.
Tumango naman si Estella at tumalikod na dito. Sinundan niya nang tingin si Estella, dahil sa kakaibang aura nito. Pakiramdam niyang galit ito o tila subrang nainis, basta ramdam niyang ang sama ng aura nito. Napapailing na lang siya at bahagyang napatingin muli sa kinaroroonan nina Axel, saka muling napatingin kay Estella. Kaya naman nasagot ang tanong niya dahil sa kanyang napansin.
"Hays, mga bata nga naman," napapailing niyang sabi at naglakad.
Habang papalapit siya sa kinaroroonan nina Axel ay nararamdaman din niya ang pamilyar na presensya nito. Palihim siyang napangiti, hanggang sa makarating siya sa mga ito.
"Mukhang may bisita tayo," sabi niya.
Sabay naman napatingin ang mga ito, nang magsalita siya. Kaya agad na napayuko sina Reese dito.
"Kayo pala, Master," saad nina Reese.
Napangiti naman ang kanilang master at napatango sa kanila. Tumingin siya kay Axel na yumuko rin sa kanya.
"Kaibigan niyo ba?" tanong niya sa mga ito.
"Ahh, oo master.. siya si Axel, nakilala namin habang pabalik kami dito," sagot agad ni Reese.
"Ganoon ba? Mukhang kampante kayo sa kanya. Hai Axel, ako si Fredick, ang Master ng Oracle gruop," pakilala niya dito.
"Hello po, Master, I'm Axel, nice to meet you," magalang na bati ni Axel dito at yumuko.
"Me too, well.. you can stay here with them. Enjoy," sabi niya at iniwan na ang mga ito.
Yumuko naman silang muli dito, nang tumalikod na ang kanilang Master. Sinundan naman nang tingin ni Axel ang Master ng Oracle. Nang bigla itong dumating kanina ay nakaramdam siya nang kakaiba. Katulad nang naramdaman niya kay Estella, noong una niya itong nakita ay ganoon rin ang naramdaman niya sa Master ng mga ito. Pamilyar sa kanya ito at tila ba nagkita na sila nito. Subalit, hindi niya matukoy kung saan niya ito nakilala.
"Ang bait pala ng Master niyo," komento niya, nang tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin.
"Yes, mabait si Master pero kapag gumagawa kami ng kalokohan ay talagang subrang kung magalit iyon. Pinaparusahan agad kami," sagot ni Cassandra sa kanya.
"Oonga pala, patay.. kapag nalaman niya ang nagawa natin sa misyon ay talagang magagalit na naman siya at parurusahan tayo. Hay naku!" sabi ni Reese, nang maalala ang ginawa nilang kalokohan sa kanilang misyon.
"Oonga, hays!"
"Naku, ano na naman ang ginawa niyo? Kapag kayong tatlo talaga ang magkasama ay may mangyayari talaga. Kung kasama niyo lang si Vain ay siguradong wala kayong magagawang kalokohan. Tsk! Bahala na nga kayo diyan," napapailing na sabi naman ni Riza at tinalikuran na sila.
"Ah, by the way.. nice to meet you, Axel. Sana makasali ka sa grupo namin. See you around!" muling sabi ni Riza, hanggang sa tuluyan na itong umalis.
"Halika, doon tayo," mayamaya ay anyaya ni Reese kay Axel.
Kaya naman, sumama si Axel kay Reese, maging si Cassandra. Ipinakilala ng dalawa si Axel sa mga ka membro nila at malugod siyang tinanggap ng lahat. Kaya naman naging palagay na rin ang loob niya sa mga ito at sumasabay siya sa mga biro. Napansin niyang may iba't ibang pag uugali ng mga membro ng Oracle. May masayahin, masungit, palatawa, palabiro. Mayroon din seryoso at ayaw makipaglaban. Ngunit sa kabila no'n ay binati pa rin siya ng mga ito. Nakipaglaro din siya kasama ang mga ito. Nakapaglaro na siya ng billards, hindi man siya bihasa ay alam naman niya kung paano ito laruin. Hanggang sa hindi na niya namalayan na gabi na pala at naalala niya ang sinabi ng landlady, na may ari ng inuupahan niyang bahay. Kaya naman nagpaalam na siya sa mga ito, dahil may pupuntahan pa siya.
Kahit na pinigilan siya ng mga ito ay wala itong nagawa at nakaalis pa rin siya.
Habang naglalakad si Axel pabalik sa inuupuan niya ay may ngiti sa kanyang labi. Marami na siyang nakasalamuha, pero ibang iba pa rin ang mga Oracle. Pala-kaibigan ang mga ito at tila ba pamilya na ang turingan ng bawat isa. Kaya naman palagay na ang kanyang loob sa mga ito.
Nang makarating siya sa inuupahan niya ay sinalubong agad siya nang may ari at inaya siyang sumabay sa hapunan ng mga ito. Kaya naman sumama na siya dito at pinagbigyan ang mga ito.
Kinabukasan.. pagkagising ni Axel ay naisipan na niyang maghanap ng impormasyon tungkol sa kanyang ama at maging sa kanyang nakakatandang kapatid. Matapos niyang maligo at makapagbihis ay aalis na sana siya nang may napansin siyang papel sa ibabaw ng mesa. Nagtataka naman siyang naglakad palapit dito at kinuha iyon. Nakita niyang may nakasulat doon at natigilan siya matapos iyong mabasa.
I'm glad that you're here. Inaasahan kong darating ka balang araw, subalit hindi ko inaasahan na ganito kabilis. Alam ko kung ano ang kailangan mo at maaari ko iyong ibigay saiyo. Kaya naman kung gusto mo itong malaman, puntahan mo ako sa address na nakasulat sa ibaba. Hihintayin kita..
Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Napatitig siyang mabuti sa mensaheng nabasa niya. Napaisip siyang mabuti kung sino ang posibleng nagbigay ng mensahe. Kaunting tao pa lang naman ang nakilala niya at halos membro ng Oracle ang mga iyon, bukod sa may ari ng bahay.
Mas lalong hindi niya alam kung saan ang lugar na tinutukoy niya. Hindi rin niya maisip na kung posible nga bang may koneksyon ang taong iyon sa pakay niya.
Ngunit, nais niyang magbasakali at makausap ito. Hindi man niya matukoy kung sino ito ay susubukan niya. Muli siyang napatingin sa sinasabi nitong address at napabuntong-hininga hininga. Kinuha niya ang kanyang espada at tulad nang dati ay itinago niya ulit ito sa lugar na siya lang ang maaaring makakuha nito.
Lumabas siya sa pinto at pagkababa niya ay nasalubong niyang may ari. Huminto siya at binati ito.
"Manang, alam niyo ba kung saan Mt. Akiba? Iyong may mahaba at mataas na puno dito sa Edolas?" tanong niya dito.
"Hmm, oo alam ko iyon. Umupa ka ng kabayo at tahakin mo ang isang bundok na makikita mo kaagad dito, halika," sabi nito.
Sabay silang lumabas sa bahay at may itinuro ito. Napatingin naman siya sa itinuro nito.
"Tahakin mo ang bundok na iyan, may maliit na daan sa kakahuyan paglabas mo sa lungsod. Iyon ang daan patungo sa bundok at kapag naroon ka na ay makikita mula sa bundok na iyan ang Mt. Akiba, maging ang mataas na puno na naroon," sabi nito sa kanya.
Napatango naman si Axel sa sinabi nito.
"Sige po, maraming salamat," sabi niya dito at yumuko.
Tinanaw niya ang bundok na tinuro nito at sa isang iglap lang ay lumutang siya sa ere. Kaya natigilan naman ang may ari ng bahay sa nakita nito kay Axel. Mayamaya ay biglang lumipad na palayo si Axel, kaya namamanghang nakatingin dito ang babae.
"Ibang klaseng bata, iba talaga ang nagagawa ng may taglay na kapangyarihan," sambit nito sa sarili at pumasok sa loob.
Habang si Axel naman ay tinatahak na nito ang kinaroroonan ng buntok. Bahagya pa siyang napatingin sa ibaba, kaya nakita niya ang malawak na bahagi ng Edolas. Malaki ang sakop nito at nakikita niya rin ang headquarters ng Oracle. Matapos niyang tumingin sa ibaba ay muli siyang napatingin sa buntok na malapit na niyang marating. Nadaanan niya ang kakahuyan ng Edolas at may nakikita siyang mga naglalakad. Napansin rin niya ang dalawang tao na tumatakbo. Iaalis na sana niya ang kanyang tingin, nang may napansin siyang isang grupo na tumatakbo rin sa iba't ibang dereksyon. Muli siyang napatingin sa unahan, kung saan tumatakbo rin ang dalawang tao na nakita niya. Isang matandang lalaki at isang babae na mukhang teenager. Nakunot noo siya habang nakatingin sa nagaganap sa ibaba, hanggang sa napagtanto niya kung anong nangyayari. Kaya naman naisipan niyang bumaba at magtago. Gusto niyang malaman kung anong nangyayari , dahil sa tingin niya ay nasa panganib ang dalawang tao na nakita niya sa mga taong sumusunod naman sa mga ito.
Inunahan niya ang dalawa at agad siyang nagtago. Nakita niyang huminto ang mga ito malapit sa kanya.
"Tay, natatakot po ako, baka kung anong gawin nila sa atin," narinig niyang sabi ng babae at naramdaman niya ang takot na nagmumula dito.
"Huwag kang mag alala, nandito ako. Halika, magtago ka doon at ililigaw ko sila," sabi naman ng matanda sa kanyang anak.
"Tay, huwag mo akong iwanan dito," pakiusap nito at hinawakan ang damit ng ama.
"Basta babalik ako, magtago ka nang mabuti," sabi nito.
Nakatingin lang si Axel sa mga ito at mayamaya pa ay may naramdaman siyang papalapit at nasisiguro ni Axel na ito ang mga humahabol sa mag ama. Ilang saglit pa ay nakita na ni Axel ang pagdating ng mga ito, kaya naman hindi na nagawang umalis pa ng ama nito. Muling yumakap ang babae sa kanyang ama at nakaramdam ng takot sa kung anong mangyayari.
"Saan ka pupunta? Di ba sabi ko saiyo bayaran mo ang untang niyo sa akin?" narinig ni Axel na sabi ng tila pinuno ng mga ito.
Nakita ni Axel na isa-isang dumating ang mga kasamahan nito at pinalibutan ang mag ama. Kaya naging seryoso ang tingin ni Axel sa mga ito at tila hindi niya magustuhan ang susunod na mangyayari.
"Sinabi ko na sainyo na wala pa akong pera ngayon dahil nagkasakit ang asawa ko. Sa susunod na buwan na lang at kahit doublehin ay gagawin ko. Huwag lang muna ngayon dahil walang-wala pa kami," pakiusap no'ng matanda sa mga ito.
"Anong sa susunod na buwan? Hindi nga kayo nakabayad noong isang buwan, tapos ngayon sa susunod na naman? Ako ba'y ginagag* mo?" galit na sabi nito at mabilis na nilabas ang hawak nitong sandata at itinuro sa matanda. Halos mapasigaw naman ag anak na babae nito sa nakita at natakot. Kaya lalo itong kumapit sa ama at isinubsob ang mukha sa dibdib nito.
"Pasensya na talaga," muling sabi nito at napayuko.
Nakita niya kung gaano ka desperado ang kaharap ng mga ito, na tila walang pakialam sa nararamdaman ng mga ito.
"Kunin niyo ang babae, siya na lang ajg magiging bayad sa utang mo," seryoso nitong sabi.
Nanlaki naman ang mata ng matanda at napatingin sa kanya anak na nagulat din sa sinabi nito.
"H-Hindi, hindi bagay ang anak ko para ipambayad utang. Nakikiusap ako sa inyo," sabi nito at bigla lumuhod.
Nanliit ang mga ni Axel habang nakatingin sa mga ito.
"Tay!" sigaw ng babae.
"Kunin niyo na," sabi nito.
Tumango siya sa mga tauhan nito at lumapit sa babae.
"No! Huwag kayong lalapit! Tay!" umiiyak na sigaw nito.
Nakita ni Axel na hahawakan na nito ang babae. Kaya naman sa isang iglap ay nagawa niyang ilabas ang espada niya at iniharang sa babae na baka nitong kunin.
Nagulat naman ang mga ito sa biglang pagdating ng isang sandata na ngayon lang nakita ng mga ito.
"She already beg, but you didn't listen.," sabi ni Axel at lumapit na sa mga ito.
Sabay na napatingin ang mga ito sa kanya. Tiningnan niya ang mga nagugulat na mata nito. Pagkalapit niya ay hinawakan niya ang espada. Seryoso niyang tiningnan ang mga ito.