Chapter 25

2270 Words
Mabilis lang akong nakahanap ng mauupahang bahay at malapit lang ito sa may park, kung saan matatanaw ang magandang tanawin ng plaza. Maliit lang ito at para lang talaga sa iisang tao pero maganda, saka mabait ang may ari ng paupahan. Inayos ko ang ilang gamit sa may lagayan ng mga damit at nagbihis. Maaga pa naman kaya naisipan ko munang mamasyal sa paligid at kukuha na rin ako ng impormasyon, lalo na sa ama ko na kilala pala dito sa Edolas. Napatingin ako sa espada ko at napabuntong-hininga. Kinuha ko iyon at ginamitan ng space magic, kung saan pwedi kong itago ang mga bagay na ayaw kong makita ng ibang tao. Isa iyon sa mga natutunan ko noon kay Ate, dahil isa iyon sa mga kakayahan niya. Matapos no'n ay lumabas na ako sa kwarto at sakto namang nasalubong ko ang landlady, kaya nagpaalam ako sa kanya na aalis muna. Hinayaan naman niya ako at nais niyang doon na ako maghapuna sa kanila, bilang pagbagi sa akin na isa sa nangungupahan sa kanila. Pumayag naman ako sa alok niya, saka ako umalis. Napapikit ako, nang sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Sa sarap sa pakiramdam. Pagmulat ko ay naglakad-lakad na ako at napapatingin sa paligid. Marami pa rin akong nakikitang naglalakad sa paligid. May nag uusap, tumatawa at kumakain sa gilid. Naisipan kong bumili ng pagkain at umupo sa may malapit na puno dito sa park, saka ako napasandal. Nagsimula akong kumain, habang napapatingin naman sa paligid. "Arf!" Napatingin ako bigla sa gilid ko, nang may narinig akong tahol ng isang aso. Natigilan ako, dahil nasisiguro kong hindi ito simpleng aso lang. Kulay puti at malabong ang kanyang mga balahibo. "Arf!" muling tahol niya at umupo pa. Nakita ko ang buntot niya na winagayway niya. Kaya naiintindihan ko na kung ano ang nais nito. Napatingin naman ako sa hawak kong pagkain at napabuntong-hininga. Hinati ko ang binili kong burger kanina at binigay sa kanya. Agad naman niya itong kinain, mukhang nagugutom siya. Sino bang may ari nito? Napatingin ako sa paligid, wala akong nakita o naririnig na may naghahanap na aso. Ngunit, nasisiguro ko pa rin na nawawala ang isang ito. May napansin ako sa may leeg niya. Isang kwentas at may pangalan malapit sa pendant nito. Tella? Teka, Tella ba ang pangalan ng asong ito? "Tella?" sambit ko. Napahinto naman siya sa pagkain at tumahol. Lumapit siya sa akin ay dinilaan ang tagiliran ko. Ibig sabihin, pangalan niya nga iyon. Ngunit sino nga ba ang may ari nito? "Sinong amo mo? Bakit ikaw lang mag isang namamasyal," sabi ko pa sa kanya, na para bang maiintindihan nito ang sinasabi ko. Muli niyang binalikan ang kinakain niya at inubos ito. Mayamaya ay bumalik siya sa akin at humiga sa gilid ko. Napangiti naman ako dahil sa pakiramdam ko ay palagay na ang loob niya sa akin. Hinaplos ko ang malabong niyang balahibo. Subrang kapal nito, na tila maaari nang maging unan. Kaya nasisiguro din akong mahal na mahal siya, nang kung sino man ang amo niya. "Naliligaw ka ba, Tella?" sabi ko sa kanya habang hinahaplos ang noo niya. Tumayo naman siya at biglang umikot. "Arf! Arf!" tahol niya. "So, naliligaw ka nga?" muling sabi ko na tila naiintindihan nga niya ang sinasabi ko. "Arf! Arf!" muling tahol niya. "Gusto mo bang dalhin kita sa amo mo?" sabi ko sa kanya. "Arf! Arf!" Napangiti naman ako at tumayo. "Sige, dadalhin kita sa amo mo," sabi ko. Akmang bubuhatin ko siya, nang bigla siyang lumayo sa akin. "Arf! Arf!" Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya ngayon. Now... what is she trying to do? Dadalhin ko nga sa amo niya di ba? Kaya dapat magpapabuhat siya sa akin. "Arf! Arf!" Bigla siyang tumakbo patungo sa akin at inikutan ako, habang winagayway niya ang kanyang buntot. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Muli na naman siya lumayo at tumahol sa akin. "Gusto mo bang sundan kita?" wika ko. "Arf! Arf!" tahol niya at naunang naglakad. Kaya naman sumunod ako sa kanya. Huminto pa siya na tila nais niya akong makasabay sa paglakad. Natawa na lang ako, kakaiba din ang trip ng asong ito. Siya itong lumapit sa akin kanina dahil nga nawawala siya, tapos ngayon ay para bang ako pa ang tinutulungan niyang makabalik kung saan man ako dapat naroon. Hinayaan ko na lang dahil baka may dahilan siya, kung bakit niya ako nais na isama. Kaya naman, habang magkasabay kaming naglalakad ay napapatingin naman ako sa paligid. Marami pa ring tao, dahil marami din ang paninda sa paligid. Kaya nalilibang na rin ang mga mata ko sa kakatingin sa paligid. Mayamaya ay napansin kong halos mga matataas na gusali na ang nakikita ko. Patuloy pa rin siya sa paglalakad. May nakakasalubong kaming naglalakad at napapatingin kay Tella. Mukhang nakikilala siya ng mga ito. Kaya nasisiguro kong tagarito lang siya. Sa kakalakad namin ay napansin kong huminto siya sa isang malaking pinto at bahagya pa niyang winagayway ang kanyang buntot, saka umikot sa akin. "Ito ba ang tahanan mo?" tanong ko pa sa kanya. Tahol lang ang sinagot niya sa akin at bahagyang itinulak ang pinto. Muli siyang tumingin sa akin, bago pumasok sa pinto. Napatingin ako sa malaking pinto at natigilan ako, nang makita ko ang nakasulat sa itaas nito. Oracle Headquarters... Teka lang! Ibig sabihin, dito nakatira si Tella at kasama niya ang mga Oracle? "Tella! Saan ka ba nagpunta! Kanina ka pa namin hinahanap!" Napatingin ako sa pintong pinasukan ni Tella, dahil narinig ko ang pamilyar na boses. Nasisiguro akong kay Cassandra'ng boses iyon. "Tella! Saan ka na naman ba nagpunta? Alam mo bang, nag aalala lahat ng tao dito?" Narinig ko ang boses ni Estella. Sandali, Tella at Estella... Posible kayang si Estella ang may ari kay Tella? Nagkataon nga lang ba ang lahat ng ito? "Oh! Tella! Saan ka pupunta, hey!" Mula sa pinto ay lumabas si Tella at agad na kumahol, habang winawagayway niya ang kanyang buntot. Umikot na naman siya sa akin at hinaplos ang kanyang noo sa heta ko. "Tella! Saan ka ba pupu—" Napatingin ako sa taong sunod na lumabas at pareho kaming nagkagulatang dalawa. Napatitig kami sa isa't isa at parehong hindi makapaniwala. "Estella! Bakit tu—" Sunod namang lumabas ay si Cassandra, na bahagyang nagulat rin ng makita ako. Itinuro niya pa ako at hindi rin makapaniwala na nandito ako. "Arf! Arf!" narinig kong tahol ni Tella at lumapit kay Estella. Ginawa niya kay Estella ang ginawa niya sa akin. Hinaplos niya ang kanyang noo sa heta ni Estella. "Axel!" agad na sambit ni Cassandra, nang makabawi na sa pagkagulat. "H-Hello," bati ko sa kanya at muling napatingin kay Estella, na nakabawi na rin sa pagkagulat. "Sinurpresa mo naman kami," tanging sambit niya. "Well, si Tella ang dahilan kung bakit ako napunta dito. Kaya nagulat rin ako, nang mabasa ang nakalagay sa ibabaw ng pinto. Hindi ko aakalain na dito niya ako dadalhin. Bigla na lang kasi siyang lumapit sa akin kanina, habang nasa park ako at inakala ko na naligaw siya. Imbes na ihahatid ko siya sa kanyang amo, ay dito niya ako dinala," paliwanag ko sa kanila. Lumapit naman si Tella sa akin at dinilaan ang heta ko. Kaya naman napangiti ako at hinaplos ang kanyang noo. Ngayon, kaya pala pamilyar siya sa akin ay dahil pagmamay ari pala siya ni Estella. Matapos magpaliwanag ay bigla na lang tumakbo si Tella sa loob ng kanilang headquarters. Kaya naiwan kaming tatlo dito sa labas. "Siguro naamoy niya, na nakasama ka namin kanina. Matulis ang pang amoy ni Tella at mahuhulaan niya kaagad kung isang masamang tao o hindi ang nakasama ko. Siguro, nahulaan niyang mabait ka, kaya ka niya dinala dito," pahayag sa akin ni Estella at napangiti. Mukhang ganoon nga ang nangyari, nakakabilib din pala ang asong iyon. "Alaga mo ba siya?" tanong ko sa kanya. "Yes," tugon niya. "Uhm, excuse me.. I'm still here, baka kasi nakalimutan niyo na ako o baka naman gusto niyo ng privacy para makapag usap kayo. Papasok na lang muna ako sa loob huh?" biglang sabi ni Cassandra at napapailing na pumasok sa loob ng kanilang headquarters. Napapailing na lang ako sa sinabi ni Cassandra, maging si Estella ay ganoon rin. "Well, salamat pa rin at umuwi dito si Tella dahil saiyo. Nahulaan na rin niya siguro na nakabalik na ako. Kapag may misyon kasi ako ay iniiwan ko siya dito, kasama ng iba. Kaya naman minsan ay talagang umaalis siya," sabi niya sa akin. Napatango naman ako sa sinabi niya. "Ganoon ba? Ang husay niya pala kung ganoon," tugon ko. Matapos kong sabihin iyon ay hindi na siya nagsalita pa at tila hinihintay kong magsasalita pa ba ako. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko. Aalis na nga ba ako o kung ano. "Uhm.." Napahinto kami pareho, nang magkasabay kaming magsalita. Kaya natawa na lang kaming dalawa. "Well, baka gusto mong pumasok muna? Hindi lang naman kasi ito headquarters lang na para lang sa amin. Maaaring tumambay ang kung sino man ang nais pumunta dito. Halika, para makita mo," anyaya niya sa akin. "Hmm, sige," sang ayon ko sa kanya. Tumango siya at naunang pumasok, kaya sumunod na ako sa kanya. Nang makapasok na ako ay napahinto ako sa aking nakita. Nakita ko kung gaano kalawak ang headquarters nila o matatawag nga ba itong headquarters. Mas mainam na tawahin itong hall, dahil sa lawak nito. May nakita akong palaruan sa kabila; may billards, basketball court, training area. Sa kabilang banda naman ay nakita ko ang kainan at may ilan doon na umiinom. May iba din na abala sa pagk-kwentuhan. Nakita ko naman sa harapan ang isang malaking board at may nakapaskil na iba't ibang papel. Hula ko ay iyon ang request board nila para sa kanilang mga misyon. May nakita akong hagdan paitaas at doon may nakita rin akong ilang tao na nag uusap. "Hey! Is that you, Axel!" Napatingin ako sa biglang tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Reese na mukhang kakabihis lang. "Kasama siya ni Tella na nagpunta dito, para bang hinatid siya dito ng alaga ko," narinig kong sabi ni Estella sa as. "Ganoon ba? Ibig sabihin dinala ka pala dito ni Tella? Haha!" sabi niya at natawa. Natawa na rin ako sa kanya at muling napatingin sa paligid. May ilan na napapatingin sa amin at tila kinilala kung sino ako. "Parang ganoon na nga," sagot ko kay Reese. "Okay, welcome to our headquarters, Axel," sabi ni Reese. Napatango ako. "Para nga siyang hindi headquarters eh, ganito pala dito?" sabi ko. At muling tumingin sa paligid. "Haha oo, pero ganyan talaga dito. May ganito kami para na rin ma-enjoy namin ang aming sarili pagkatapos ng misyon. Nasa likod lang niyan ang main headquarters namin. Ngunit mga membro lang dapat ang makakapasok, kaya itong nakikita mo ay open sa lahat," paliwanag ni Reese. Napatango-tango naman ako sa sinabing iyon ni Reese. Kaya pala ganito ang nakikita ko. "Who is he?" napalingon kami sa biglang nagsalita at natigilan ako nang makita ito. "Riza, ano ka ba? Magsuot ka nga ng maayos na damit. Wala ka sa beach para ganyan ang magiging suot mo," sita ni Estella dito. Napatingin naman kay Estella, iyong tinawag niyang Riza. Natigilan pa ako nang bigla na lang itong umakbay sa akin. Napatingin ako dito at kinindatan lang ako. "Sus! Ikaw naman, hindi ka na nasanay sa akin. Teka, sino ba ito? Mukhang astigin eh at malakas," sabi nito at bumaling ulit sa akin. "Uhm.." Alanganing akong tumingin sa kanila at nakita ko naman na napapailing silang nakatingin dito. "Siya si Axel, nakilala namin at nakasabay namin sa Train papunta dito sa Edolas," pakilala ni Reese sa akin. "Ay talaga? Hai Axel, I'm Riza. I'm one of the Oracle, nice to meet you," pakilala niya sa akin at kinuha bigla ang kamay ko. Naiilang naman akong ngumiti sa kanya. "N-Nice to meet you, Riza," tugon ko sa kanya. "Sasali ka ba sa grupo namin? Naku, masaya dito.. sumali ka na," saad niya sa akin. "Well," sabi ko at bahagyang napatingin kina Reese. Subalit, natigilan ako nang mapansin ang masamang tingin ni Estella. Agad lang rin siyang umiwas nang tingin sa akin. "Inaya na namin siya, pero sa ngayon ay hindi pa siya makakapagdesisyon. May dahilan kasi at siya na ang bahala doon," pahayag ni Reese. "Ay ganoon ba? Sana sumali ka dito, nasisiguro kong mag e-enjoy ka," natutuwang sabi niya sa akin. Nakahawak pa rin siya sa braso ko at talagang naiilang na ako sa kanya. Masyado pa naman akong mailap kapag ganito ang isang babae. Hays! "Feeling close ka naman sa kanya. Bumitaw ka na nga, naiilang na iyong tao saiyo," mataray na saway ni Estella at napaismid kay Riza. Tumawa na lang si Riza at bumaling sa akin. "Hindi ko alam pero, bakit pakiramdam ko nagseselos ka, huh? Kanina ka pa nagtataray ah? Bakit? Nagseselos ka nga ba?" tila nang aasar na sabi ni Riza kay Estella, na nagugulat na nakatingin ngayon sa kanya. Maging kami ni Reese ay nagulat sa sinabing iyon ni Riza. Nagseselos? Si Estella? "Hoy! Kung ano-ano naman ang sinasabi mo diyan! Bakit naman ako magseselos? Ano ba 'yan? Hays! Ewan ko sainyo," mataray pa rin nitong sabi at tinalikuran na kami. "Oh? Inaasar lang pikon agad? Haha! Mukha talagang nagseselos," natatawang sabi ni Riza. Sinundan ko nang tingin si Estella na naglalakad at kasama si Tella. Hindi ko alam pero tila natuwa ako sa sinabi ni Riza na nagseselos si Estella. Nagseselos nga ba siya? Bakit naman siya magseselos? Maging ako ay hindi magawang sagutin ang tanong na iyon sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD