Chapter 10

2078 Words
Matapos ang halikan nilang iyon ay kusa na rin silang naghiwalay habang may ngiti sa labi. Nakikita nila sa isa't isa ang tuwa sa kanilang mga mata. Hinila siya ni Axel at niyakap ang kanyang bewang. Sabay silang tumingin sa papalubog na araw, maging ang nag aagaw-dilim at liwanag sa paligid. Napangiti rin sila nang makita ang kakaibang kulay ng ulap, na naging kulay lila at nahahaluan ng kulay pula. Pinagmasdan nilang dalawang ang papalubog na araw at tuwang-tuwa si Fiona, dahil iyon ang unang beses na napagmasdan niya ng mabuti ang paglubog nito, lalo na at kasama niya si Axel. "It's really beautiful," sabi niya nang tuluyan ng lumubog ang araw. "Yeah, it is," sagot sa kanya ni Axel at muli siyang hinalikan sa noo. Napalingon siya dito na may ngiti sa labi. "Thank you, Axel," sabi niya dito. "It's okay, I just want to make you happy. I want to see your beautiful smile everyday," muling sabi ni Axel, na siyang nagpakilig lalo kay Fiona. Mayamaya ay humilay sila sa kanilang yakap at bahagyang hinubad ni Axel ang suot niyang jacket, saka ito nilatag sa damuhan. Humiga siya doon at niyaya si Fiona. Kaya nakangiting sumunod naman sa kanya si Fiona at humiga sa kanyang mga braso. "Thank you, for making my day special, Axel. Hindi ko aakalain na ganito ka pala ka sweet," nakangiting sabi ni Fiona. Natawa naman si Axel sa sinabing iyon ni Fiona at bumaling dito. Malapit lang ang mukha nila sa isa't isa at kaunti lang ay maghahalikan na sila. Tinitigan ni Axel ang mga mata ni Fiona at bahagyang hinaplos ang pisngi nito. Tumagilid siya upang matitigan itong mabuti, habang nakangiti pa rin. "Of course, I really want your day special. I am your suitor and I will do anything to make happy, to win your heart. Your a special woman in my heart, Fiona," madamdaming sabi ni Axel kay Fiona. Hindi maaalis ni Fiona ang kanyang mga ngiti sa labi. Parang may kung anong kuryente ang biglang dumaloy sa kanyang katawan, dahil sa kakaibang kilig doon sa mga sinabi ni Axel. Hindi niya maitago dito ang kanyang saya na nararamdaman. "Do you really love me?" tanong ni Fiona kay Axel. Hindi agad nakasagot si Axel at napatitig kay Fiona. Tinitigan niya ito sa mga mata, pababa sa ilong nito, maging sa labi. Habang ganoon siya nakatingin kay Fiona ay hinahaplos rin niya ang malambot na pisngi ni Fiona. "Hindi ko ito gagawin kung hindi kita mahal, Fiona. Yes, I love you so much and I will wait for your answer to accept m—" Hindi na natuloy ni Axel kung ano man ang kanyang sasabihin, nang bigla siyang halikan ni Fiona. Hindi niya alam kung bakit iyon ginawa ni Fiona. Subalit, masaya pa rin siya dahil nararamdaman din niya kung gaano siya kahalaga dito. Mayamaya ay kusa rin bumitaw si Fiona at nakangiti pa rin na nakatingin kay Axel. "For me, you are the only man in my heart, except for my father. You are special in my heart. So, yes, yes, is my answer and I want to be your girlfriend for good," nakangiting sabi sa kanya ni Fiona na siyang ikinagulat niya. "Say w-what?" hindi makapaniwalang sambit ni Axel. "Yes, I want to be your girlfriend," muling sabi ni Fiona sa kanya ha ang nakangiti pa rin. Lumawak pa lalo ang ngiti ni Axel at agad na niyakap si Fiona sa subrang tuwa. "Yes! Thank you, Fiona. I promise, I will be good at you and I will do everything for you. I love you," masayang sabi niya kay Fiona. Natatawa namang tinapik ni Fiona ang kanyang balikat, kaya humiwalay siya sa pagkakayakap dito. "Ano ka ba, hindi mo na kailangang mangako dahil may tiwala ako saiyo. Alam ko naman na mahal na mahal mo ko eh," wika ni Fiona. Hinawakan ni Axel ang mukha ni Fiona at marahang hinaplos iyon. "Masaya ako, dahil tinanggap mo na akong maging bahagi ng buhay mo. Magiging mabuting nobyo ako para saiyo," saad niya dito. Napatango si Fiona sa kanyang mga sinabi, at muling tumingin sa kalangitan kung saan nakikita nila ang magagandang butuin sa langit, na siyang nagsisilbing ilaw sa paligid. Yumakap si Fiona kay Axel habang nakahiga pa rin sila. Tahimik nilang pinagmamasdan ang butuin habang may ngiti sa labi. "Gusto kong mangako ka sa akin, kahit ito lang ay sana magawa mo," mayamaya ay sabi sa kanya ni Fiona. Napatingin naman si Axel kay Fiona, ngunit wala sa kanya ang paningin nito. "What is it, Fiona? Of course, I will do what you wanted me to do," sabi niya dito. Matagal bago nagsalita ulit si Fiona at tila iniisip pa kung sasabihin ba niya Axel kung ano ang nasa kanyang isipan. Kaya naman, muling hinawakan ni Axel ang mukha ni Fiona. "Tell me, I want to hear what's on your mind," muli niyang sabi. Bahagyang napabuntong-hininga si Fiona, bago nagsalita. "Gusto ko sanang mangako ka sa akin, na hindi mo ako ipagpapalit sa iba o di kaya huwag mo akong iwan para lang sa isang babae. Ayoko ng ganoon, Axel dahil talagang masasaktan ako. Minahal kita, kaya sana maging faithful ka sa akin," pahayag niya kay Axel. Natigilan naman si Axel sa sinabing iyon ni Fiona at hindi niya aakalain na may ganoong iniisip sa kanya ang dalaga. Ngunit, kailangan niyang intindihin ang sinabi nito, dahil na rin sa naging nakaraan niya sa ibang mga babae na nakakasama niya. Alam iyon lahat ni Fiona, kaya nasisiguro niyang iyon ang nasa isip nito ngayon. "Fiona, simula nang hingin ko sa magulang mo ang pahintulot na ligawan ka ay kasabay na rin iyon sa pagbitaw ko sa dating nakagawian ko, lalo sa mga babae. I want to change, just to prove how much I like you. Gusto kong makita mo ako bilang ako at hindi iyon dating nakilala mo sa akin. Kaya kong baguhin ang sarili ko dahil iyon ang gusto ko, upang makapasok ako sa mundo mo. I want to love you with all my heart, no regrets and I want to be faithful to you. Of course, I will be faithful for you and I will never hurt you," madamdaming sabi ni Axel kay Fiona. Napangiti naman muli si Fiona sa sinabing iyon ni Axel at napatango. Muli siyang yumakap dito, habang may ngiti sa labi. Hindi na sila nagsalita pa at hinayaan muna ang kanilang mga sarili na mag isip. Nanatili pa sila doon ng ilang minuto, bago nagpasiyang bumalik na. Niyaya ni Axel si Fiona na kumain sa labas, kaya pumayag naman si Fiona. Nagpunta sila sa isang kainan na laging pinupuntahan ni Axel, at dahil gabi na ay nakita nilang marami pa rin kumakain. Papasok na sana sila sa loob, nang mapahinto si Axel. Naramdaman niya ang isang maitim na aura, na siyang naramdaman niya kanina. Napakuno't noo siyang napatingin sa loob ng kainan, dahil doon niya naramdaman ang aura na iyon. Hinanap niya ito, hanggang sa may napansin siyang dalawang tao sa isang sulok na kumakain. Isang babae at lalaki, na tahimik na kumakain "Axel? May problema ba?" nagtatakang tanong ni Fiona, nang mapansin ang paghinto niya. Napatingin si Axel kay Fiona at agad na napangiti. Pinisil niya ang kamay nito na hawak niya. "Nothing, hindi ko kasi inaasahan na marami pa palang kumakain ngayon. Halika na, para makakain na rin tayo," sabi ni Axel dito at inakay na papasok. Sumunod na lang si Fiona sa kanya, habang siya ay pinapakiramdaman ang dalawang tao na kumakain sa isang sulok. Pinaupo niya si Fiona, saka siya umupo kaharap nito. Lumapit sa kanila ang isa sa mga nagbabantay ng kainan at sinabi nila dito kung ano ang kanilang kakainin. Matapos nilang sabihin iyon ay nag usap silang dalawa, tungkol sa mga bagay-bagay na nais nilang gawin na magkasama. Sa kabilang banda ay hindi pa rin inaalis ni Axel ang kanyang pagmamasid sa dalawang tao, kahit na kasama niya si Fiona. Mabuti na lang rin at hindi iyon napapansin ni Fiona. Mayamaya ay napansin niyang tapos ng kumain ang dalawa at tumayo na. Bahagya pang napasulyap sa gawi nila ang babae at napangisi. Kaya agad niyang iniwas ang tingin niya doon. "Hey, kanina ko pa napapansin na para bang may iniisip ka. Maaari mo bang sabihin iyon sa akin?" mayamaya ay tanong ni Fiona. Hindi nakapagsalita si Axel at bahagyang napaiwas nang tingin dito. Alam niya kapag sinabi niya dito ang kanyang iniisip ay talagang magtatanong pa ito. Subalit, kapag hindi naman niya sasabihin ay baka kung ano rin ang isipin nito. Kaya napabuntong-hininga siya at muling lumingon sa pintuan kung saan lumabas ang dalawang taong iyon. "Alam ko namang maiintindihan mo ako kapag sasabihin ko ito saiyo, kaya lang hindi ko talaga alam kung dapat ko ba itong sabihin saiyo," tanging sabi Axel. "Axel, ikaw na nga ang nagsabi na maiintindihan ko iyang nasa isip mo di ba? Kaya kung ano man iyon, baka pweding sabihin mo na lang sa akin. Gusto ko rin kasing malaman kung anong iniisip mo," pahayag ni Fiona at marahang hinaplos ang kamay ni Axel na nasa ibabaw ng mesa. Muling napabuntong-hininga si Axel, at napatitig kay Fiona. "Napansin mo ba iyong dalawang taong kalalabas lang dito sa kainan?" tanong ni Axel. Nagtataka namang nakatingin si Fiona sa kanya at bahagyang tumingin sa pinto. May napansin nga siyang lumabas doon kanina, pero hindi naman niya nakita kung ano ang mukha ng mga ito o kung kilala ba niya ang mga iyon. "Bakit? Anong mayroon sa dalawang iyon?" "Actually, noong papasok pa lang tayo at napahinto ako kanina ay naramdaman ko ang masamang aura sa kanilang dalawa. Sila ang dahilan kung bakit ako napahinto kanina at sila rin ang iniisip ko kanina, kung bakit ganoon na lang kasama ang aura nila. Siguro naman, alam mo kung anong ibig sabihin kapag nakaramdam tayo ng masamang aura? Nagpapahiwatig iyon na isang masamang nilalang ang mga o kalaban," pag amin ni Axel dito. Natigilan naman si Fiona at hindi makapaniwala sa sinabing iyon ni Axel. Naiintindihan naman ni Fiona ang sinasabi niya, subalit may mga bagay talagang hindi siya makaka-relate lalo na at hindi naman siya tulad ni Axel na may kakayahang gumamit ng kapangyarihan o makaramdam ng kapangyarihan tulad nang nararamdaman nito. "Ganoon ba? So, kilala mo ba ang mga iyon?" tanging sabi niya kay Axel. Umiling lang si Axel sa kanya. "Hindi, pero nasisiguro akong napansin ako ng isang babae kanina. Nasisiguro akong naramdaman niya rin na may kakayahan akong gumamit ng kapangyarihan," seryosong sabi ni Axel kay Fiona. Napatango lang si Fiona kay Axel, dahil talagang wala siyang alam tungkol sa mga sinasabi nito. Mayamaya rin ay dumating na ang pagkain nila, kaya nagsimula na rin silang kumaing dalawa. Hindi na rin nila pinag usapan ang dalawang taong nakita ni Axel at napunta sa ibang usapan. Matapos naman nilang kumain ay inihatid na rin ni Axel si Fiona sa bahay nito, at nakita pa sila ni Kevin na papalapit sa bahay nila. Binati lang ni Axel ang kaibigan saka nagpaalam na sa mga ito na uuwi. Hinayaan naman siya ng dalawa. Nang makauwi naman si Axel ay dumiretso na agad siya sa kanyang kwarto at inisip ang nangyari kanina. Bigla namang pumasok sa isip niya ang sinabi ng lalaki kanina tungkol sa pagpunta sa Edolas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapagdesisyon dahil na rin kay Fiona, na kasintahan na niya ngayon. Mas lalo siyang nahirapan dahil dito. Subalit, nasa isip pa rin talaga niya ang pumunta doon. Kaya lang ay kailangan myna niyang kausapin si Fiona tungkol doon. Sa kakaisip niya ay hindi niya namalayan na nakatulog na siya. Ilang oras din ang lumipas ay naalimpungatan si Axel, nang maramdaman niyang tila hindi siya nag iisa sa kanyang silid. Tuluyan nang bumalik ang kanyang ulirat dahil sa aurang naramdaman niya sa paligid. Kuno't noo siyang inilibot ang paningin sa buong kwarto, subalit napadapo ang kanyang mga mata sa nakabukas niyang bintana at natanaw na may nakatayo doon na isang babae. Bahagya itong lumingon sa kanya, at doon nakilala niya ito. Ito ang babaeng nakita niya sa kainan, kung saan sila kumain ni Fiona. Ito rin ang babae kung saan siya nakaramdam ng masamang aura. Kaya naging seryoso ang paningin niya dito. "Sabi nila magaling ka raw, kaya naman... gusto kitang subukan," malanding sabi nito at natigilan siya nang biglang hinubad nito ang lahat ng suot sa kanyang harapan. Hindi nakakilos si Axel sa pagkagulat dahil sa ginawa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD