Chapter 9

1303 Words
Lumipas ang ilang araw ay naging maayos naman ang relasyon nilang dalawa at kahit nasa trabaho si Axel, ay nagagawa niya pa rin magkaroon ng oras para makasama si Fiona. Isa si Axel sa pinagkakatiwalaan sa kanilang bayan na tumutugis ng mga kriminal. Kahit delikado ang trabaho niya ay tinanggap niya pa rin ito, kahit na nililigawan pa niya si Fiona. Isang hapon, kakatapos lang ng duty ni Axel ay nagpasiya siyang puntahan si Fiona upang yayain na mamasyal. Habang papunta siya doon ay may nasalubong siyang lalaki at nakilala niya ito. Ito ang lalaking pinuntahan niya sa isang hotel at tinatanong niya tungkol sa kanyang kapatid. "Oh, hey there!" pansin nito sa kanya. Tumango siya dito at bahagyang ngumiti. "Nandito ka pa pala?" tanong niya pa dito kaya natawa ito sa kanya. "Haha, oo naman..kasi may mission ako dito. Hmm, mukhang kilala ka nang halos ng tagarito ah? Naririnig ko kasi ang pangalan mo. Well, kumusta na? May balak ka bang pumunta sa Edolas para makita ang kapatid mo?" mayamaya ay tanong nito sa kanya. Hindi agad siya nakapagsalita, dahil nga, hindi niya alam kung aalis siya..lalo na at kailangan niya munang iwan si Fiona. "Hindi pa ako sigurado, ngunit may balak na akong pumunta doon," tanging sagot niya dito. Napatango-tango naman ito at tila may naalala. "Oonga pala, babalik na ako sa susunod na linggo. Kung gusto mo ay sumabay ka sa akin, para hindi ka mahirapan pagpunta sa Edolas," sushesyon nito. "Well, hindi pa talaga ako sigurado, dahil sa isang bagay. Ngunit, talagang pupunta ako sa Edolas. By the way, saan kita makikita kung sakaling gusto kitang makita para kausapin ka?" tanging sabi niya dito. "Hmm, puntahan mo lang ako sa hotel kung saan ako tumutuloy. Hanggang sa susunod na linggo na lang ako dito, kaya bago matapos ang linggong ito ay puntahan mo lang ako kung sasama ka o hindi sa akin," saad nito. Napatango si Axel dito. "Sige, pupuntahan na lang kita. Mauna na ako, may pupuntahan pa kasi ako," paalam niya dito. Tumango naman ito sa kanya at hinayaan siyang umalis. Nagpatuloy siya sa paglalakad, hanggang sa makarating siya sa labas ng bahay nina Fiona. Nang akmang magd-doorbell na siya sa gate nito ay may naramdaman siyang kakaiba at bahagyang napalingon sa pinanggalingan niya. Hindi niya maintindihan, ngunit naramdaman niya ang isang masamang aura. Hindi niya natuloy ang pagdoorbell at bahagyang napatitig sa lugar kung saan niya ito naramdaman. Kaya hindi niya napansin na may lumabas sa gate at nagtatakang nakatingin sa kanya ngayon. "Axel? Nandito ka pala.." sabi sa kanya ni Fiona, na siyang lumabas sa gate. Ngunit, nagtataka si Fiona dahil hindi man lang siya nito tiningnan at sa halip ay nasa iba ang atensyon nito. Kaya napatingin rin siya sa tinitingnan ni Axel at wala naman siyang nakita doon, bukod sa tahimik ang kalye at may ilan na abala sa tindahan ng mga ito. May ilan rin na naglalakad, subalit kaunti lang. "Axel?" muling tawag ni Fiona dito at doon lang bumaling si Axel sa kanya. "Fiona," tawag ni Axel na bahagyang nagtataka pang nakatingin dito. "Anong tinitingnan mo doon?'' tanong ni Fiona sa kanya. Muling napatingin si Axel sa tinitingnan niya at bahagyang napabuntong-hininga. Nararamdaman pa rin kasi niya ang masamang aura, ngunit hindi niya matukoy sa kung sino sa mga taong nasa kalye nanggagaling ang ganoong kapangyarihan. "Well, I feel something strange, but it's nothing. Pasensya na, kung hindi agad kita napansin. Ano? Alis na tayo?" tanging sabi niya dito. Napangiti lang si Fiona sa kanya at tumango. "Kakaalis lang rin nina Daddy, kaya hindi mo sila makakausap. So, let's go. Saan pala tayo pupunta?" nakangiting tanong niya dito. Ngumiti rin si Axel sa kanya at kinuha ang kanyang kamay saka sila naglakad paalis. "Well, malalaman mo rin. For now, I want you to try something," saad ni Axel. "Hmm? Ano naman iyon?" nakangiti pa rin tanong ni Fiona. "Alam mo naman, na hindi ako ordinaryong tao lang tulad mo. I'm a wizard. That's why, I want to show you what can I do. Matagal mo na rin itong sinasabi noon di ba? Kaya gagawin ko ito ngayon," sabi ni Axel at bahagyang huminto. Binitiwan niya ang kamay ni Fiona at bahagyang lumayo ng kaunti. Mayamaya ay tiningnan niya ng mariin si Fiona, saka iginalaw ni Axel ang isang kamay niya. Kaya, doon napansin ni Fiona na unti-unti siyang lumutang sa ere. Nanlaki ang mga mata ni Fiona habang nakatingin sa nangyayari sa kanya. "I-I'm floating! Oh my god!" nagugulat ngunit may halong tuwa na sabi ni Fiona. Lumutang rin si Axel sa ere at muling hinawakan ang kamay ni Fiona, saka sabay silang lumipad sa ere. Nasa itaas silang dalawa at nakikita ni Fiona ang lawak ng kanilang bayan. Natutuw siya ngayon sa kanyang nakikita. Pinagmamasdan lang rin siya ni Axel, na nakangiting nakatingin sa kanya. "Wow! This is amazing, Axel! Hindi ko pa naranasang lumutang sa ere, ngayon pa lang! Nakakatuwa, salamat talaga!" tuwang-tuwa sabi ni Fiona at napayakap kay Axel. "Mabuti naman at nagustuhan mo. Well, saan mo pa gustong pumunta?" nakangiting tanong ni Axel sa kanya. Napaisip saglit si Fiona, saka niya sinabi ang lugar na gusto niyang puntahan. Kaya agad silang tumungo doon dalawa habang nakalutang at lumilipad sa ere. Pumunta sila sa pinakataas na bundok, na makikita nila sa di-kalayuan. Marami na ring nais pumunta doon, dahil talagang makikita ang magagandang tanawin habang naroon, maging ang kalapit na bayan ay makikita rin doon. Kaya gusto ni Fiona na makapunta doon. Kaya naman, pinagbigyan siya ni Axel. Natutuwa rin si Axel dahil nakikita niyang masaya si Fiona, habang kasama siya. Nang makarating sila sa pinakamataaas na bundok at pumunta sila sa tuktok nito. May nakatayong maliit na kubo at isang puno roon na may nakalagay na swing. Tumakbo papunta sa dulo si Fiona at muling napangiti ang magandang tanawin na kanyang nakikita. Napapikit siya at nilanghap ang malamig na simoy ng hangin. Magd-dapit-hapon na kaya nakikita na rin nila ang unti-unting paglubog ng araw malapit ng pumantay sa dagat. "Wow! Subrang ganda!" namamanghang sambit ni Fiona. Lumapit naman si Axel sa kanya at tumabi. Nakangiti siyang nakatingin kay Fiona. "Yeah, it's really beautiful," sabi niya habang nakatingin kay Fiona. Kaya tumingin si Fiona sa kanya habang nakangiti. Napatitig pa si Fiona sa kanya, dahil sa kakaibang tingin niya dito. "Thank you, Axel. You made feel special," sabi niya dito. Iniangat ni Axel ang kanyang kamay at hinawakan ang pisngi ni Fiona. Hindi siya nagsalita at hinayaan lang rin siya ni Fiona na gawin ang kanyang gusto. "Of course, I want you to feel that because you are special too me. That I really love you," sabi ni Axel habang hinahaplos ang pisngi ni Fiona. Mayamaya ay hinawakan ni Fiona ang kamay ni Axel, saka ito marahang hinahaplos rin. "I love you too, Axel. You know that very well. You are special too me since we meet and I'm happy, that we came in this part. Ngayon ko napatunayan, na talagang hindi ka ganoong tao at may puso ka pa rin pagdating sa babae. You are a good man after all, Axel. That's the reason, why I like you more," nakangiting sabi ni Fiona. Tila may kung anong humaplos sa puso ni Axel, dahil sa sinabi ni Fiona at alam niya sa kanyang sarili na natuwa siya sa sinabi nito. Kaya naman, walang salitang dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya dito. Hindi pumalag si Fiona, nang magtama ang labi nila. Saglit lang na nagtama iyon at dahan-dahan na ring gumagalaw ang labi ni Axel, na tinugunan naman niya. Marahan at tila nag iingat si Axel habang hinahalikan niya si Fiona. Para bang pinaparamdam niya dito, kung gaano ito ka-special sa kanya. Kung gaano kalaki ang respeto niya sa dalaga. Nais niyang iparamdam dito, kung gaano siya nito kamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD