Sa kaharian ng Edolas; sa Palasyo nito. Nakatayo ang isang magandang Prinsesa, habang nakatingin sa malayo. Bahagya siyang napahawak sa suot niyang kwentas at laging pumapasok sa kanyang isipan ang mga panaginip niya nitong nakaraan. Hindi niya maipaliwanag ang mga panaginip na iyon, dahil sa panaginip niya ay nakikita niya ang dalawang taong nagsusumpaan at nagmamahalan. Hindi niya maipagkakaila na kilala niya ang isa doon, dahil mula siya sa angkan nito. Walang iba, kundi ang dating Prinsesa rin ng Edolas na si Freya. Lagi niya itong napapanaginipan at lagi nitong sinasabi na hanapin ang kadugtong ng kwentas na hawak niya ngayon.
Mula sa kanyang likod, naramdaman niya ang paglapit ng isang tao.
"Nakita ko na ang taong may hawak ng kadugtong ng kwentas na iyan, mahal na Princesa," sabi nito sa kanya.
Bahagya siyang natigilan at agad napalingon dito.
"Talaga? Nakita mo na ang taong may hawak ng kwentas na ito?" tila hindi makapaniwalang tugon dito. Napatango naman ito sa kanya.
"Nasaan siya?" seryoso niyang tanong.
"Nasa Titania siya at sa susunod na mga araw ay nakatakda siyang pumunta dito sa Edolas para hanapin ang kanyang kapatid na si Alice. Kilala niyo si Alice at alam mo rin kung nasaan ito. Heto ang ilang impormasyon tungkol sa kanya," sagot nito at mula sa ere ay lumitaw ang imahe ng isang lalaki at kung anong klaseng tao ito. May lumitaw rin na isang babae at base sa nakikita niya ay nasisiguro niyang magkasintahan ang dalawa. Hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman dahil sa mga impormasyon na kanyang nalaman mula rito.
"Anong balak mo sa kanya, Mahal na Prinsesa," mayamaya ay tanong nito, matapos ipakita ang impormasyon sa taong matagal na niyang pinapahanap.
Matagal siyang sumagot dito at mayamaya ay napabuntong-hininga siya.
"Sa ngayon ay hihintayin kong makarating siya dito. Nasisiguro ako na magkikita kami sa iisang lugar. Kailangan ko muna siyang kilalaning mabuti, bago ko makuha ang kwentas na nasa kanya," walang imosyong sabi niya.
Napatango naman ito at bahagyang yumuko. Mayamaya ay nagpaalam na rin itong umalis. Naiwan siyang nakatayo at muling napaisip. Bumalik sa kanyang alaala ang mukha ng binata at nakaramdam siya ng kakaiba dito. Napapikit na lamang siya at napagdesisyonan na umalis. Pupunta siya sa lugar kung saan niya ito aabangang dumating.
Ang unang pagtatalik na naganap sa pagitan ni Axel at Fiona ay muling nasundan. Sa pangalawang pagkakataon ay tila naging masarap na iyon sa pakiramdam ni Fiona. Kahit na nasasaktan pa rin siya ay hindi na iyon subrang sakit kaysa noong una.
"Ride me," utos ni Axel kay Fiona, matapos niyang angkinin ito. Nasa bahay sila at nagpapakasarap sa kanyang kama. Tila ayaw niyang pagsawaan ang matamis na namamagitan sa kanilang dalawa. Kahit hindi alam ni Fiona kung ano ang gagawin ay sinunod niya ang sinabi ni Axel. Pumatong siya dito at muling ipinasok ang mataba at mahaba nitong sandata. Napapikit pa siya nang maipasok na niya ito ng buo. Hinawakan ni Axel ang kanyang balakang at giniya siya nito na itaas-baba ang kanyang sarili dito.
"Ooohhh!" ungol ni Axel habang nakapikit. Nakita ni Fiona na nasasarapan si Axel, kaya pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa at siya na mismo ang nagtaas-baba sa sandata nito. Kung dati ay nasasaktan siya, ngayon ay tila nakikiliti na siya at nasasarapan sa paraan ng kanyang pangangabayo dito. Sumasabay ang kanyang huni sa ungol na lumalabas mula kay Axel. Mayamaya ay muling hinawakan ni Axel ang kanyang balakang at bigla siya nitong inatake mula sa ilalim.
"Ooohhh!" ungol ni Fiona at napayakap kay Axel.
Mabibilis na tira ang binigay ni Axel at tila wala na siyang kontrol kung masasaktan ba ang dalaga o hindi. Ngayon ay nanaig na ang pagnanasa niyang angkinin ito ng paulit-ulit. Naging dahilan iyon upang mabaliw ng husto si Fiona.
"Oooh! Love! Aahh!"
"I love you, Love! Love! Ooohh!"
Parehong ungol nilang dalawa. Pareho nilang binaliw ang sarili sa pag iisa ng kanilang katawan. Inilalabas nila ang init ng kanilang pagmamahal sa isa't isa at tila wala nang kahit sino pa ang makakapigil sa nangyayari ngayon sa kanilang dalawa. Tila sinusulit nila ang mga araw, dahil aalis na si Axel sa susunod na araw. Kaya binibigay ni Axel ang lahat upang paligayahin si Fiona, bago siya umalis.
Niyakap ni Axel si Fiona at gumulong silang dalawa sa kama, kaya napunta sa ilalim si Fiona. Sa posisyon nila ngayon ay mas tinudo na ang pag araro ni Axel sa naglalawang lagusan ni Fiona. Hindi naman mapigilan ang masasarap na ungol mula sa labi ni Fiona. Tila walang pakialam kung may makarinig ba sa kanilang dalawa. Hinalikan ni Axel ang labi ng dalaga at naging madiin na ang paghampas ng kanyang balakang. Mayamaya ay mas binilisan na niya dahil ano mang segudo ay lalabasan na siya. Samantalang kanina pa paulit-ulit na nilalabasan si Fiona, dahil sa masarap na pag angkin sa kanya ni Axel.
Isang madiin na paglusong niya ay nilabasan na siya sa loob ng dalaga. Napayakap siya dito at hinalikan ang labi ng dalaga, na napaungol din sa mainit na katas na naramdaman niya mula kay Axel.
"Malapit ka ng umalis, baka bigla kang magsawa sa akin dahil naangkin muna ako," mayamaya ay biglang sabi ni Fiona, habang nakaunan ito sa braso ni Axel.
Napakuno't noo namang napasulyap si Axel kay Fiona, dahil sa sinabi nito.
"Ikaw talaga, kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip mo. May tiwala ka naman siguro sa akin di ba?" wika ni Axel at bahagyang natawa kay Fiona. Hinaplos ni Axel ang buhok ng dalaga at muling nagsalita.
"Kahit kailan, hindi kita pagsasawaan dahil ikaw lang ang babae mananatili sa puso ko. Ikaw lang at wala ng iba. Kaya isa lang ang gusto kong gawin mo para sa akin, iyon ay ang pagkatiwalaan mo ako," saad ni Axel.
Napatingin naman sa kanya si Fiona at ngumiti, dahil sa kanyang sinabi.
"Okay, I will trust you, Axel. Pasensya ka na sa mga sinabi ko," sabi nito. Ngunit sa isip ni Fiona ay naroon pa rin ang kaba na baka iwan siya nito sa ere. Subalit, naroon pa rin ang paniniwala niya, na ba mamahalin siya nito at siya lang.
"It's okay, I understand," sagot naman ni Axel at niyakap ito.
Nanatili silang magkayakap dalawa at tahimik lang, hanggang sa hindi nila namalayan na pareho silang nakatulog.
Sa mga sumunod na araw ay magkasama pa rin silang dalawa at paminsan-minsan ay binibigyan nila ng oras ang isa't isa, upang maibsan ang init na kanilang nararamdaman. Sa mga araw din na iyon ay may nararamdamang kakaiba si Fiona, lalo na sa tuwing gabi at nanaginip siya. Sa kanyang panaginip ay may nakikita siyang imahe ng isang babae at naririnig niya kung ano ang sinasabi nito.
Freya!
Hindi alam ni Fiona kung ano ang ibig sabibin no'n o kung ano ang koneksyon nito sa kanya at sa kung sino ang tinutukoy nito. Subalit, hindi na lamang niya iyon pinansin at hindi rin niya sinabi kay Axel. May kakaiba rin siyang nararamdaman sa kwentas na ibinigay sa kanya ni Axel, pakiramdam niya ay subrang bigat ang aura na nagmumula sa kwentas. Maging iyon ay hindi niya sinabi kay Axel.
Hanggang sa dumating na nga ang araw na aalis na si Axel.
Kasama ni Fiona ang kanyang kapatid, habang nagpapaalam kay Axel na aalis papunta sa Edolas.
"Mag ingat ka doon ah?" malungkot na sabi ni Fiona dito. Natawa naman si Axel sa nakikitang lungkot sa mga mata ni Fiona.
"Of course, I will. Ikaw rin, mag ingat ka dito. Huwag kang mag alala, babalik din ako dito," saad ni Axel dito, saka bumaking kay Kevin na tila naiiyak pang napapasulyap kay Axel. Kaya bigla siya nitong binatukan.
"Anong klaseng reaksyon iyan? Para kang tanga," natatawang sabi ni Axel kay Kevin.
"Tsk! Alam mo namang partner kita, kaya syempre nalulungkot ako dahil iiwan mo rin ako. Sino na lang ang makakasama ko, kapag gumagala ako? Ikaw lang naman ang kai— aray! Ano ba!" sita ni Kevin kay Fiona, nang hampasin siya nito sa balikan.
"Kuya, ako 'yong girlfriend niya hindi ikaw. Kaya huwag kang ganyan, para ka namang temang niyan eh," tila nandidiri pang sabi ni Fiona dito. Napasinghal lang si Kevin at iniwas nang tingin sa dalawa. Napapailing na lang si Axel dito.
"Ikaw na ang bahala sa kapatid mo huh? Huwag mong hayaang may manligaw na iba diyan, kundi ikaw ang sisisihin ko," paalala pa ni Axel.
"Wow ah? Talagang sisishin mo pa ako? Basta ba hindi mo babaliin ang pangako mo, gagawin ko ang sinasabi mo. Kaya huwag na huwag mong babaliin ang pinangako mo sa kapatid ko. Kundi, humanda ka talaga sa akin," pahayag ni Kevin.
Tinawanan lang niya ito, dahil sa kaartehan nito. Mayamaya ay sabay silang napatingin sa paparating na train at huminto sa tabi nila kung saan sila ngayon nakatayo. Ito ang train, patungo sa Edolas at aabutan ng halos dalawang araw ang biyahe patungo doon.
Muling tumingin si Axel kay Fiona at hinawakan ang kamay nito.
"Ingatan mo lagi ang sarili mo, hanggang sa makabalik ako," muling paalala ni Axel dito at niyakap.
"Ikaw rin, hihintayin ko ang pagbabalik mo," tugon ni Fiona at napapikit.
Nang humiwalay si Axel kay Fiona ay nakikita niya ang namumuong luha sa gilid ng mga mata nito, kaya naman bigla niya itong hinalikan.
"Ayokong makita kang umiiyak, kapag aalis ako. Gusto kong makita ang ngiti mo, kaya sana pagbigyan mo ako," sabi niya dito at tinitigan sa mga mata.
Kaya ginawa naman ni Fiona ang nais ni Axel at ngumiti dito. Kaya napangiti naman si Axel at bumaling kay Kevin saka tumango. Kaya naman, dahan-dahang binitawan ni Axel ang kamay ni Fiona. Nais man niyang hawakan ito ng matagal ay hindi niya magawa dahil kailangan niya munang umalis. Nang mabitawan na niya ito ay ngumiti siya dito, saka pumasok sa Train. Kumaway na lamang si Fiona sa kanya, habang may ngiti sa labi. Subalit, nakikita pa rin niya sa mga mata nito ang lungkot. Nang sumara ng ang pinto ay nakatingin pa rin siya kina Fiona at mayamaya ay napakunot noo siya sa isang bagay na nakita niya sa tabi nito. Pakiramdam niya ay may katabing babae si Fiona, subalit tila nadadaanan lang iyon ng mga taong sumasakay rin sa Train. Hindi maalis ni Axel ang kanyang tingin sa kinaroroonan nina Fiona, lalo na at napansin niyang nakatingin rin sa kanya ang imahe ng isang babae. Pamilyar sa kanya ito, subalit hindi niya matukoy kung saan niya ito nakilala. Mayamaya ay napansin niyang unti-unti na rin itong naglalaho at napansin niya pa ang isang bagay na mabilis na pumasok sa kwentas na suot ni Fiona.
Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita at kung sino ang babaeng nakita niya.
Ngunit pakiramdam niya sa kanyang sarili ay kilala niya ang imahe ng babaeng iyon. Lalo na at tila nakaramdam siya ng kaginhawaan matapos itong makita.