Chapter 19

1257 Words
Nang makaalis sina Axel ay saka lamang umalis sa train station sina Fiona. Tahimik sila ng kanyang kapatid, habang naglalakad pauwi. Mayamaya ay napahinto siya ng makaramdam siya ng kakaiba. Napahawak pa siya kay Kevin matapos siyang mahilo. "What's wrong, Fiona?" kuno't noo at nag aalalang tanong ni Kevin sa kapatid. "Hindi ko alam kuya, pero pakiramdam ko ay bigla akong nanghina," sagot niya at napahawak sa kanyang ulo. "Nahihilo ka ba? Sandali, bubuhatin na lang kita," seryosong sabi ni Kevin saka ito binuhat at mabilis na itinakbo patungo sa bahay nila. Malapit lang naman ito kaya mabilis silang nakarating doon. Nang makapasok sila sa kanilang bahay ay nagulat pa ang kanilang ina, dahil sa nakita nito. Nagtanong agad ito, subalit hindi sumagot si Kevin at mabilis itong dinala sa sariling kwarto nito. Inihiga ni Kevin si Fiona, na tuluyan na rin nawalan ng malay. "Kevin, anong nangyari sa kapatid mo?" nag aalalang tanong ng kanilang ina. Seryoso lang ang tingin ni Kevin sa kanyang kapatid at hindi magawang sagutin ang tanong nito, lalo na at hindi rin niya alam kung ano talaga ang nararamdaman ni Fiona. Nilapitan ito ng kanyang ina at hinawakan sa mukha, at pusluhan nito. Mayamaya ay bumaling ito sa kasambahay nila. "Tawagan niyo si Dr. Fontalez," utos nito. Agad namang tumalima ang kanilang katulong at lumabas ng kwarto. Bumaling naman ang ginang sa anak na bintana, na seryoso pa rin. Mayamaya ay may pumasok at iyon ay ang ama ng mga ito. "Anong nangyari kay Fiona?" nagtatakang tanong nito sa kanila habang naroon pa rin ang pag aalala. Napabuntong-hininga naman si Kevin at sumagot dito. "She fainted, while we're going home from train station. I don't know, what really happened or what she fell either," sagot niya sa ama nila. Napakuno't noo naman ito at nilapitan ang dalaga. Hindi nila alam kung ano nga ba ang nangyari dito. Samantalang si Kevin ay nanatili parin ang tingin sa kapatid. Hindi niya alam pero may nararamdaman siyang kakaiba sa kanyang kapatid. Tulad ng kanyang kapatid, hindi sila tinadhanang magkaroon ng abilidad na makagamit ng kapangyarihan o anumang klaseng abilidad tulad ng kay Axel. Subalit, may natutunan naman siya habang kasama niya si Axel noon dahil paminsan-minsan ay sinasanay siya noon ni Axel na palabasin ang aura niya. Subalit, hindi niya iyon mapalabas kahit anong gawing pagsasanay niya. Ngunit, nararamdaman niya ang aura ng ibang tao lalo na kung masama o mabuti ito. Hindi nga lang ito kasing-lakas ng pakiramdam tulad ng may mga taglay na majika. Sa nararamdaman at nakikita niya ngayon kay Fiona ay nararamdaman niyang may bumabalot na kakaibang kapangyarihan dito. Hindi niya masabi kung masama o mabuti nga ba ito, dahil hindi rin naman ganoon kalakas ang pakiramdam niya pagdating dito. Nanatili silang tahimik, habang hinihintay ang Doctor na pinatawag ng ginang. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na rin ito at agad na sinuri ang walang-malay na dalaga. Pinagmamasdan ni Kevin ang reaksyon ng Doctor, habang sinusuri ang kapatid. Kuno't noo ito at tila hindi rin maintindihan ang pagsuri nito kay Fiona. "Anong lagay niya ng anak ko, Doc?" mayamaya ay tanong ng ginang. Inalis ng Doctor ang aparatu na ginamit kay Fiona upang e-check ito at napabuntong-hininga. "All I can say is... she's really fine. Her heartbeat is okay, nothing has damaged with her. She's totally fine," sabi nito sa kanila. "Kung ganoon, bakit siya nawalan ng malay?" nagtatakang tanong ng ama nito. Hindi agad ito nakasagot, bagkus ay naging seryoso ang tingin nito sa kanila. "I'm not a magic user nor have an ability to use magic power either. But, I can sense a small amount of magic and that's what I feel to her. All I know that, Fiona didn't have an ability to use a magic power. So, why I can sense something to her?" nagtatakang sabi nito sa kanila. Hindi nakasagot ang mga ito at nagugulat na napatingin kay Fiona. Alam nilang walang kakayahan si Fiona na magkaroon ng kapangyarihan. Kaya hindi sila makapaniwala sa nalaman nila. Kahit na hindi pa buo ang sinasabi nito. "You need me here. All you need is someone who can sense magic power. Someone that have also an ability to use magic. I'm telling you, she perfectly fine. But, the small magic power I sense to her.... was abnormal," saad nito sa kanila saka ito umalis. Subalit, bago tuluyang lumabas ang Doctor ay napalingon pa ito sa nakahigang si Fiona at naging seryoso ang mga tingin niya dito. Hindi niya maintindihan kung anong nararamdaman niya, lalo na sa nararamdaman niyang kapangyarihan na nagmumula sa dalaga at isa lang ant masasabi niya sa ngayon, iyon ay naging ibang tao ang pakiramdam niya sa dalaga. Nang makaalis na ang Doctor ay walang kahit sino ang nagsalita sa kanila at hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ng Doctor sa kanila. "Anong gagawin natin? Wala akong alam sa kung sino ang lalapitan natin, na may kakayahang alamin kung anong nangyayari kay Fiona," naiiyak na sabi ng Ginang. Naikuyom naman ng padre-de pamilya ang sariling kamao nito, habang nakatingin sa anak. Mayamaya ay nagsalita si Kevin, na kanina pa tahimik. "Hahanapin ko ang taong kakayahang alamin ang kalagayan ni Fiona," seryosong sabi niya at mabilis na nilisan ang silid ng kanyang kapatid. Samantala..habang nasa gitna ng pagkakatulog si Axel, ay may narinig siyang boses ng isang babae. Isang boses na pamilyar sa kanya, subalit hindi niya maalala kung saan niya ito narinig. Hinanap niya ang pinagmumulan ng tinig nito, kaya tumayo siya. Sinundan niya ang boses nito. "Axel.." muling tawag nito sa kanyang pangalan. Napatingin pa siya sa kanyang mga kasamahan sa train, Muli siyang tumingin sa pinanggalingan ng boses at naglakad patungo doon. "Axel.." Napahinto siya sa isang pinto at naramdaman niyang nasa loob ng silid na iyon ang pinanggalingan ng boses kaya binuksan niya. Nang makapasok siya ay napatingin siya sa silid, at muling naglakad. Ngunit, nang humarap siya sa isang malaking salamin ay natigilan siya, nang makita ang isang lalaking naroon at nakatingin sa kanya. Subalit, may napansin siya. Pakiramdam niya ay ginagaya nito ang kanyang reaksyon, maging ang kanyang pagkilos. Kaya naman, nang subukan niyang humakbang palayo ay gano'n rin ang ginawa nito. Hindi niya maintindihan ang kanyang nakikita ngayon. "Axel.." Napatingin siya sa isang babaeng biglang lumitaw sa harap ng salamin. Nakita niyang tumabi ito sa lalaking nakikita niya ngayon. Kaya bahagya siyang napatingin sa gilid niya, subalit wala siyang nakitang kahit anong mukha ng isang babae na nasa salamin. Nakilala niya ito. Nasisiguro niyang ito ang babaeng nakita niya sa tabi ni Fiona kanina. "Matagal na rin, simula nang tayo'y magkahiwalay. Kaya nasisiguro kong magkakasama rin tayo, hihintayin kita.." Narinig niyang sabi ng babaeng nasa salamin. "S-Sino ka?" wala sa sariling tanong niya dito. "Siya ay ikaw. Ikaw ay siya at akin ka.." sabi nito na siyang ipinagtaka niya. Hindi siya makapagsalita at nalilito sa kanyang nakikita. Ngunit, may nais siyang malaman, kaya dahan-dahan siyang lumapit sa salamin. Ganoon rin ang ginawa ng lalaking repleksyon niya. Nang hawakan niya ang salamin ay ganoon rin ang ginawa nito. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman, dahil nasisiguro niyang ang lalaking nasa repleksyon ng salamin ay siya. Maraming tanong ang nasa isipan niya ngayon at hindi niya alam kung masasagot nga ba niya ito. Hindi niya malaman kung sino ang lalaking nakikita niya sa salamin. Habang nakatitig siya dito ay masasabi niyang pamilyar ito sa kanya. "Axel?" Natigilan si Axel nang marinig ang pamilyar na boses at napalingon dito. Muli siyang natigilan nang makita ito at makilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD