Chapter 20

1666 Words
Napakuno't noo ang babaeng tumawag ngayon kay Axel, nang makita ang ginagawa ng binata. "Axel? God, akala ko namamalik-mata lang ako kanina. Anong ginagawa mo diyan?" nagtatakang tanong nito. Napakuno't rin si Axel, dahil sa tanong nito. "Veronica, ikaw pala at— anong ginagawa ko dito?" nagugulat na sabi niya nang mapansing nasa dulo na siya ng train at nakaharap sa isang nakabukas na pinto, na kung hahakbang pa siya ay malalaglag na siya. Nilapitan siya ni Veronica at hinila paalis, saka isinara ang pinto. "Anong ginagawa mo dito? Kung hindi kita tinawag kanina ay siguradong nahulog ka na. Nakita ko kasing wala ka sa sariling naglalakad kanina, kaya sinundan kita," pahayag ng babae. Hindi naman makapagsalita si Axel, dahil buong akala niya ay nasa isang restroom siya dahil iyon naman ang tinungo niya kanina. Muli siyang napatingin sa nakasarang pinto at iniisip kung ano nga bang nangyari sa kanya. Napatingin rin siya sa labas at nakikita niyang madilim pa ang paligid. "What happen too you?" tanong muli ni Veronica. "I don't know, I can't explain what really happened. But, thank you because you called and stop me," pagsasalamat ni Axel dito. Napangiti naman ang babae sa sinabing iyon ni Axel. Lumapit siya kay Axel at biglang inilagay sa batok ng lalaki ang kamay saka yumakap. Nabigla naman si Axel sa ginawang iyon ng dalaga. "It's okay, and I'm thankful too..that we meet here. I miss you so much," sabi nito at biglang hinalikan si Axel sa labi nito. Ngunit, agad namang lumayo si Axel at umiwas sa babae. "I'm sorry, alam mo naman siguro na hindi na tayo tulad nang dati. Sana maintindihan mo," paliwanag ni Axel. Natawa naman ang babae at muling lumapit kay Axel. Napaatras naman siya, subalit, agad rin siyang napasandal sa pintuan. Kaya nagawa siyang ikulong ni Veronica at nakangising nakatingin sa kanya. "Alam ko iyon, may asawa na rin ako at kasama ko siya sa train ngayon. We are on vacation, well, honeymoon namin. But still, I miss you. Lalo na iyong mga sandali kung paano nag iisa ang ating mga katawan. I really miss it, Axel," sabi nito at hinaplos ang pisngi ni Axel. Ngunit, umiwas lang siya dito. Ayaw niyang pagtaksilan si Fiona, kaya pinipilit niyang pakalmahin ang kanyang sistema. Aminin man niya o hindi ay namimiss rin niya ang mga sandaling kasiping niya ito sa kama. Ngunit, naninindigan pa rin siya sa binitiwan niyang pangako kay Fiona, na hindi niya ito ipagpapalit sa iba o maghanap ng iba. Mayamaya ay narinig niyang natawa si Veronica at lumayo na sa kanya. "Yeah, I get now. You are in love. She's lucky to have you. I mean, Fiona. You changed because of her, right? That's good, don't hurt her, okay? I hate her, but still, she's too innocent. Kaya alagaan mo siyang mabuti at huwag pairailin ang tawag ng laman," payo ni Veronica at tinapik si Axel sa braso. Napangiti naman si Axel at nawala na rin kung ano man ang nararamdaman niyang init dito. "Okay, I have to go. Sa asawa ko na lang ilalabas ang libog ko saiyo, haha!" sabi nito at iniwan na siya. Napapailing na lang si Axel at napangiti. Nang mawala ito sa kanyang paningin ay muli siyang napatingin sa paligid. Pinapakiramdaman niya ang aura sa paligid, subalit, wala naman siyang kakaibang nararamdaman. Ngunit kahit ganoon ay hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan ang nangyari kanina. Hindi niya alam kung sino ang dalawang taong nakita niya. Subalit, nararamdaman naman niyang pamilyar ang mga ito sa kanila. Mayamaya ay napabuntong-hininga siya at bumalik na rin sa pwesto niya. Halos nilibot ni Kevin ang buong bayan, upang hanapin ang taong may alam na alamin ang nangyayari kay Fiona. Nais na niyang sumuko sa paghahanap, subalit, may isang taong lumapit sa kanya at sinabi na may isang babae itong kilala na may kakayahang alamin kung ano mang hindi normal sa katawan o kapangyarihan ng isang tao. Kaya naman, agad niya itong pinuntahan. Nasa labas ito ng bayan at medyo nahirapan pa siyang hanapin ang kinaroroonan nito. Kaya nang mahanap niya ang babae ay kinausap niya ito tungkol sa nangyayari sa kanyang kapatid a sinabi pa niyang handa siyang magbayad ng kahit magkano, malaman lang ang nangyayari sa kanyang kapatid. Pumayag naman ito, subalit, hindi nito tinanggap kung ano mang presyo o bagay ang inaalok niya dito. Siya lang ang magsasabi kung ano ang kailangan nito. Matapos niya itong kausapin ay isinaman na niya ito pabalik sa bayan. Gabi na, nang makarating sila sa kanilang bahay ay agad na tinahak nila ang kwarto ni Fiona. Hindi pa man sila nakakapasok sa kwarto ni Fiona ay napahinto na ang babae, habang kuno't noo na nakatingin sa pinto ng kwarto ni Fiona. "May problema po ba?" nagtatakang tanong ni Kevin dito. Hindi nagsalita ang babae at pinakiramdaman lang niya ang nasa loob. Naramdaman niya ang malakas na kapangyarihan na nasa loob ng silid ni Fiona. Nararamdaman rin niya maging ang bagay na pilit nagpapaalis sa kanya. Ngunit, nanindigan ang babae at naging interesado sa kalagayan ni Fiona. "Sige na, buksan mo ang pinto," utos nito, kaya naman binuksan na ni Kevin ang pinto at pumasok silang dalawa. Dahan-dahang naglakad ang babae patungo sa kama ni Fiona. Napatingin naman sa kanila ang magulang ni Fiona. "Siya na ba ang sinasabi mo, Kevin?" naiiyak na sabi ng kanilang ina. Hindi sumagot si Kevin, bagkus ay nakatingin lang siya sa babae upang makita ang reaksyon nito. "Wala na bang nangyaring kakaiba, simula nang mawalan siya ng malay?" mayamaya ay tanong ng babae. Napatingin si Kevin sa kanilang magulang, upang alamin rin ang sagot ng mga ito. Nagkatinginan ang mag asawa at sabay na umiling bilang sagot dito. "Wala naman kaming napansin, kanina pa siya ganyan," sagot ng ina nina Kevin. Napatango naman ang babae at muling tiningnan si Fiona. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ng dalaga at pinakiramdaman ito. Subalit, saglit lang iyon dahil tila may isang malakas na pwersa ang tumulak sa kanya, upang makalayo kay Fiona. Tila ba, ayaw nito na malaman kung ano ang nangyayari sa dalaga. Napapikit ang babae at muling pinakiramdaman ang walang malay na dalaga. Nararamdaman niya ang isang malakas na kapangyarihan, na nagmumula sa isang bagay na nasa leeg ng dalaga. Kaya napadilat siya at tumingin doon. Nakita niya ang isang antigong kwentas at nakikita niya ang kakaibang enerhiya dito. Napakuno't ang kanyang noo at doon may mga katanungan siyang nabuo sa kanyang isipan, saka bumaling kay Kevin. "Nasisiguro kong hindi siya ang nagmamay ari ng kwentas na iyan. Kaya gusto kong malaman kung sino ang nagbigay niyan sa kanya.." Natigilan naman si Kevin at napatingin sa kwentas. Pamilyar sa kanya ito at nasisiguro niya kung sino ang may ari nito. "Kay Axel iyan, siguro ay iniwan niya kay Fiona ang kwentas, bago siya umalis. Bakit? Anong mayroon sa kwentas?" seryoso at nagtatakang tanong ni Kevin sa babae. Napatango-tango naman ang babae. "Ang kwentas na iyan, ay hindi dapat binibigay o iniiwan sa ibang tao o karelasyon nito. Dahil ang kwentas na iyan ay para sa dalawang taong nagsumpaan na kahit anong mangyari ay hindi sila maghihiwalay. Hindi iyan pwedi na mapunta sa iba at mali na iniwan ni Axel ang kwentas na iyan sa kapatid mo. Manganganib ang buhay niya sa taong tunay na may ugnayan sa kwentas na iyan," paliwanag ng babae. Hindi naman nila maintindihan kung ano ang sinasabi ng babae. Ang tanging naiintindihan lang nila ay iyong sinabi nito na 'manganganib ang buhay' ni Fiona dahil sa kwentas na iniwan ni Axel dito. "Sandali, paano mo nasabing manganganib ang kapatid ko. Anong klaseng kwentas ba iyan? Anong panganib ang dulot nito kay Fiona?" kuno't noo'ng tanong ni Kevin. Napabuntong-hininga ang babae at muling napatingin kay Fiona. "I can feel it, that Fiona will be a third party for the two person, whom destined to be together again. Ang panganib na dulot nito ay ang gamitin si Fiona ng taong may ugnayan sa kwentas na iyan. Ngunit, may isang bagay rin kayong dapat na malaman. There's someone who possessed her, and I can feel the magic power inside her. That someone, was giving her a magic power. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay para magamit iyon ni Fiona sa darating na panganib sa kanya," muling paliwanag ng babae. Mas lalo silang nalito sa sinasabi nito at napansin naman iyon ng babae. Naiintindihan niya kung ano ang reaksyon ng mga ito, kaya muli siyang nagsalita upang malinawan sila. "To make it short, magkakaroon ng kapangyarihan si Fiona. Subalit, hindi pa ninyo matutukoy sa ngayon kung ano iyon. Ang taong nagbigay ng kapangyarihan ay mula rin aa kwentas na iyan. May masama at mabuti ang dulot ng kwentas na iyan. Kaya naman, hindi na rin matatakasan pa ni Fiona ang nakatadhana para sa kanya, dahil sa kwentas na iyan. Ang masasabi ko lang ay huwag siyang umalis sa lugar na ito, hangga't hindi pa bumabalik si Axel upang kunin ang kwentas. Manganganib ang buhay niya, isa pa, hindi niyo rin matatanggal ang kwentas dahil tanging ang taong nagsuot lamang nito ang maaaring magtanggal," seryosong sabi nito. Hindi nakapagsalita sila Kevin at tila unti-unti na ring lumilinaw sa kanya ang mga pinagsasabi nito. Napatingin siya kay Fiona, hindi niya alam kung sino ang sisisihin niya sa nangyayaring ito kay Fiona. Hindi naman niya maaaring ibuhos niya kay Axel ang sisi niya. Dahil siguradong wala rin itong alam sa posible na mangyari. Mayamaya ay tumayo na rin ang babae at nagpaalam sa mag asaw at kay Kevin. "Bantayan niyo siya nang maigi at huwag umalis na mag isa. Mas lalong huwag siyang pupunta sa ibang lugar, bukod dito sa Titania. Dahil alam niyo na ang posibleng mangyari. Sige, mauna na ako, hindi mo na ako kailangan pang bayaran," sabi nito at naglakad na patungo sa pinto. Nang makalabas ito ay naging tahimik pa rin sila at hindi makapaniwala sa kanilang nalaman. Ang tanging nasa isip nila ngayon ay ang magiging kalagayan ni Fiona.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD