Chapter 21

1787 Words
Napahinto ang babae sa kanyang paglalakad at napatingin muli sa mansion nina Kevin. Seryoso siyang nakatingin dito at bahagyang napabuntong-hininga. Siya si Terry Mosca. Isang manggagamot at may kakayahan din na gumamit ng kapangyarihan. Nakatira siya sa labas ng bayan, kung saan nais niyang malayo sa maraming tao. "Bakit naman kasi binigay pa ng lalaking iyon ang kwentas? Tsk! Ginawa niyang komplikado ang buhay ni Fiona. Well, hindi siguro niya alam ang posibleng mangyari, pero..." Napatol kung ano man ang iniiisip niya, matapos niyang maalala ang kwentas na nakita niya. "Pamilyar iyon sa akin, saan ko ba iyon nakita?" sambit niya sa sarili saka nagpatuloy sa paglalakad, habang iniisip kung saan nga ba niya ito nakita. Mayamaya ay muli siyang huminto nang may maalala. "Teka, ang kwentas na iyon—right! Iyon nga iyon," sambit niya sa sarili at bigla na lang nawala. Napunta siya sa kabilang dako at inulit niya ang teleportation na ginamit niya. Hanggang sa makabalik siya sa kanyang bahay at mabilis na pumunta sa aklatan. Mabilis siyang naghanap ng limang libro, upang hanapin ang kahawig ng kwentas. Hanggang sa makita niya ang isang antigo at maliit na libro. "Dito ko iyon nakita, sigurado ako," sambit niya sa sarili at binuklat ang libro. Tinitingnan niya ang bawat pahina ng libro, maging ang mga larawan. Hanggang sa huminto siya sa isang pahina at napatingin sa isang kwentas, na may maliit na liwanag na nagmumula doon. Napatitig siyang mabuti dito at binasa ang ilang nakasulat doon. 'A promise pair necklace who can get some memories from the person who's wearing it. It also have a magic power that can possessed a human, who will tried to wear it. If they're not compatible, the person who's wearing it will ruin everything the memories that within it. Those memories will be fade and it will change the promise had made it. However, that person will die in the hands of the other person who's wearing it. They will destined to kill each other' Natigilan naman si Terry sa kanyang nabasa at hindi agad nakakilos. Nasisiguro niyang may kakaiba sa kwentas na nasa kay Fiona. "Kung ganoon, may isa pang kwentas na tulad nito at ang taong may hawak no'n ay magiging dahilan upang mapahamak si Fiona. Tsk, bakit ko nga ba inaalam ito, ganoon wala naman akong pakialam sa kanila, hays," sambit na lamang niya at napapailing na isinara ang libro. Ibinalik niya ito kung saan niya ito kinuha at lumabas na sa silid. Subalit, hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang mga bagay-bagay. Nagtatalo ang kanyang isipan kung mangingialam ba siya sa nangyayari sa dalaga o hindi. Axel's Pov  Matapos kong makita si Veronica sa train ay bumaba na rin siya ng huminto ang train sa Marebeles station, maging ako. Kailangan ko pa kasing lumipat ng train papunta sa Georgia bago muling sasakay papunta sa Edolas. Akala ko ay malapit lang ito pero medyo malayo pala sa inaasahan ko. Bumili ako ng ticket papuntang Georgia. Medyo mahal din ang nakuha kong ticket, dahil libre na pati meals nito habang nagb-biyahe. Kaya naman, sumakay na agad ako sa panibagong train. Naghanap ako ng pwesto at napili ko iyong sa may gilid ng bintana umupo. Tama lang sa isang tao ang pwestong iyon at may maliit na mesa sa harapan nito. Nilagay ko muna sa gilid ang dala kong bag, maging ang espada. Napabuntong-hininga ako at napatingin sa labas ng train. Habang nagmamasid ako sa labas ay marami akong nakitang mga tao, na papasok dito sa train at may ilan din na naglalakad na paalis. Iaalis ko na sana ang aking tingin sa labas, nang may nakakuha ng atensyon ng mga mata ko. Napakunot noo ako habang nakatingin sa isang babae. May kasama itong isa pang babae at lalaki na nag aasaran. Papunta sila dito sa train kung saan ako nakasakay. Ngunit wala doon sa dalawa ang tingin ko. Kundi doon sa babaeng nakakuha ng atensyon ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, bigla na lang kasing may kung anong dumaan sa dibdib ko nang makita siya. Inaamin kong maganda siya, matangkad at maputi ang balat. Medyo curly ang mahaba at kulay brown niyang buhok. Napako ako sa kinauupuan ko, nang bahagyang napasulyap siya sa akin bago tuluyang nakapasok dito sa train. Sa pagkakatama ng aming mga mata ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Teka! Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi naman ako ganito pagdating sa babae. Marami rin namang magaganda sa bayan namin. Ngunit hindi naging ganito ang reaksyon ko, kaya nakakapagtaka kung bakit. Mayamaya ay narinig ko ang ingay ng isang lalaki at babae na papalapit. "Siraulo ka talaga eh no? Lagot na naman tayo kay master nito eh!" "Ginanahan kasi ako kanina, kaya napasubra ang paglabas ko ng mga cards. Teka nga! Ikaw rin naman ah? Kaya huwag mo akong sinisisi!" "Ewan ko saiyo!" "Tama na nga iyan? Ang ingay niyong dalawa.." "Wow, nagsalita ang walang ginawa. Isa ka rin naman eh.." Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang dalawa niyang kasama na umupo sa unahan ko. Natahimik silang matapos no'ng huling nagsalita, saka biglang sabay silang tumawa tatlo. "Haha! Di bale, nag enjoy naman tayo sa misyon, haha" "Haha oonga naman!" "Dito na ako uupo sa likod mo.." "Sige!" Habang nakikinig ako sa kanila ay natigilan ako, nang makita siyang naglakad at umupo sa bakanteng upuan na nasa gilid. Bale ang pwesto namin ay ako nandito sa kaliwa, tapos daanan ang nasa gitna, tapos siya naman ang nasa kanan. Nang makaupo na siya ay napasulyap siya sa akin. Agad naman akong napaiwas nang tingin, napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya. Tumingin na lang ako sa bintana at hindi na pinansin ang presensya niya. "Estella!" "Oh?" narinig kong tugon niya. Ibig sabihin, Estella ang pangalan niya? "Nakabalik na kaya si Vain? Saan nga ulit ang misyon niya?" narinig kong tanong ng kasama niya. "Balita ko, doon siya pumunta sa bayan ng titania eh," sagot niya. Natigilan naman ako. Titania? Vain? Nagkataon lang ba na pareho kaming may kakilalang Vain, na may misyon sa Titania? Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. Nakita kong nakatingin siya sa labas ng train. Aalisin ko na sana ulit ang tingin ko sa kanya, nang may napansin ako sa likod ng palad niya. Isang tattoo! Isang tattoo na kapareho kay ate, at maging sa Vain na iyon. Sandali! Ibig sabihin ba nito, magkakilala sila ni Vain at kasamahan nila si Ate? "Bakit?" Napakurap na lang ako, nang marinig ang boses niya at doon ko nakitang nakatingin na pala siya sa akin. Nasa mga mata niya ang pagtataka kung bakit ako nakatingin sa kanya. "W-Wala," tanging sabi ko at iniwas ang tingin sa akin. "Anong problema, Estella?" Napansin ko ang kasama niyang babae, na bahagyang tumayo at tiningnan siya. "Well, kanina ko pa kasi napapansin na nakatingin siya sa akin. Kaya tinatanong ko siya kung bakit, kaso ayaw naman niyang magsalita," narinig kong sagot niya sa kanyang kasama. "Ay talaga?" "Gusto mo gamitan ko ng card?" Naalarma ako sa sinabing iyon, nang kasama niyang lalaki. Card? Isa ba siyang card reader? O gumagamit ng cards para maging sandata? "Hindi na, nararamdaman ko namang mabait siya eh. Hayaan niyo na," sabi niya. Tsk! Alam naman niyang naririnig ko silang nag uusap eh. "Hey, mukhang maganda ang sandata mo ah.." Nag angat ang tingin ko sa lalaking kasama nila, na dumungaw sa akin at napansin pa talaga niya ang dala kong espada. "Isa ka rin bang salamangkero? Kasi nararamdaman ko na malakas ka," muling sabi niya sa akin. "Oo, isa akong salamangkero," sagot ko sa kanya. "Talaga? Anong grupo ka na bibilang? Kasi kami magkakasama kami sa iisang grupo. Tingnan mo, pareho kami ng tattoo tatlo. Ikaw ba?" tanong naman ng isa pa nilang kasamang babae. Hindi agad ako nakapagsalita at bahagyang iniwas ang tingin sa kanila. Ganyan ba sila kapag may nakikilalang ibang tao? "Wala akong ka-grupo tulad nang sinasabi niyo. Kumikilos lang akong mag isa at naglalakbay ako sa kung saan ako abutin," sabi ko sa kanila. Wala akong nakuhang tugon sa kanila, kaya napatingin akong muli sa kanila. Napansin kong nagkatinginan sila. "Lumalaban kang mag isa? Ang galing naman," komento no'ng isang babae. "Anong kapangyarihan mo?" tanong naman no'ng lalaki. "Hoy, ano ba kayo? Masyado naman kayong matanong diyan sa tao. Pagpasensyahan mo na ang dalawang iyan ah?" narinig kong sabi niya at napangiti sa akin. Tila muling bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kanya. Hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko ngayon dahil sa kanya. Tsk! "Okay lang.." tanging tugon. "Okay, ganito na lang pwedi bang malaman kung saan ka ngayon pupunta?" tanong no'ng babae. Medyo makulit din ang isang ito, masyadong matanong. Nasisiguro ko namang iisa lang ang lugar na pupuntahan namin ngayon. "Papunta ako sa Edolas, para hanapin ang isang tao," seryoso kong sagot sa kanya. Tiningnan ko siyang mabuti, bago iniwas ang tingin dito. "Ay talaga? Taga-roon din kami, baka makatulong kami sa hinahanap mo," narinig kong sabi no'ng lalaki. Napabuga ako ng hangin, bakit ba ang daldal ng mga ito? Hindi naman kami ganoon ka lapit para makipag usap sila ng ganito sa akin. "Oonga naman, baka makatulong kami," sabi naman no'ng Estella. Hays! Bakit pakiramdam ko ang lambing nang dating ng boses niya sa akin. "Di bale na, may isang tao akong kikitain doon para alamin kung nasaan ang taong hinahanap ko. Salamat na lang," sabi ko sa kanila. "Ay ganoon ba? Kung gano'n pala, magpapakilala kami saiyo. Ako nga pala si Reese, siya naman si Cassandra o Cas for short, at si Estella. Magkaibigan kami at magkasama sa misyon namin. Ikaw, anong pangalan mo?" tanong niya sa akin. Kumaway lang ang dalawang babae sa akin bilang pagbati. Tumango naman ako sa kanila, bago sumagot. "I'm Axelion, Axel for short," pakilala ko sa kanila. "Well, nice to meet you, Axel," sabi no'ng nagpakilalang Reese. "Sana magkita tayo ulit, pag nasa Edolas ka na. Maaari mong puntahan ang headquarters namin. Kung gusto mo namang sumali ay pweding-pwedi, basta kakausapin mo lang ang master namin," sabi naman no'ng Cassandra. "Sige, salamat," sabi ko na lang. Tumango naman sila sa akin. Akmang babalik na sila sa kanilang pwesto, nang magtanong ako. "Anong pangalan ng grupo niyo?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman sila at ngumiti sa akin. "We are the Oracle wizard. Simbolo iyon ng mga tattoo namin, sana makapasyal ka sa headquarters namin," nakangiting sabi niya sa akin. "Okay, thank," tugon ko sa kanya at napangiti rin, saka ko na iniwas ang tingin sa kanya. Oracle wizard... Ibig sabihin, iyan ang grupo na sinalihan ni Ate sa Edolas. Ngunit, makikita ko kaya si Ate doon? Walang kasiguraduhan na makikita ko siya, subalit umaasa ako na sana ay naroon siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD