Naging tahimik ang biyahe ng train, nang umandar na ito. Maging sila ay tahimik na rin at may kanya- kanya na atang ginagawa. Hindi na rin ako kinulit at kinausap ng mga ito. Medyo naroon pa rin ang kakaibang pagtibok ng puso ko dahil sa babaeng nagngangalang Estella. Hindi ko pa rin talaga maintindihan, kung ganoon ang naging reaksyo ko sa kanya. Tila ba kilalang-kilala ko siya, kahit alam ko naman na ngayon lang kami nagkita. Pasimple akong napasulyap sa kanya at nakita kong natutulog siya. Nakasandal ang ulo niya sa may bintana at paharap sa akin ang kanyang mukha. Kaya naman, natitigan kung mabuti ang kanyang mukha. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, habang nakatingin sa kanya. Doon naman muling bumilis ang t***k ng puso ko. Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya, ay natigilan ako nang may mapansing lumabas sa kanya. Unti-unting napakunot ang noo ko, habang nakatingin dito.
Mga bulaklak?
Bakit may mga bulaklak na lumalabas sa kanya? Mayamaya ay napansin kong nagmulat ang kanyang mga mata. Kaya naman, agad akong napaiwas nang tingin sa kanya. Tika, isa ba sa kapangyarihan niya ang mga bulaklak?
"Kung iniisip mo kung kapangyarihan ko ang mga ito ay tama ang iniisip mo. Lumalabas sila kapag may isang taong nakatingin sa akin, lalo na at hindi nila kilala. Mga buhay ang mga iyan at sinusunod nila ang gusto ko. At dahil mabait ako, hahayaan ko ang ginawa mo. Ngunit ipapaalala ko saiyo, na kapag tingnan mo ulit ako nang ganoon; hindi na ako magiging mabait saiyo," narinig kong sabi niya, na tila kaming dalawa lang ang nakakarinig.
Napatingin ako sa kanya, matapos niya iyong sabihin. Nakita ko ang seryoso niyang mga mata, na nakatingin sa akin.
Napabuntong-hininga ako at tumango sa kanya.
"Pasensya ka na," sabi ko at inalis na ang tingin sa kanya. Hays, tama naman siya at naiintindihan ko ang sinasabi niya.
Kaya naman hindi na ako tumingin pa sa kanya.
Ilang minuto ang lumipas ay dumating ang ilang crew ng train at may dalang mga pagkain. Inilagay iyon sa mesa na nasa harapan.
"Here's your meal, sir," sabi nito sa akin.
Tumango lang ako sa kanya, bago ito umalis. Pagkaalis nito ay nagsimula na rin akong kumain habang hindi na tumingin pa sa kanya. Hindi naman kasi kami ganoon kalapit, para pansinin ko siya lagi at lalong hindi ko pa sila kilala para kausapin. Tahimik akong kumakain at napapatingin na lang sa labas ng bintana. Kapag nakarating na ako sa Edolas ay malamang na makikita ko ulit sila, lalo na sa sinasabi nilang headquarters.
Nang matapos akong kumain ay muli rin itong kinuha ng mga crew.
Lumipas ang mga oras ay nanatili akong gising at malalim rin ang iniisip. Malapit na ring magdilim at malapit na rin kami sa lungsod ng Georgia. Kaya iniisip ko kung saan ako tutuloy pansamantala ngayong gabi. Siguro, may hotel doon, kaya sa hotel na lang muna ako matutulog ngayon. Hindi ko pa naman kabisado ang lugar ng Georgia, kaya kailangan ko ring mag ingat.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa station ng Georgia. Kinuha ko na ang gamit ko at tumayo na mula sa kinauupuan ko. Nakita ko silang nasa unahan na at lalabas na ng train. Naglakad na rin ako upang lumabas na rin ng train. Nang makalabas ako ay tumingin ako sa paligid. Maraming mga pasahero na bumababa mula sa train. Tiningnan ko kung saan ang labasan at nang makita ko ito ay naglakad na ako patungo doon. Ngunit bago ako tuluyang lumabas ay tumingin muna ako sa board na nasa gilid. Tiningnan ko kung anong oras ang train bukas papunta sa Edolas. Nakita kong 9:am ang unang biyahe, kaya naman naisipan kong maging maaga bukas para makarating na agad ako doon. Matapos kong matingnan ang board ay naglakad na rin ako palabas ng station. Pagabi na kaya naging mabilis ang lakad ko, upang maghanap nang malapit na hotel para hindi ako matagalan bukas pagbalik sa station ng train.
"Hey! Axel!"
Napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa tumawag sa akin. Nakita ko silang tatlo, at iyong sina Cassandra at Reese ay kumakaway sa akin, habang si Estella ay nakaupo sa may upuan. Nakatingin rin siya sa gawi ko.
Naglakad ako palapit sa kanila.
"Bakit?" tanong ko sa kanila nang makalapit ako.
"May napansin kasi saiyo kanina. Matanong ko lang... bago ka lang ba dito?" tanong ni Reese sa akin.
Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa tanong niya. Napansin pa talaga nila iyon? Napabuntong-hininga ako at napatango sa kanya.
"Yes, actually, magpapalipas lang talaga ako dito ng gabi, bago tumungo Edolas. Para na rin makapagpahinga," sagot ko sa kanila.
Nagkatinginan naman silang tatlo at bahagyang napatango.
"Naku, mabuti na lang at nakilala ka namin. Isa pa naman sa tinatarget ang mga baguhan dito sa Georgia. Maraming mga tuso at magnanakaw sa lugar na ito. Kaya dapat mag ingat ka sa mga taong tatanungin mo dito," saad sa akin no'ng Cassandra.
Talaga? Hindi lang pala doon sa amin ang mayroon. Talagang nagkalat ang mga magnanakaw ngayon. May narinig naman ako noon, na marami ngang kumakalat na mga magnanakaw sa lugar ng Georgia.
"Mas mabuti sigurong sumama ka na muna sa amin. Naisipan na rin kasi naming magpalipas ng gabi dito at pupunta kami sa malapit na hotel dito. Gusto mo bang sumama?" saad niya sa akin.
Akmang tatango na sana ako, nang may napansin akong kakaiba mula sa kanila. Alam ko namang madaldal ang dalawang iyan pero may kakaiba talaga. Napatingin ako kay Estella, na tahimik lang at nakatingin pa rin sa akin.
"Ano? Gusto mong sumama muna?" muling sabi ni Reese.
Napaatras ako, nang akmang hahawakan niya ako. Muli akong napatingin kay Estella at doon ko napagtanto na wala akong nararamdaman sa kanya. Hindi katulad kanina, na kapag titingnan ako sa kanya ay biglang bibilis ang t***k ng puso ko.
"Di bale na, kaya ko namang maghanap nang mag isa," sabi ko sa kanila at tumalikod sa kanila.
Subalit, naramdaman kong tila may papalapit sa akin, kaya naman agad akong napaiwas at tumalon palayo. Bumaling ako sa kanila at nakita kong nakangisi silang nakatingin sa akin. Nakita kong aatakihin ako ni Cassandra, subalit bago pa siya makaatake ay may mga barahang biglang lumipad patungo sa kanila, na agad naman nilang naiwasan.
"Mukhang mabilis ka rin makaramdam ah?"
Napalingon ako sa nagsalita, at natigilan ako nang makita si Reese. Teka! Anong nangyayari? Bakit pareho ko silang nakikita at bakit pareho sila ng mga mukha? Sino ang totoo sa kanila?
Napatingin ako sa grupo ng huling dating at napakunot noo ako. Lalo na nang matingnan ko ang mukha no'ng kasama nilang Estella at doon nakaramdam ako ng kakaiba sa kanya. Kaya naman, alam ko na kung sino ang totoo sa kanila.
Seryoso akong tumingin sa tatlong taong nilapitan ko kanina.
"Isa iyan sa mga ginagawa ng mga magnanakaw, ang gumaya ng mga mukha at mukhang ikaw ang biktimannila dahil bago ka lang dito," narinig kong sabi ni Reese.
"Mukhang interesado sila saiyo, lalo na sa bagay na dala-dala mo," narinig kong sabi ni Cassandra.
Mukha nga, dahil nakakaagaw pansin naman talaga ang dala kong ito. Kaya naman kinuha ko ang espada na nasa likod at winagayway ko ito.
"Ito bang gusto niyo? Oh heto!" sabi ko at hinagis ito papunta sa mga ito.
Nakita ko kong paano sila natigilan sa ginawa ko. Sige nga, kung kaya nila itong makuha. Parang tula lang doon sa mga tigers na iyon, wala namang nagawa. Kapag nagawa nila iyang buhatin ay baka ganahan na akong makipaglaban.
Hindi sila nakakilos sa ginawa kong iyon at seryoso naman akong nakatingin sa kanila. Sige lang, subukan lang talaga nila. Mabuti na rin iyon para magkaroon ako nang dahilan upang lumaban.
"Siraulo ka ba?"
Natigilan ako nang magsalita si Estella, na nasa likod ko. Napakunot noo naman akong napatingin sa kanya at ang sama nang tingin niya sa akin.
"Huh? Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Ano bang problema niya at naging ganyan ang aura niya? Naglakad siya palapit sa akin at walang alinlangan akong binatukan. Kaya napaatras ako sa ginawa niya.
"Oy, Oy! Estella, anong nangyayari saiyo?" awat sa kanya ni Cassandra, na agad nakalapit sa amin.
"Siraulo ka, bakit mo ibibigay nang ganoon ang gamit mo, huh? Nakikita ko kung gaano kahalaga saiyo iyon, tapos ibibigay mo lang purket iyon ang gusto nila? Nag iisip ka ba?" naiinis na sabi niya sa akin.
Hindi naman ako makapaniwalang nakatingin sa kanya, dahil sa sinabi niya. Hawak na siya ni Cassandra, na alanganing ngumiti sa akin.
"Hahaha!"
Napalingon ako sa biglang tumawa at nakita ko iyong lalaking gumaya kay Reese na unti-unting nagbabago ang anyo. Tila bumalik na ito sa dating anyo niya.
"Tama siya, bakit mo ibibigay ang gamit mo; ganoong mahalaga ito saiyo? Syempre nag aalala lang siya saiyo, pero salamat pa rin sa sinabi mo, haha!" sabi nito at naglakad patungo doon sa espada ko na nasa gitna namin.
Napangisi naman ako at muling tumingin kay Estella, na masama pa rin ang tingin sa akin.
"Ano? Bakit ngumingisi ka diyan? May nakakatawa ba sa sinabi ko?"
Nawala ang ngisi sa labi ko at tiningnan ko siya nang seryoso.
"Wala, pero sa tingin ko ay nainsulto ako sa sinabi mo. Kanina lang naman tayo nagkakilala, kaya naman naiintindihan ko kung bakit wala kang tiwala sa akin," seryoso kong sabi.
"Salamat dito, haha!" narinig kong sabi no'ng lalaking iyon. Nakita ko ngang hawak na niya ito, ngunit na kay Estella pa rin ang tingin ko. Habang seryoso ko siyang tiningnan ay nakita kong natigilan siya sa sunod kong ginawa. Gamit ang kapangyarihan ko, ay nagawa ko siyang ilapit sa akin. Halos kaunti na lang ang lapit ng mga mukha namin at kulang na lang ay maghalikan kaming dalawa.
"Watch carefully," sabi ko sa kanya at hinawakan ang kanya mukha saka ibinaling iyon sa kung nasaan ang lalaking may hawak ng espada ko.
"Espada pwersa level 4.." sambit ko at nakita ko kung paano nito muntik na mabitawan ang espada ko, habang papalapit ito sa kasamahan nito.
"Axel.." sambit ni Estella sa pangalan ko.
"Espada pwersa level 2," muling sambit ko, kaya nakita ko kung paano dumikit sa lupa ang espada kasama ang kamay nang may hawak nito.
"Ahhhh! Ang bigat nito! Bakit biglang bumigat!" narinig kong sigaw nito.
Doon ko lang inilayo sa akin si Estella. Limapit naman sina Reese at Cassandra sa amin, habang nagtatakang nakatingin ngayon doon sa lalaki.
"Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Reese.
"Kaya kong pabigatin ang pwersa ng espada, kung gugustuhin ko. Isa iyon sa kakayahan ng espada ko at tanging ako lang ang nakakahawak nitong mabuti. Maaari ko rin itong gamitin sa kalaban ko," paliwanag ko sa kanila.
"Oh? Ganoon pala iyon?" komento ni Cassandra.
"Espada pwersa level 0," muling sabi ko at sa isang iglap ay gumuho ang pwesto kung nasaan ang tatlong may hawak ngayon ng espada ko.
Napansin ko kung paano sila nabigla sa nangyari at maging mga nakiusyoso ay nabigla rin.
"Hala! Saan napunta iyon?" nagugulat na sabi ni Cassandra.
"Malamang kasama sila doon sa pagguho," sabi ni Reese at naglakad patungo doon sa gumuhong bahagi.
Sumunod naman ako sa kanya at sabay kaming dumungaw doon. Kaya nakita namin ang tatlo na hindi halos makagalaw dahil sa nangyari. Pinalabas ko ang aking kapangyarihan, at pinaangat ko ang espada palayo sa mga ito. Maging tatlong iyon ay pinaangat ko rin at inalis doon. Nakita kong nasugatan sila at hindi halos makakilos sa nangyari.
"Grabe, anong kapangyarihan mayroon ka? Bukod doon sa sinasabi mo, tungkol sa espada?" namamanghang komento ni Cassandra.
Bahagya akong napasulyap kay Estella, na umiwas lang nang tingin sa akin. Bago ako sumagot ay kinuha ko muna ang espada.
"Nasa level 0 pa rin ang espadang ito at kung hahawakan niyo ito ay ganoon ang mangyayari sainyo," sabi ko at ang tinutukoy ko ay iyong nangyari sa tatlong may hawak nito kanina.
"Ay naku, ayokong humawak niyan," agad na sabi ni Cassandra at lumayo pa sa akin. Kaya natawa ako.
"Pwedi mo bang ipaliwanag kung anong mayroon diyan sa espada mo?" tanong ni Reese.
"May level ang espada na ito, habang bumaba ang level nito at napunta sa zero ay mas lalo itong bumibigat. Bumabalik lang ito sa normal, kung gugustuhin ko," paliwanag ko sa kanya.
"Ah ganoon ba? Kahit sinong may malakas na kapangyarihan ay hindi kayang buhatin ito, kapag nasa level zero na?" saad niya.
"Well, as for me, yes. Wala pa kasing kahit sino ang nakakabuhat nito, kapag umabot ito ng level zero," wika ko.
Napatango naman siya at mukhang naiintindihan ang sinabi ko. Hinaplos pa niya ang espada ko, kaya naman iniabot ko ito sa kanya.
"Gusto mong subukan ang level 5?" hamon ko sa kanya.
Napatingin naman siya sa akin, saka muling napatingin sa espada. Mayamaya ay napatango siya.
"Sige, susubukan ko," saad niya at kinuha ang espada.
Bumalik na ito sa normal, kanina pa. Kaya naman nahawakan niya itong mabuti at winasiwas.
"Hindi pa panahon para magsaya kayo.."
Natigilan ako, maging sina Reese nang may biglang nagsalita. Sa isang iglap lang ay may lumitaw na limang tao, sa tabi ng tatlong lalaki kanina. Seryoso silang nakatingin sa amin.
"Ang Grover," sambit ni Reese.
"Oh? Ang membro pala ito ng Oracle, hindi ko aakalain na sa lugar na ito tayo magkikita. Matagal-tagal na rin di ba, Reese?" sabi no'ng lalaking nasa gitna.
Mahaba ang buhok nito na itinali niya, habang may mga malalaking hikaw sa tenga nito. May hawak rin siyang mahabang espada, pero hindi ito katulad sa akin na malaki at mahaba.
"Tulad nang inaasahan ko ay makikita namin kayo dito," seryosong sabi ni Reese dito. Napansin ko rin na seryoso din sina Cassandra at Estella, habang nakatingin sa mga ito.
"Oh, kasama niyo pala ang Princesa ng Edolas. Ikinagagalak kitang makita Princess Estella," nakangisi nitong sabi at bahagya pang napayuko dito.
Natigilan ako. Princesa ng Edolas? Si Estella? Nagugulat naman akong nakatingin kay Estella at tila napansin naman niya ang tingin ko, kaya napatingin rin siya sa akin. Subalit, saglit lang iyon at iniwas lang rin ang tingin sa akin. Kaya naman, muli akong tumingin sa grupo ng Grovers kung tawagin ni Reese. Mukhang may dati na silang alitan pa, basi na rin sa reaksyon ni Reese ngayon.
"Haha! Ang seryoso niyo naman kung makatingin sa akin. Easy lang kayo," sabi nito.
"Kung nandito lang si Vain, ay malamang kanina ka pa niya inatake. Nakakahayop din kasi iyang mukha mo," seryosong sabi ni Cassandra at nakita ko kung paano lumabas mula sa likod niya ang dalawang manika, na ngayon ko lang nakita. Napansin ko rin mula kay Estella ang mga bulaklak, na bigla rin lumabas. Maging si Reese ay inilabas ang mga nakatago niyang cards. Hindi ko pa alam kung ano ang taglay nilang kapangyarihan, pero nararamdaman kong malalakas sila.
"Haha, nasaan nga pala si Vain? Naalala ko ang nangyari sa kapatid niya, nasaan pala siya? At iyong kapatid niya, uhmm buhay pa ba siya?" sabi nito at napangisi sa huli niyang sinabi.
Matapos niyang sabihin iyon ay nagulat na lang ako, nang sabay na umatake sina Reese, Cassandra at Estella sa mga ito. Kaya naman isang matinding pagsabog ang nangyari. Napapikit na lang ako sa tindi ng pagsabog at nang magmulat ako ay nakita kong nasa iba't ibang posisyon na silang tatlo. Mayamaya ay muli na naman silang umatake sa mga ito. Inilabas ni Reese ang mga cards niya at pumaikot itong umaatake, kung saan nakapwesto ang grupo ng Grovers. Habang si Cassandra naman, ay nasa ere ang dalawang manika niya at may lumalabas na kidlat mula rito. Mayamaya ay may mga manika pang dumating sa kung saan at parehong kidlat din ang lumabas mula sa mga ito. Nakita ko si Cassandra, na nagbago ang kulay ng buhok. Naging kulay puti, habang kinukontroy niya ang manika.
Samantalang si Estella naman ay lumabas ang mga Rosas mula sa kawalan at may kung anong binuga ito, patungo sa kinaroroonan ng Grovers. Natakpan ko ang sarili bibig at ilong, nang mapagtanto kung ano ang bumubuga mula sa mga rosas na iyon. Isa itong lason, na nakakamamatay.
Ilang saglit pa ay tumigil sila sa pag atake at bumalik sa tabi ko. Ngunit, sa tingin ko hindi sapat ang nagawa nila para dito.
"Sa tingin niyo nadali natin sila?" mayamaya ay tanong ni Cassandra na bumalik na sa dati.
"Hindi ko alam," seryosong sagot ni Reese.
"Hindi niyo sila nadali at wala kayong nagawang pinsala sa kanya. May ginamit silang harang upang protektahan ang kanilang mga sarili," mariing sabi ko.
Napansin kong natigilan sila at sabay na napatingin sa akin. Subalit, wala sa kanila ang paningin ko. Nanatili iyon sa kinaroroonan ng mga Grovers.