Chapter 23

1911 Words
Hindi sila nakapagsalita matapos ko iyong sabihin at napatingin muli sa kinaroroonan ng grupo nito. Matapos mawala ang usok ay nakikita na namin nang malinaw ang mga ito. Nakita namin ang kulay pulang harang mula sa mga ito. "Hahaha!" Tulad nang inaasahan ko ay wala nga silang pinsala, mula sa ginawang atake nina Reese. Mayamaya ay nawala na ang harang na ginawa nito at sa tingin ko ay may isa sa kanila na gumawa no'n. Mariin akong napatingin sa mga kasama nito at mariin pinakiramdaman ang kapangyarihan nito. Kaya naman madali ko lang nahulaan ko sino sa kanila ay may kakayahang sanggain ang isang atake. "Tulad nang inaasahan ko ay sabay niyo kaming susugurin. Ngunit pasensya na, wala kayong nagawang pinsala sa amin. Haha!! Oh! May kasama pala kayo, bakit hindi siya sumugod? Natatakot ba iyan? Bagong kasamahan niyo ba?" sabi nito at tiningnan ako. Nakikita ko ang tuwa sa mga mata niya, dahil iniisip niya sigurong wala kaming magagawa sa laban sa kanila. Napatingin ako kina Reese, na bahagya namang napatingin sa akin. "Hindi na importante kung kasamahan namin siya o hindi. Wala ka namang pakialam, kailangan ka nga ba nagkaroon ng pakialam?" mataray na sabi ni Cassandra dito. "Labas siya sa kung ano man ang alitan natin. Kaya hindi mo na siya kailangang idamay," mariing sabi ni Estella. Napasulyap naman ako dahil sa sinabi niyang iyon. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa harapan namin. "Naku, mahal kong Prinsesa, mukhang nagkakamali ka ata? Tingnan mo naman ang ginawa niya sa kasamahan ko? Alangan namang hahayaan ko lang siya sa ginawa niya sa mga ito," napapailing niyang sabi kay Estella. Napabuntong-hininga ako. Nang aang magsasalita sila ay inunahan ko na sila. "Kung ganoon, pagbibigyan kita sa gusto mo. Kung ano man ang alitan ninyo, ipagliban niyo muna at sa susunod niyo nang pagkikita, kayo maglaban ulit. Sa ngayon, kami muna," sabi ko at bumaling kina Reese, na nagugulat na napatingin sa akin. "What?" gulat na sabi ni Estella at nagpalipat-lipat ang tingin sa amin at doon sa kabilang grupo. "Hahaha! Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Dahil talagang pagbibigyan kita," nakangisi nitong sabi sa akin. "Axel, hindi mo kailangang gawin ito," seryosong sabi ni Reese sa akin. "Hindi mo alam kung anong gagawin niya saiyo," saad naman ni Cassandra. "Lalabanan ko siya, hayaan niyo na ako," mariin kong sabi sa kanila at naglakad paharap doon sa pinuno ng grupo. "Gusto kong tayong dalawa ang maglaban, kapag sumali ang ibang kasama mo. Hindi ko siya pakakawalan," seryoso sabi ko. Mula sa grupo nila ay hinila ko palapit sa amin, ang isang kasamahan nila na may kakayahang gumamit ng harang. Gamit ang air magic ko ay nagawa ko itong ilapit sa akin. Pagkatapos ay pinalitaw ko ang maraming kutsilyo at tinutok ito sa kasamahan nila, na nasa amin ngayon. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila dahil sa ginawa kong iyon. Nakikita ko naman na nalilito sina Reese sa ginawa ko at kung paano ko iyon ginawa. "Alam ko na ang taong ito ay may kakayahang gumawa ng harang, tulad nang ginawa niya kanina noong atakihin nila kayo ng sabay. Nakita kong siya lang ang may kakayahang gumamit no'n at kung magtatanong ka kung bakit hindi niya iyon nagamit sa sarili niya, nang kunin ko siya ay dahil binaba niya ang depensa niya. Huli na nang malaman niya ang gagawin ko at hindi na niya na kaya pang depensahan ang sarili," paliwanag ko sa kanila. Nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin at nanginginig bigla ang kamay niya, na parang bang anumang oras ay aatakihin niya ako. "Kung nagalit ka dahil sa ginawa ko diyan sa tatlo mong kasama, siguro naman ay may halaga din ang isang ito saiyo at tatanggapin mo ang hamon ko," seryoso kong sabi sa kanya. Hindi siya nakapagsalita at nararamdaman ko ang kakaibang aura mula sa kanya. Mayamaya ay unti-unti nang lumalabas ang itim na aura mula sa kanya. Mukhang nagalit siya sa ginawa ko at paghamon ko sa kanya. "Tumabi kayo, lalabanan ko ang mayabang na ito," mariing sabi niya at sa isang iglap lang ay isang malakas na aura ang pinalabas niya. Halos liparin ang mga nasa paligid namin dahil sa tindi ng hangin, na mula sa pinalabas niyang aura. Hindi naman ako natinag sa ginawa niya at hinayaan siya ilabas kung ano pa ang kaya niyang ilabas. "Axel, mag ingat ka. Isa sa kapangyarihan niya ang hangin at magaling siyang gumamit ng sandata. Iyang hawak niyang espada ay humahaba, kaya mag ingat ka," paalala sa akin ni Reese. Tumago lang ako sa kanya. Kung ganoon ay pareho kami ng kapangyarihan. He's using air magic too! Mukhang maganda nga ito. "Sino ka?" mariin niyang sabi habang nakatingin pa rin sa akin ng seryoso. Ibinagsak ko ang espada sa harapan ko at mahigpit ko itong hinawakan. Unti-unti kong pinalabas ang kapangyarihan, mula sa katawan ko at isinalin ang ibang aura ko sa espada. "Hindi ko ugaling magpakilala sa aking kalaban. Nagpapakilala lang ako kapag natalo ko na ang kalabang iyon. Kaya naman, kung gusto mong malaman ang pangalan ko.... magpatalo ka muna," sabi ko. Sa isang iglap ay isang malakas na pwera ang lumabas mula sa katawan ko. Gamit ang kapangyarihan kong hangin ay nagawa kong lumipad patungo sa kanya at inatake siya gamit ang espada ko. Agad niya itong nasangga at halos nabiyak ang lupang tinatapakan niya, dahil sa ginawa kong pag atake. Halos liparin naman ang ibang bagay na nakapaligid sa amin, dahil sa malakas na pwersa. Naramdaman ko ang isang papalapit na bagay sa akin. Kaya pinaikot ko ang espada at sinangga ang isang espada na mula sa kanya. Tama nga ang sinabi ni Reese, humahaba ang espada niya. Nagawa kong pigilan ang isang ataki niya, gamit ang pwersa mula sa kamao ko. "Mukhang bihasa ka na sa pakikipaglaban, kaya naman gusto kong malaman kung saan mo natutunan ang ataking iyon. Isang tao lang ang kilala kong gumagamit ng ganoong atake, kaya sino ka," muli niyang tanong sa akin, nang muli kaming magkalapit dalawa. Bago ako sumagot ay ginamitan ko ng pwersa ang aking espada. Kaya naman pareho kaming napasama sa bigat ng espada at tulad sa nangyari doon sa kasamahan niya kanina ay isang paguho na naman ang nagawa ng espada ko, na ngayon ay kasama kaming dalawa. "Kung may kakilala ka, hindi ako obligado na sabihin saiyo iyon," seryoso kong sabi at pinaangat siya saka sinuntok paitaas. Sa lakas nang ginawa kong pagsuntok ay malayo ang inabot niya. Lumutang ako at umalis sa may guho. Tinanaw ko siya sa itaas at nakita kong padaosdos siyang papalapit sa akin. Nakita kong biglang humaba ang espada niya, kaya agad akong napaiwas. Ilang beses niya itong inatake sa akin, ngunit nagawa ko itong iwasan. Habang hawak ko sa aking kamay ang espada ay ginamitan ko iyon invisibility. Palihim ko iyong pinalipad sa ere at nang malapit na ito sa kanya ay mabilis ko itong naihampas sa kanya. Subalit, nakita kong nagawa niya itong sanggain. Ngunit hindi iyon naging sapat. Sa lakas ng pwersa mula sa aking espada ay mabilis siyang bumagsak sa lupa kasama ang espada ko. Nakita kong nahihirapan siyang tumayo. Habang nakadagan sa kanya ang espada ko. "Boss!" Agad siyang nilapitan ng mga kasama niya at tinulungang makatayo. Doon ko lang rin naramdaman ang presensya nina Reese. "S-Sabahin mo, anong... anong koneksyon mo kay Arrison," nahihirapan niyang tanong sa akin, matapos siyang itayo ng kanyang kasamahan. Subalit, natigilan ako sa tanong niyang iyon, lalo na at narinig ko ang pangalang sinabi niya. "Sino ka, nasisiguro akong may koneksyon ka sa kanya. Sabihin mo, anak ka ba niya?" muli niyang tanong. Tumalikod ako sa kanya at binalik sa kanila ang kasamahan nila. Hindi ko sinasagot ang tanong niyang iyon, dahil ayokong pag usapan o ayokong magsalita tungkol doon. "Kapatid ko siya.." Napahinto ako ng ilang metro sa paglalakad, nang marinig ko iyon. Kapatid? "M-Matagal na kaming hindi nagkita at wala na kaming alam sa kanya. Ang balita namin noon ay nag asawa ka siya. Subalit, simula noon ay wala na kaming alam pa kung nasaan siya. Kaya nang maglaban tayo ngayon ay pamilyar sa akin ang bawat galaw at paggamit mo ng iyong kapangyarihan. Dahil sabay kaming tinuruan noon ng aming ama. Sino ka at anong koneksyon mo sa kanya," muli niyang sabi sa akin. Naikuyom ko ang kamay ko at bumaling sa kanya. "Hindi ko kailangang sabihin saiyo kung sino ako at kung ano ang koneksyon ko sa taong tinutukoy mo. Wala akong pakialam at hindi ko obligadong makipagkwentuhan saiyo. Kung gusto mong malaman ang tungkol sa kanya ay alamin mo saiyong sarili," mariin kong sabi at naglakad na paalis doon. Kapatid? Kapatid siya ng ama ko? Huh! Ganoon ba? Ibig sabihin, isa siya sa dahilan kung bakit umalis ang ama ko noon sa poder nila. Nasabi sa amin ni Mama noon, kung anong nangyari kay Papa. Subrang hirap ang dinanas ni papa sa mga kapatid nito noon, dahil siya ang paborito ng kanilang ama. Parehong nagkagusto si Papa at ang kapatid raw nito na lalaki kay Mama. Kaya ginawa raw lahat ng kapatid nito na ipahamak si Papa at kunin si Mama. Subalit, hindi raw iyon hinayaan ni Papa. Kaya naman, pinili ni Papa na lumayo kasama si Mama at nabalitaan na lang nila, pinatay ang kanilang magulang. Nalaman ni Papa kung sino ang pumatay dito, walang iba kundi ang karibal niya sa pag ibig; ang kanyang kapatid na lalaki. Nasabi rin ni Mama, na dalawa lang silang magkapatid na lalaki. Kaya nasisiguro kong ang isang iyon ang siyang dahilan kung bakit namatay ang lolo at lola ko, maging ang paghihirap ni Papa at Mama noon. Hays! Mabuti na nga lang at pinapaalala nila Mama noon sa amin ni Ate, na hindi mabuti ang naghihigante. Kaya naman hindi iyon kailanman pumasok sa isip namin noon. Kaya ngayon, nais ko siyang iwasan, upang hindi mabuhay ang galit na minsan nang nangibabaw sa akin. "Axel!" Napahinto ako sa paglalakad, nang marinig ko sina Reese na tinawag ako. Hindi ko napansin na nakasunod pala sila sa akin at malayo na ako doon sa pinanggalingan namin kanina. "Ang lalim nang iniisip mo, kanina ka pa namin tinatawag," sabi sa akin ni Cassandra. Napakamot naman ako sa noo. "Ganoon ba? Hindi ko rin kasi alam na sumunod pala kayo, pasensya na," saad ko. "Ano ka ba! Ayos lang iyon, pero grabe! Ang galing nang ginawa mo kanina, halos mapanganaga kami! Lalo na itong si Estella, para siyang nanonood ng palabas eh! Paiba-iba ng reaksyon pero subrang natuwa noong napabagsak mo ang leader ng Grover!" masigla niyang sabi. "Talaga?" Napatingin ako kay Estella na agad lang umiwas nang tingin sa akin. "Kailangan talagang sabihin sa kanya? Kaibigan kita di ba? Tsk! Nakakainis ka!" sabi niya kay Cassandra at naunang naglakad. "Hoy! Ito naman!" sabi nito at hinabol si Estella. Napapailing na lang akong nakatingin sa kanilang dalawa. "Tara, sama ka na muna sa amin. May malapit na hotel diyan, para naman makapagpahinga ka sa naging laban mo kanina. Nakakagulat ah, pero grabe, ang galing mo pala," nakangiting sabi niya sa akin. "Haha salamat, sige sasabay na ako sainyo," sang ayon ko sa kanya. Tumango siya at sumunod na kami doon sa dalawang babaeng tila nagtatalo pa habang naglalakad. Napangiti na lang ako, habang nakatingin kay Estella na nakatalikod sa amin. Ewan ko pero, natuwa ako nang malamang humahanga siya sa kakayahan ko. Hindi ko aakalain na sa pagpunta ko sa Edolas ay makikilala ko silang tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD