MAINGAT na nilalaro ng mga daliri ni Ben ang mga hibla ng buhok ni Honey na nalalaglag sa noo nito. Nakayuko siya at pinagmamasdan ang mukha ng babae. Mahimbing na ang tulog nito. Hindi na nga namalayan ang pag-iiba niya ng posisyon. Nakatulog si Honey na yakap niya mula sa likuran, pero ngayon, magkaharap na sila at nakaunan pa sa braso niya. Nakayapos pa sa baywang niya ang braso nito. Ngayon lang napagtanto ni Ben kung gaano nagkakalayo ang height at katawan nila. Petite pala ito, kasyang kasya sa yakap niya. Napangiti si Ben habang tinititigan si Honey. Napakaamo ng anyo nito sa pagtulog. Tila magandang anghel na naligaw sa lupa at nakatagpo ng kapayapaan sa yakap niya. Hindi niya napigilang padaanan ng daliri ang pisngi nito. Tell me what to do, Ney. Masyado ka nang espesyal sa puso

