DALA ni Honey ang mabigat na pakiramdam hanggang sa university. Sa apartment pa palang kanina ay bahin na siya ng bahin. Iyon ang napala niya sa pagpapakabasa sa ulan nang nagdaang gabi. Ilang araw na siyang tuliro dahil sa nararamdaman. Pati study habit niya ay apektado na. Madalas niyang matagpuan ang sarili na sa halip na nagre-review ay nakatulala siya at ang housemate niyang bading ang naiisip. Kagabi, pagkaalis ni Benito para pumasok sa bar ay hindi siya matahimik. May urge siyang pigilan ito, para sa bahay lang sila at magkasama pero wala naman siyang naisip na alibi kaya wala rin siyang nagawa. Nang bumuhos ang ulan ay naisip niyang magpakabasa na lang sa labas. Naisip niyang baka makatulong ang malamig na ulan para matauhan siya sa kahibangan. Nanatili siya ng ilang minuto sa lab

