"BEN?" wala sa loob na usal ni Honey matapos siyang dumilat. Hindi niya namalayang naidlip siya. Nagising siya sa pakiramdam na tila idinuduyan. Buhat-buhat pala siya ni Ben at nakapasok na sila sa apartment. "Akala ko, hindi ka na magigising," kaswal na sabi nito at marahan siyang ibinaba sa sofa. Binalikan nito ang pinto at isinara iyon. "Mahimbing na si Mamu," dugtong nito at tumingin sa direksiyon ng silid niya. Naroon ang ina-amahan niya. Bukas pa ang uwi nito sa Cavite. "Pumasok ka na sa room mo, matutulog na rin ako," sabi nito bago nagsimulang kalagin ang mga butones ng long sleeves na suot. Tumayo na si Honey bago pa niya makita ang hubad na itaas nito. Naglakad na siya patungo sa silid pero hindi niya kayang hindi lumingon. Huminto siya dalawang hakbang ang layo niya sa pinto n

