PALAPIT pa lang si Honey sa canteen ay nakita na niyang kausap ni Ben sina Hazelle at Hazenne. Doon sila nagkikita ni Ben nang ganoong oras. Magka-klase sila sa next subject. Paminsan-minsan ay nagpapanga-abot sila roon at ng dalawa pa niyang kaibigan, ang kambal. Sa tingin niya ay masaya ang kuwentuhan ng mga ito, nagtatawanan pa. Si Ben ay tila hindi na alintana ang sugat. Lumapit siya at binati ang dalawang babaeng kaibigan. Nakipag-beso sa kanya si Hazelle, si Hazenne naman ay ngumiti lang. Hindi nito nakasanayan ang ayon rito ay 'girly gestures.' Magkaibang-magkaiba ang ugali ng kambal. Si Hazelle ay napaka-sweet at parating nakangiti. Samantalang si Hazenne ay tigasin at madalas na nakakunot ang noo. Mabilis uminit ang ulo nito kapag napapansing may mga lalaking nagkaka-interes sa k

