HULING gabi na ni Honey sa apartment. Inaayos na niya sa isang bag ang mga natitirang gamit. Nasa isang sulok na ang mga traveling bags na kinalalagyan ng mga damit niya. Hindi niya naisip na isang araw ay gugustuhin rin pala niyang iwan ang bahay na iyon. Nasabi na ni Honey kay Mamu Pauline ang balak. Sumang-ayon naman agad ito. Mas mabuti raw lumipat na siya sa bahay ni Tita Lydia lalo at naroon ang mga kaibigan. Mas matatahimik raw ito na may nakakasama siya kaysa naroon siya sa apartment at mag-isa. Alam ni Mamu ang issue ng puso ni Honey pero hindi siya nito pinangungunahan. Hinihintay siyang kusang mag-open up, na ginagawa niya kapag hindi na talaga kaya ang bigat sa dibdib. Masyadong tahimik. Inabot ni Honey ang cell phone at hinanap ang paborito niyang patugtugin kapag ganoong n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


