NAGBAWAS na ng speed ng kotse si Antonn. Nakapasok na siya sa subdivision na kinaroroonan ng bahay ng ina at kapatid. Two years ago, pagbalik niya ng Pilipinas pagkatapos ng graduation ay ang ina at kapatid agad niyang ipinahanap. Sinuportahan naman ng ama ang balak niya. Natagpuan ng imbestigador na binayaran ni Antonn ang kinaroroonan ng mga ito pagkatapos ng dalawang buwan—sa squatters area sa Valenzuela. Nagtatrabaho bilang labandera ang nanay niyang si Perlita at yaya naman ang kapatid niyang si Regine. Pinuntahan niya kaagad ang lugar. Tumambad sa kanya ang miserableng pamumuhay ng mga ito. Linggo noon kaya parehong nasa bahay ang dalawa. Naglalaba ang ina niya samantalang ang kapatid ay abalang naghahanda ng tanghalian. Sa edad ni Regine na nineteen, dapat ay nasa kolehiyo na ito p

