Twenty Two

1016 Words

Pagbaling ni Honey sa mga kaibigan, nasa anyo rin ng mga ito ang pagkagulat. Lumipat ang tingin ng dalawa sa kanya pagkatapos mapamaang nang ilang segundo sa stage. "Sabihin mong nagkakamali lang ang mata ko," ani Hazenne, walang particular na pinagsasabihan. "No, Zenne," sagot ni Hazelle rito. "Tama ang nakikita natin. Siya 'yan. Si Ben..." Dalawang beses siyang napalunok. Mayamaya ay bigla niyang dinala sa labi ang wine glass at sinaid ang natitirang laman niyon. Kailangan ni Honey ang alak para kumalma ang pakiramdam niya. "If I'm not in love with you, what is this I'm going through, tonight..." kumakanta si Ben ng nakapikit at naglalaro sa mga labi ang ngiti na para bang sa pagpikit nitong iyon ay magagandang eksena ang nakikita sa isip, at gusto nitong mag-focus sa mga eksenang iy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD