Three

1378 Words
"May bago kang crush?" ang alam niya ay ang may-ari ng bar na pinagtatrababuhan nito bilang singer ang pinagnanasaan. Si Alexandrei Rajed Viezo, o Raj para rito. "Isinuko mo na si boss Raj mo?" "Two hours ago," tugon nito at umirap. Inasar pa niya si Benito ng ilang minuto bago siya tuluyang pumasok ng banyo. Mabilis lang na ginawa ni Honey ang morning routine niya. Paglabas, nakahanda na ang mesa. Nakaupo na si Benito at malalaki ang kagat sa pandesal na hawak. Umupo siya sa tabi nito. Hinalo ng lalaki--ng bading pala ang isa sa dalawang tasa ng kape na nasa mesa. Pagkatapos ay inilapag sa harap niya ang isa. "Ang bait-bait mo ngayon, ah?" aniya bago humigop ng kape. "Bakit ayaw sa 'yo ni Raj?" "Wala akong matris, gaga!" Natawa si Honey habang humihigop, ang resulta, napaso siya. Napaungol na inilapag niya sa mesa ang tasa. "At ang macho mo pa!" dagdag niya. "Napaso tuloy ako sa kalokohan mo, Ben!" Sinapo nito ang baba niya para i-check ang pinsala. Kaswal na dumaan sa mga labi niya ang hinlalaki nito para tuyuin ang naiwang kape roon. Hindi niya alam kung bakit may kakaiba siyang naramdaman sa gesture na iyon. Napalunok na napatingin si Honey sa mga mata ni Benito. Sinalubong naman nito ang tingin niya. Nagtaka sa ginawa niyang pagtitig kaya natigilan, at pati ang hinlalaki nito ay naramdaman niyang nanatili rin sa labi niya. "O, bakit?" Sa halip na sumagot ay ay biglang inilayo niya ang mukha. Kumuha siya ng pandesal at diretsong kinagat iyon. Umiwas na siya ng tingin pero sinapo uli nito ang baba niya at ipinihit uli paharap ang mukha niya. "Kung makatingin ka, parang iniisip mong mo-molestiyahin kita ah. Umayos ka, 'di kita type!" banat pa ng bading at ngumiwi. "Eww!" sa sinabi nito ay hindi na siya nagtangkang lumayo uli. Oo nga naman, bakit siya maaasiwa sa hawak ng isang bading? At kaibigan pa niya! "Namumula ang lower lip mo, parang na-french kiss ka ng sampung boylet," saka ito malanding humalakhak. Pinawi niyon ang naramdaman niyang kakaiba. "Bakit alam mo 'yon? Na-french kiss ka na ba?" NASA sala si Benito nang dumaan si Honey. Quarter to ten na at paalis na siya ng bahay. Nag-angat ng tingin sa kanya ang bading. Awtomatikong binitawan nito ang librong binabasa. Sinalubong siya at kinuha ang bitbit niyang malaking paper bag, ganoon rin ang backpack na sukbit niya. Ganoon siya pag-umuuwi, mas gusto niyang naka-backpack kaysa naka-girly bags. Ipinaubaya niya rito ang mga dala. Nakasanayan na niyang ginagawa nito iyon na para bang suitor niya na nagpapa-impress. Ang kaibahan nga lang nito sa nabanggit, genuine ang concern ni Benito dahil hindi ito nagpapa-cute at nagpapa-impress sa kanya. Ang hula ni Honey, ginagawa nito iyon para akalain nga ng mga tao sa paligid nila na may relasyon sila—at sa paraang iyon ay maitatago nito ang tunay na pagkatao. "Huwag kang magpapagabi sa Sunday, 'Ney," sabi ni Benito habang isinasara ang pinto ng apartment nila. Ihahatid siya nito sa sakayan ng taxi. Linggo ng gabi ang talagang balik niya pero ipinipilit nitong hapon pa lang ay umuwi na siya. Natatandaan niyang kapag alas kuwatro na ay wala nang patid ang text nito kung nasaan na siya. Pati tuloy ang Mamu Pauline niya nagdududa rito. Baka raw nagiging lalaki na ito dahil sa ganda niya. Napabunghalit si Honey ng tawa. Napawi rin ang pagdududa nitong iyon nang isama niya ito isang gabi sa Mystic bar at nakita ang performance ni Benito. Na-shock ang pobreng ina-amahan niya nang mag-ala Madonna si Benette sa kantang "Like A Virgin". "Hihintayin kita ng five, okay? Dapat nakauwi ka na bago ako rumampa sa Mystic." "May susi naman ako eh, huwag mo na akong hintayin. Baka humaba na naman ang kuwentuhan namin ni Mamu at ng mga guardian 'girls' niya." "Hihintayin kita, Ney." "Oo na, sige na, uuwi na ako nang maaga," sabi na lang niya. Kapag ganoon ang tono nito, sigurado siyang hindi siya patatahimikin ng text bukas ng hapon hangga't wala siya sa apartment nila. "Ano'ng plano mo for a day?" usisa ni Honey habang naglalakad na sila. Kumapit siya sa braso nito. "Gagawa ng assignments." "Pa-kopya ah?" may assignment sila sa isa sa dalawang subjects na ka-klase niya ito. Tumawa lang si Benito. Ang 'kopya' na tinutukoy niya ay pinagko-kompara niya ang mga answers nila. Kapag may magkaiba silang sagot ay pinupuna niya. Nagpapaliwanag naman ito at nagdi-diskusyon sila. Kadalasan ay nauuwi iyon sa isang answer na lang—depende kung sino sa kanilang dalawa ang tama. Academic scholar siya pero hindi naman siya genius, minsan ay nagkakamali rin siya. Sa una pa lang ay napansin niyang matalino ito, sa tingin nga niya ay mas mataas pa ang IQ nito kaysa sa kanya pero humble lang talaga at tahimik. Hindi nga nito ugaling magtaas ng kamay sa recitation pero kapag tinawag ito ay dire-diretso ang sagot. Matataas rin ang scores nito sa quizzes at major exams. Paminsan-minsan lang itong pumapalya, kapag bagsak na sa pagod at hindi nakapag-aral dahil inumaga sa Mystic bar. "Sinilip ko 'yong notebook mo, 'tapos ka na sa assignment, bruha ka." Bumungisngis siya. Tinapos na nga niya kahapon ang assignment na tinutukoy nito. Mas kumapit siya sa braso nito. "Perfect score ako?" "Ite-text ko mamaya kapag nagawa ko na 'yong sa 'kin. I haven't check the problems yet, eh." "Okay. Ano'ng lunch mo mamaya?" "Sandwich lang. Wala ka naman kaya hindi na ako magluluto. Ikaw lang naman ang matakaw eh." Tinawanan lang niya ito. Mas conscious nga si Benito sa kinakain kaysa sa kanya. Siya ay pagkain ang pang-comfort sa sarili. Kapag na-stress, nag-iisip, nag-aalala, at walang magawa ay pagkain ang pinagbubuntunan ni Honey. Kapag tumataba na siya ay nai-stress naman siya at papatayin niya ang sarili sa pag-eexercise para mabawasan ang timbang. Napapailing na lang ito sa kawalan raw niya ng disiplina sa sarili pagdating sa diet. Pero kapag ginising niya naman sa hatinggabi para damayan siya sa pag-eexercise ay walang reklamong gumigising ito. "Dinner?" "Baka sa labas na lang." "Matutulog ka lang talaga habang wala ako?" "Lalabas ako later." "Magbo-boys hunting ka?" Ngumisi lang ito, ang ngisi nitong 'sexy' at 'macho'. Iyon ang description niya sa manly grin nitong iyon. Hindi kasi ito mukhang bading kapag ngumisi nang ganoon. Sabagay, kung hindi lang talaga niya nakita itong nagpe-perform sa Mystic bar ay pagdududahan pa rin talaga niya ang totoong katauhan ni Benito. Kapag kasi ginamit nito ang lalaking boses  ay walang bakas ang pagiging bading. Hindi rin kasi ito nagkikilos malandi kapag nasaUniversity at nasa apartment sila. Naglaladlad lang ito kapag nasa Mystic bar na at suot ang wigs at kolorete nito. Sabi pa nga ng kambal niyang kaibigan na sina Hazelle at Hazenne, epektibo raw si Benito na gampanan ang dalawang katauhan nito. Nakakalito raw kung sino kina Benette at Benito ang totoo. Nag-aabang na sila ng taxi nang may maisipang itanong si Honey, dala ng tinatakbo ng isip utak niya. "Many times," at kinikilig na nangislap pa ang mga mata nito. "Eww! Kadiri ka, Ben!" "Kadiri? Ang sarap kaya!" at bumungisngis pa ito bago kinagat-kagat ang lower lip. Mayamaya ay biglang tumigil. Napasinghap na lang si Honey nang basta na lang nito inabot ang batok niya at kinabig siya hanggang halos sentimetro na lang ang layo ng mga labi nila. Nakulong sa lalamunan ni Honey ang mga salita. "Iki-kiss kita para alam mo ang pakiramdam." Mariing pumikit siya at tumili. Ang lakas ng halakhak ni Benito nang pawalan siya. "As if naman kaya ng powers ko! Sisters tayo, loka! Yuck!" Napanatag naman ang nag-ibang pintig ng puso niya dahil sa lapit nila at sa kakaibang epekto ng mga mata nito sa kanya—na dati pa niyang nararamdaman kaya nga iniiwasan niya talagang tumingin sa mga mata nito. Kapag hindi nagtatama ang mga mata nila ay panatag si Honey at nagagawa niyang kumapit rito, humilig sa balikat nito, yakap-yakapin ito at kung anu-ano pang paglalambing na nakasanayan niyang gawin sa Mamu Pauline niya. Pero kapag nagtatama ang mga mata nila, sa hindi niya malamang dahilan ay nag-iiba ang ritmo ng puso niya. Hindi niya alam kung kailan nagsimula iyon, ang natatandaan lang ni Honey, natatagpuan niya ang sariling umiiwas sa titig ni Benito kapag silang dalawa na lang ang magkasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD