Two

1070 Words
June six, unang araw ng pasukan, at unang araw niya rin bilang sophomore. Academic scholar siya at ang daily allowance niya naman at iba pang gastusin ay mula sa bulsa ni Mamu at sa kinikita niya sa parlor nito bilang all around assistant—taga shampoo, taga-plantsa ng buhok, taga-bili ng supplies at pagkain, at tagalinis ng buong parlor—tuwing weekend at holidays. Kaibigan niya ang lahat ng bading na nagtatrabaho sa parlor. May magaan ang loob niya sa mga ito, siguro dahil naging napakabuti sa kanya ni Mamu Pauline, kaya naman lahat ng tulad nito ay magaan na rin ang loob niya. Babae at bading lang ang tinatanggap niyang mga kaibigan. Lahat ng lalaki sa paligid niya hindi gusto ni Honey kaya iniiwasan niya. Naramdaman niya ang pagtahimik ng mga nag-iingay na niyang ka-klase habang excited ang lahat sa una nilang subject nang araw na iyon. Siya ay pumuwesto sa likurang upuan, sa pinakasulok. Nasa unahan halos ang mga babae niyang ka-klase, nagkukumpulan ang mga ito at malakas ang kuwentuhan. Ang ilan naman ay abalang nakikipag-flirt sa mga bagong kakilalang mga lalaking ka-klase nila. Wala siyang pakialam sa mga ito. Nag-focus siya sa notebook, nakasulat doon ang class schedule niya sa araw na iyon. Natigilan si Honey nang masamyo niya ang isang mabangong scent ng perfume. Hindi niya napigilang mag-angat ng tingin at hanapin ang pinagmulan niyon—ang matangkad at malaking lalaki pala na naupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Naka-tali ang mahabang buhok nito. Bronze skinned ito pero makinis at pino ang balat. May lima pa namang bakanteng upuan sa kaliwa, sa likuran ng mga sexy niyang kaklase, bakit kaya sa tabi pa niya naupo ang lalaking ito? Tila naramdaman nito ang pagmamasid niya. Kaswal na bumaling ito sa kanya. Segundong naghinang ang mga mata nila. Hindi alam ni Honey kung bakit hindi niya kaagad nagawang bawiin ang tingin, napatitig lang siya sa mga mata nito. At tinitingan din siya ng lalaki! "Hi," basag nito sa katahimikan na nagpaawang sa mga labi niya. Nagulat siya sa malanding boses nito. Hindi lubos maisip ni Honey na ang malaking lalaking ito ay... "I'm Benette," pabulong na sabi nito sa kanya, na para bang ayaw iyong iparinig sa iba. "Please call me Ben," pati ngiti nito ay malandi. Pero pumormal rin ito at tumikhim. "My real name si Benito and I hate it. Ang chaka!" Hindi niya napigilan ang paghulagpos ng tawa. Gusto na niya ito. Gusto niyang maging kaibigan ang bading na matangkad, na sa tingin niya ay pinagtatakpan ang totoong pagkatao sa pamamagitan ng machong image. "Secret ba si Benette?" Inilapit nito ang mukha sa kanya at bumulong sa tainga niya. "Malupit na secret, lola, kaya umayos ka! Bubunutin ko ang dila mo kapag dumaldal ka!" Napabungisngis na tumango siya. "Okay," inilahad niya ang kamay niya. "Honey Lyn Abelardo. Honey sa lahat." Tumikhim ito. Nang magsalita ay lalaking lalaki na ang boses. "Benito Villaguerre," sabi nito sa buong-buong boses, inabot nito ang kamay niya. "Benette Medel sa gabi," saka ito bumungisngis rin. "Nagpe-perform ako sa Mystic bar every Tuesday and Sunday," "Kapatid mo si Aya Medel?" "Magka-size kami ng dibdib, loka!" Napahagalpak siya ng tawa. Inirapan siya nito. "Grabeh kah, konting poise naman sa pagtawa," at nag-demonstrate pa ito kung paano raw dapat tumawa ang dalagang Pilipina. Lalo siyang natawa. Inilapit niya ang sarili niya rito at bumulong siya. "Nakatingin ang mga girls sa 'yo, nakahalata na 'ata sila." Tumikhim ito at biglang umayos ng upo. Sumandal sa back rest ng upuan at nag-chest out. Tutop ang bibig na natawa siya. Alam na niya sa sariling magiging malapit silang magkaibigan... "Thanks, Ben," usal niya, nakakapit pa rin siya sa braso nito habang iginigiya siya nito pahiga. Inayos nito ang unan at maingat siyang itinulak pahiga. "Bumalik ka na sa pagtulog—" "Dito ka muna..." Tulad ng madalas mangyari kapag nanaginip siya at nakiusap siyang huwag iwan, tahimik na umupo si Benita sa may ulunan niya at hinagod-hagod ang kanyang buhok. "Dito lang ako hanggang makatulog ka." Ginagap niya ang malayang kamay nito at mahigpit na hinawakan. Saka lang siya naging panatag na ipikit ang mga mata. Ang init mula sa mga palad nito ang katibayan na hindi siya mag-isa. Na binabantayan siya nito kaya maari siyang matulog na payapa. Ang haplos ni Benito sa buhok niya ang huling rumehistro sa isip ni Honey bago siya nakatulog. "YEAH, I know, I know, when I compliment her she won't believe me. And it's so, it's so sad to think that she don't see what I see. But every time she asks me do I look okay, I say..." boses ni Benito na kumakanta ang sumalubong kay Honey habang patungo siya sa maliit nilang kitchen. Tulad ng mga nagdaang weekend, nauna na namang nagising ang kaibigan kaysa sa kanya. Ipinagluluto siya nito ng almusal bago siya pinapayagang umuwi sa Cavite. Nadatnan niyang nasa harap ito ng kalan at abala sa anumang niluluto. Naka-cargo shorts lang at walang damit pang-itaas. Basa pa ang buhok nito, base sa anyo ay mukhang kaliligo lang. Nakangiting sinabayan niya si Benito sa pag-a-ala Bruno Mars. "When I see your face, there's not a thing that I would change. Cause you're amazing, just the way you are. And when you smile, the whole world stops and stares for a while. Because girl you're amazing, just the way you are..." Lumingon ito sa direksiyon niya, malapad na ngumiti pagkakita sa kanya. Iyon ang isang advantage na bading ang kasama ni Honey sa bahay. Kahit na bagong gising siya, nakatayo pa ang buhok at hindi pa nakapaghilamos ay hindi siya nako-conscious sa hitsura. Walang anuman iyon kay Benito. Wala naman itong pakialam sa hitsura niya. Idagdag pang panatag na panatag siya rito. "Morning, 'Ney," bati nito. 'Ney' ang endearment sa kanya dahil tunog mag-asawa raw ang 'Hon' "Kadiri! Eww!" naalala pa niyang nakangiwing bulalas ng bading. "'Morning! Ano'ng breakfast?" "Pansit," sagot nito at hinalo ang niluluto. "O kaya pandesal at sardinas," Ang pandesal at sardinas ang pinaka-swak sa badget nilang pareho kaya madalas nilang almusal at midnight snack kapag nagre-review sila. Tulad niya ay pinagta-trababuhan rin nito ang panggastos sa araw-araw kaya nagkakasundo sila pagdating sa pagtitipid. "Late ka na namang gumising. Ano'ng oras ba ang uwi mo sa Cavite?" "Mga ten na," sagot niya at tumuloy na sa banyo. Bago siya pumasok ay nilingon niya ito. "Ikaw, ano'ng raket mo today?" Ngumisi si Benito. "Boys."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD