Twenty

1104 Words

SINALUBONG si Honey ng confetti at rose petals pagpasok niya sa Heart's Place nang hapong iyon. Nagulat siya, mayamaya ay masayang natawa nang makitang naroon ang buong team ng pinakamamahal niyang Special Events company. Ang namumuno siyempre ay ang napakaganda pa rin sa kabila ng edad, si Mrs. Lydia Shin. "Happy birthday, hija," pagbati nito, lumapit sa kanya at hinagkan siya sa pisngi kasunod na inabot ang maliit na gift nito na nakabalot sa shiny wrapper. Sina Hazelle at Hazenne ang sumunod na lumapit at mahigpit na mahigpit ang yakap sa kanya. Nanatili ang pagkakaibigan nilang tatlo na nagsimula noon sa kolehiyo. Pareho silang tatlo na events organizer na sa kasalukuyan pero mas malaking oras ang ginugugol niya sa flower shop. Siya ang in-charge roon nang inutos ni Tita Lydia na tutu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD