HINDI mahulaan ni Honey kung totoo o hindi ang pagsalubong sa kanya ng yakap ni Ybeth. Ilang hakbang pa ang layo nila sa mesa kung saan nakaupo ito at ang mestisong lalaking sa tingin niya ay ang boyfriend, bigla nang tumayo ang babae at sinalubong sila na para bang galak na galak. Kung peke o totoo ang excitement nito ay hindi siya sigurado. "Honey! Ikaw na ba talaga 'yan? My God! You've changed a lot!" ngiting-ngiting nakipag-beso si Ybeth sa kanya. "Kung hindi pa ako bumalik sa atin, hindi ko malalaman na wala ka na pala sa bayan natin? And your mother? Oh, my! Muntik nang makapatay?" bigla nitong tinutop ang bibig at tumingin kay Benito. "Oh," at nanlaki pa ang mga mata nito. "I shouln't have talked too much. Sorry. Hindi ba niya alam?" Tumingin si Honey kay Ben. Niyuko naman siya ni

