LINDSY "Aalis ka? Iiwan mo ako, ganon ba? Because of what you saw, you're going to leave me?" he asked in disbelief. Kahit walang ampat ang pagtulo ng luha ko ay pagak akong tumawa. "So ano'ng gusto mo mangyari? Mag-stay ako kahit alam kong wala namang patutunguhan itong relasyon na pinasok ko? Alam naman natin pareho na may gusto ka lang patunayan kay Papa, Ravi. Gusto mo ipakita sa kanya na nagkamali siya ng husgahan ka. Tama ako, hindi ba? Pero ang totoo, ayaw mo sa relasyon na hindi naman natin pinagplanuhan ng mabuti. Lahat ng ito ay puro pagpapanggap lang, hindi ba? Nagsimula tayo sa pagpapanggap kaya tapusin na natin ang lahat at maging totoo na lang tayo sa mga sarili natin. Mag-focus ka na lang sa organisayon n'yo. Ako naman, pipilitin kong bumalik sa normal kong buhay. Isipin n

