Chapter 2

1768 Words
LINDSY Nanlalaki ang mata na hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong na-magnet sa harap nito at hindi ko magawang umalis. Bumalik lang ako sa katinuan ng narinig kong nagsalita si Jessie. Ngunit bago pa man ako umalis or should I say, bago ko pa man alisin ang labi ko na nakalapat sa labi ng lalaki na parang tuod sa harap ko ay marahas akong hinawakan sa braso ng nakasuot ng itim na suit. Para lang akong papel na inalis nito sa harap ng lalaki. Muntik pa nga akong mawala sa balanse kung hindi lang ako naagapan ni Jessie na hawakan. "Are you alright, sir?" tanong nito sa lalaking blangko ang mukha. Pinagpag pa nito ang mamahaling damit ng lalaki na animo'y may mikrobyong kumapit. Hindi nagsalita ang lalaki, sa halip ay tumango lang ito saka naglakad na parang walang nangyari. Wala na siya sa harap ko ay masama pa rin ang tingin ko sa kanya. He stole my first kiss at hindi ko kayang tanggapin iyon. "Ayos ka lang, girl?" nag-aalala na tanong sa akin ni Jessie. Tumango lang ako bilang tugon at pilit na ngumiti kahit parang gusto ko ng tumakbo papunta sa ladies room at banlawan ang labi ko. "Ang malas ng gabing ito," reklamo ng bahagi ng utak ko. Nagsimula ang party ng hindi ko inalis ang tingin sa lalaking nagnakaw ng unang halik ko. Tama, ninakaw niya ang unang halik na dapat ay sa lalaking una't huling dadampian ng labi ko. Pwede naman kasi na umiwas siya. Kahit sabihin pa na hindi inaasahan, kung ayaw niyang may makalapit sa kanya ay dapat iniwasan niya ako. Kasalanan niya itong lahat. Nagsimula na ang party at nasa likuran kami ng mga guest. Mabuti na lamang ay nakaupo na kami. Kanina pa kasi masakit ang paa ko dahil sa sandals na suot ko. Pinipilit kong ngumiti kahit peke sa harap ni Ma'am Sheryl kapag kinakausap niya ako kahit masama ang loob ko lalo na kapag napapagawi ang tingin ko sa lalaking nahalikan ko ng hindi sinasadya. Bagamat nasaksihan nito ang nangyari kanina ay hindi niya binuksan ang paksa. Muli kong tinapunan ng tingin ang likod ng lalaki. Kahit likod lang nito ang nakikita ko ay kitang-kita ko naman siya sa malaking projector dahil buong gabi nakatutok ang camera sa kanya. Mukha ngang mahalagang tao siya dahil sa kanya nakabaling ang lahat ng atensyon. Hindi ba nangangalay ang mukha niya? Wala kasi akong makitang ibang emosyon sa kanya kung 'di napakasersyoso niyang tao. Ang hirap basahin ng emosyon at tila ang lamig. Parang malamig pa sa yelo ang mga mata niya. "Pasukan sana ng hangin ang mukha niya ng tuluyan ng ganyan na lang siya parati," pilya kong dasal. Tumaas ang gilid ng labi ko. Kahit sabihin na gwapo pa siya ay masama pa rin ang loob ko dahil siya ang naging first kiss ko. "Kung nakakasunog ang tingin, kanina pa nasunog si Mr. Zaxton," pilyong bulong sa akin ni Jessie. Alanganin lamang ang ngiti na binigay ko ng balingan ko siya. Ravi Theodore Zaxton, ito ang pangalan na narinig kong binanggit ng nagsasalita sa harap. His name suits him. Parang nakakatakot at tila maraming lihim na tinatago. Ah, basta, masama ang loob ko. Pati doon sa bodyguard niya na para akong papel na pinaalis sa harap ng amo niyang bakulaw. Para sa akin, bakulaw silang lahat dahil ang laki nilang tao. Nakahinga ako ng maluwag dahil tapos na ang party. At sa isang iglap lang ay mabilis na naglaho na parang bula ang lalaki. Daig pa si flash na sa isang kisap lang ng mata ay nawala na kaagad. Hindi naman halatang ayaw n'yang manatili ng matagal sa party. "Ang arte n'ya," anang bahagi ng utak ko. Pagkatapos ko magbihis ay agad kong tinungo si Ma'am Sheryl para kunin ang sahod ko. Pagkabigay sa akin nito ng sahod ko ay agad akong nagpaalam. Nagpasalamat naman ito sa naging serbisyon ko. Bago ako umalis ay pinaalalahan niya ako na huwag na magtatagal sa lugar at umuwi na kaagad. Gusto ko sana magtanong kung bakit pero hindi na ako nag-abala. Gustong-gusto ko ng umuwi dahil sobrang sakit na ng paa ko. Mabuti na lang ay sneakers ang suot ko kaya komportable na ako maglakad. Pero ramdam ko pa rin ang kirot sa aking paa dahil sa pagsusuot ko ng sandals. Dahil madaling araw na ay nahirapan ako sumakay. Hangga't maaari ay ayaw ko mag-taxi. Mas makakatipid ako kapag nag jeep ako. May natira pa akong pera kanina kaya iyon ang gagastusin ko. Hindi ko pwede bawasan ang sahod ko ngayon dahil itatabi ko ito para sa lola ko. Lahat ng sahod ko ay nakalaan lamang para kay Lola Ason. Mahigit trenta minutos na yata akong nag-aabang ng jeep ay wala pa rin dumadaan sa harap ko. "Pambihirang buhay 'to, mahirap pala sumakay rito," paghihimutok ko. Huminga ako ng malalim. Kapag-daka'y nagsimula ng maglakad. Baka sa unahan ay makasakay na ako. Nakakailang hakbang pa lang ako ay may huminto sa tapat kong itim na van. Tinted ang bintana kaya hindi ko makita ang nasa loob. Isa pa, gabi na rin kaya hindi ko maaninag. Hindi ko ito pinansin kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. Ngunit naipit ang impit na tili ko sa bibig ng may nagtakip ng tela sa aking ilong at mahigpit akong niyakap sa likuran at pinasok sa loob ng van. Pilit kong inaaninag kung sino ang mga nasa loob ngunit unti-unti ng nanlalabo ang paningin ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata ng may marinig akong mga boses. Nanlalabo pa ang mata ko kaya kinurap-kurap ko ito. Nagsalubong ang kilay ko ng mabungaran ko ang mga kababaihan. Bumangon ako para sana magtanong kung nasaan ako ngunit nasapo ko ang aking ulo dahil bahagya akong nahilo. "N-nasaan ako?" mahinang tanong ko. Hindi ko nga alam kung may nakarinig sa akin dahil parang pabulong ko na lang ito sinabi. "Gising ka na pala," puna sa akin ng isang babae na lumapit sa 'kin. Nag-angat ako ng mukha at tiningnan ito. Ang kapal ng makeup nito at halos matabanunan ang orihinal nitong mukha. Ngumunguya pa ito ng gum. Inilibot ko ang tingin sa loob ng malaking kwarto. Halos lahat ng mga kasama ko ay babae at katulad ng kaharap ko ay makakapal din ang makeup ng mga ito. Nagtatrabaho ba sa club ang mga babaeng ito? "Bakit ako nandito? Ano'ng ginagawa ko rito? Nasaan ako?" sunod-sunod na tanog ko sa babaeng tila natigilan dahil sa sinabi ko. "Hindi mo alam kung bakit nandito ka? Feeling inosente ka, bakla?" nagtatakang tanong nito. Umiling ako dahil iyon naman talaga ang totoo. Wala akong ideya kung bakit ako sapilitan kinuha ng mga lalaking iyon at nagising na lang ako sa kwartong ito. Kumibot ang labi nito. Handa na sana itong sumagot ngunit biglang bukas naman ng pintuan at bumungad ang tatlong lalaki. Bigla namang tumahimik ang lahat ng nasa loob ng silid. "Pumila ng maayos," utos ng isa sa tatlong lalaki. Binalingan ako ng babaeng nasa harap ko. Inalalayan ako nitong tumayo. Kahit naguguluhan ay sumunod lang ako sa ginagawa nila. "Harap," muling utos ng lalaki. Mayamaya lang ay isa-isa nito kinuhanan ng picture ang mga babae gamit ang phone na hawak. Nang nasa harap ko na ang lalaki ay hindi nakaligtas sa mata ko ang unti-unti pagsalubong ng kulay nito. "Hindi ka ba marunong ngumiti? Ngumiti ka para mapili ka," utos niya sa akin. Lalo naman akong naguluhan sa sinabi nito. Mapili? Bakit? Para saan? "Ngiti!" sigaw nito na nagpaigtad sa 'kin. "Bakit ako ngingiti kung hindi ko alam kung bakit ako nandito?" matapang kong tanong sa lalaki dahilan para tumiim ang tingin nito sa akin. "Ano? Wala kang alam?" hindi makapaniwalang tanong nito. Hindi ako sumagot. Ilang segundo ako nitong tinitigan bago umalis sa harap ko. Lumapit ito sa kasama at may binulong. Pero malakas ang pandinig ko kaya narinig ko ang sinabi nito sa kasama. "Ang mga walanghiya, basta-basta na naman dumampot sa kalsada. Sasabihin ba natin kay Big Boss?" tanong nito sa kasama. "Alam mo naman na walang nakakalusot kay Big Boss kaya dapat lang niya malaman. Malay mo may pakinabang iyan sa ibang bagay," may ngisi sa labi na sagot ng lalaki sabay tingin sa gawi ko. Bigla akong binalot ng takot. Mga sindikato yata ang mga ito. Diyos ko, marami pa akong pangarap sa buhay. Paano ko pa matutulungan si lola kung mapupunta ako sa kamay ng mga masasamang taong ito? Kailangan ko gumawa ng paraan para hindi nila ako mapakinabangan. Hindi na bumalik sa harap ko ang lalaki. Sa halip ay may tinawagan ito. Sakto naman na may pumasok na ideya sa utak ko. "Big Boss, may problema tayo," sabi nito sa kausap sa kabilang linya. Dahan-dahan kong tinaas ang dalawa kong kamay. Parang gusto kong ngumiwi dahil sa ginawa ko. Para kasi akong zombie na may hinahabol para kainin. Diyos ko, sana naman effective dahil mukha akong nakakatawa. Tila naman natigilan ang lalaki na may hawak ng phone. Pinagmasdan lang ako nito habang walang direksyon na naglakad ako. Kinapa-kapa ko pa ang bawat madaanan ko. Magpapanggap akong bulag dahil ito lang ang tanging paraan para hindi nila ako pakinabangan. "A-ano kasi, Big Boss," anito na tila nahirapan sabihin ang sitwasyon ko. Sinulyapan nito ang kasamang lalaki. Sinenyasan nito na lapitan ako. Lumapit ang lalaki sa akin at hinawakan ako ng mahigpit sa braso na ikinangiwi ko. "Bulag ka?" mahinang tanong nito. "O-oo," nangangatal ang labi na sagot ko. Kinakabahan ako na baka hindi maniwala ang mga ito na bulag ako. Huwag din sana ako ibuko ng babaeng kausap ko kanina. Pero sa tingin ko naman ay wala rin siyang alam dahil nahihilo pa ako kanina ng lapitan niya ako. Binalingan ng lalaking lumapit sa akin ang kasama nitong may hawak ng cellphone. Sumenyas ito na bulag ako na agad naman nakuha ng lalaki. Tumikhim muna ito bago tinapat muli ang mouthpiece sa bibig. Katulad ko ay tila kabado rin ito. "May bulag na nakuha ang tauhan natin, Big Boss." Bakas sa mukha nito ang pagkasindak ng bigla itong tumahimik. Parang nakakatakot ang kausap nito. "Sige, Bigg Boss, ipapadala ko kaagad sa inyo," sabi nito at tinapos na ang tawag. Lumapit sa akin ang lalaki. Tinapat nito sa akin ang cellphone at narinig ko na lang ang tunog ng camera. May pinindot ito at tila may hinihintay na mensahe. Narinig ko tumunog ang cellphone nito. Ilang segundo na nakatutok ang mata nito sa cellphone bago binalingan ang kasama. "Ilabas n'yo ang babaeng iyan. Mukhang may pakinabang siya kay Big Boss kahit bulag," utos nito na labis kong ikinabahala. Mukhang napahamak pa yata ako sa pagpapanggap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD