LINDSY
Kanina pa ako hindi mapakali sa loob ng silid na pinagdalhan sa akin. Hindi ko rin alam kung saang lugar ako naroon dahil hindi ako pamilyar sa dinaanan namin.
Hindi na ako nagawang piringan ng dalawang lalaking nagdala sa akin dito tulad ng napapanood ko sa mga kinikidnap dahil ang buong akala nila ay bulag ako. Pero kahit hindi nila ako piniringan ay wala ring silbi dahil hindi ko alam ang lugar na pinagdalhan sa akin.
Kung tama ang nakita ko kanina ay malaking bahay ang pinagdalhan sa akin. O mas tamang sabihin na mansion. Hindi ko na nagawang ilibot ang mata ko dahil baka makahalata ang dalawang lalaki. Ang hirap magpanggap na bulag lalo na at bumungad sa mata ko kung gaano kaganda ang bahay na kinaroroonan ko.
Base sa narinig ko ay pakikinabangan daw ako ng big boss nila. Diyos ko, kaya nga ako nagpanggap na bulag para hindi ako pakinabangan.
"Ano ba itong pinasok mo, Lindsy?" sermon ko sa sarili.
Kung gagawin akong katulong dito, walang problema. Pero paano ko naman gagawin iyon kung nagpapanggap nga akong bulag?
Natampal ko ang sariling noo. Nalintikan na talaga. Paano kaya ako makakaalis sa bahay na ito? Kailangan makatakas ako rito dahil kailangan ako ng lola ko. Baka pinapabayaan na iyon ng tiyahin ko.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama. Naglakad ako patungo sa pintuan ngunit kalauna'y huminto ako. Nakagat ko ang aking ibabang labi at mariing pumikit ng may sumagi sa isip ko. Sa laki ng bahay na ito ay imposibleng walang cctv sa kuwartong ito. At kapag hindi ako nag-ingat, baka ibalik ako sa mga kasama kong babae at ibenta. Mas gugustuhin ko na lang na maging alila sa malaking bahay na ito kaysa ibenta at gawing parausan ng kung sino-sinong lalaki.
Humakbang ako palapit sa pintuan. Kasabay nito ay ang pagtaas ng dalawang kamay ko. Gosh, para na naman akong zombie. Ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay napahinto ako ng makita ko na bumukas ang pintuan.
Then my lips parted as I froze when I stared who stood in front of me. My heart started to beat so fast when I realized who I faced of. Siya lang naman ang lalaking nagnakaw ng unang halik ko. s**t! Totoo ba ito? Ano'ng ginagawa niya rito?
Nakapamulsa siyang nakatayo sa bungad ng pintuan. Nasa likuran nito ang dalawang lalaki na nakasuot ng itim na suit pero, hindi sila ang lalaking nakita ko sa party. Katulad ng una naming pagkikita ay seryoso ang mukha niya. Wala man lang ako mabanaag na kahit anumang emosyon sa mukha niya.
Oh, no! Kaya ba big boss ang tawag sa kanya ay dahil pinuno siya ng mga sindikato? Pero sa unang tingin ay wala sa itsura niya na masama siyang tao. Sabagay, looks can be deceiving.
"Lagot na. Bakit titig na titig ako sa kanya?" pukaw ko sa sarili.
"S-sinong nariyan?" patay malisyang tanong ko at dahan-dahan naglakad palapit sa pintuan o mas tamang sabihin na palapit sa kanya.
Kahit naghuhuramintado na sa kaba ang puso ko ay kailangan ko panindigan ang pagpapanggap. Baka sakaling paalisin niya ako dahil wala naman ako nakikita at hindi ko sila maisusumbong sa mga pulis. Pero syempre, sino naman ang tanga na wala na lang gagawin kapag pinaalis sa lugar na ito? Maraming babae ang nakasama ko kanina. Baka ilan sa mga iyon ay kailangan ng tulong.
"Leave us," puno ng awtoridad na utos niya sa dalawang lalaki.
Narinig ko na rin sa wakas ang boses niya. Hindi naman pala pangit pero hindi ko man lang narinig na nagsalita siya sa party.
Pinigilan kong manlaki ang mata ko ng maalala nagkaharap nga pala kaming dalawa. s**t! Baka makilala niya ako.
Hindi ako nakahuma ng sinara niya ang pintuan at naglakad palapit sa akin. Gustuhin ko man kumilos pero hindi ko na magawa dahil sa lakas ng presensya niya. Titig palang niya ay para na akong matutunaw. Animo'y tumatagos sa kailaliman ng pagkatao ko.
"You said you're blind?" salubong ang kilay na tanong niya ng nasa harap ko na siya.
Tumagos ang tingin ko sa likuran niya para mas effective na hindi ko nga siya nakikita. Ang problema lang ay para akong hamumaharap kay kamatayan dahil tila ang tipo niyang tao ang dapat na hindi niloloko.
"Diyos ko naman, bakit ako nalagay sa ganitong sitwasyon?" lihim kong kausap sa sarili.
Tumango ako bilang tugon.
"Have we met before?"
Nalintikan na. Huwag naman sana niya akong makilala.
"Bulag ako. Paano kita makikilala?" sarkastikong sagot ko.
Hinintay ko siyang sumagot ngunit nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ko. Gusto ko ilipat ang tingin sa kanya para makita ko kung ano ang reaksyon niya pero hindi ko magawa dahil baka mahalata niya ako.
Mayamaya lang ay humakbang siya. Ang buong akala ko ay lalagpasan niya ako ngunit napangiwi ako ng hawakan niya ng mahigpit ang braso ko.
"A-aray! Ano ba? Bakit ka ba na nanakit?" nakangiwing tanong ko at pilit tinatanggal ang kamay niya na nasa braso ko.
"I don't care if you are blind. If I give you an order, you must follow it because you are here in my territory. Don't disobey my rules or I will brake your bones into pieces. Do you understand me?" kalmado ngunit may diin na sabi niya. Puno ng pagbabanta ang bawat salitang binitawan niya.
"Oo, susunod ako. Hindi mo ako kailangang saktan!" matapang kong sagot kahit nanginginig na ako sa sobrang kaba.
Pilit kong winaksi ang braso ko na binitawan naman niya. Kagat ang ibabang labi ay hinimas ko ang bahagi na hinawakan niya. Ngayon pa nga lang ay parang gusto na niyang pilipitin ang braso ko, paano pa kaya kapag hindi ako sumunod?
"Sit down. We have something to discuss," utos niya.
Marahan akong pumihit paharap at nagsimulang maglakad. Syempre, magpapanggap akong bulag habang palapit sa kanya na ngayon ay printe ng nakaupo sa sofa. Para siyang hari kung maupo. Tila siya ang tipo ng tao na hindi mo pwede tanggihan kapag may inutos.
Tinaas ko ang dalawang kamay. Para na naman akong zombie habang naglalakad. Pasimple ko siyang tinapunan ng tingin. As usaul, salubong ang kilay niya at seryosong nakamasid sa akin.
"Ay, bakulaw!" bulalas ko ng tumama ang tuhod ko sa matigas na bahagi sa likod ng sofa. Sa sobrang pagpapanggap ko, hindi ko na napansin ang sofa.
Kagat ang ibabang labi ay himas ko ang tuhod ko. Mas lalo pa nga yata akong mapapahamak sa pagpapanggap ko.
"Do I look like bakulaw to you?" he asked sarcastically.
"Bulag ako kaya hindi ko nakikita ang itsura mo," sagot ko saka kinapa ang sofa at naupo ngunit nanatiling himas ang tuhod na nasaktan.
Wala ako pakialam kung naiintindihan niya ako o hindi. Pero mukhang nakakaintindi naman siya ng tagalog dahil naintindihan niya ang salitang bakulaw.
"Wala ka bang ibang idadahilan sa akin kung 'di ay bulag ka?"
Marunong nga magtagalog ang bakulaw na ito.
"Bulag naman talaga ako. Ano ang gusto mong idahilan ko? Pipi ako kahit nagsasalita naman ako?" pamimilosopo ko.
Narinig ko ang mariing pagmumura niya. Nang tapunan ko siya ng tingin ay madilim na ang mukha niya at matiim ang tinging pinupukol sa akin. Pinaparating ng tingin niyang iyon na wala akong karapatan na sagot-sagutin siya ng pabalang.
"Do you know who are you talking to?"
"Oo naman–" Bigla akong natigilan. Kilala ko talaga siya. Siya ang VIP guest sa Golden Crowne Hotel. Siya si Mr. Ravi Theodore Zaxton, ang lalaking nagnakaw ng unang halik ko. Pero kailangan ko magpanggap na hindi ko pa siya nakikita at kilala. Baka mabuko ako.
"Ikaw si Big Boss, tama ba? Iyon kasi ang narinig ko," paglilihis ko sa unang sinabi ko.
"Good to hear that from you."
"Mga sindikato ba kayo?" walang preno ang bibig na tanong ko.
"First rule, no asking questions. In this house, I am the only one who has the right to ask," tiim bagang na wika niya.
Kulang na lang ay para akong kuting at ito naman ang tigre na handa akong sakmalin anumang oras. Gusto ko lang naman malaman kung nasa kamay ba ako ng masamang tao o hindi. Pero mukhang impyerno ang kinasadlakan ko dahil itsura pa lang niya ay wala siyang awa.
Tinikom ko na lang ang bibig ko saka yumuko. Para akong bata na pinagalitan ng magulang.
"Second, you will follow everything I say and I won't take no for an answer. If you don't follow me, I'm sure you won't like what comes next."
Diyos ko, puro na lang siya pagbabanta. Mukhang ang tipo niya ang hindi marunong magbiro.
"Do you understand me, miss…"
Tinatanong ba niya kung ano ang pangalan ko? Bakit hindi niya alamin? Mukha namang kaya niyang gawin iyon.
Nang biglang sumagi sa isip ko na kapag pinaimbistigahan niya ako, baka malaman niya na hindi ako bulag.
"Tawagin n'yo na lang akong Sy."
"Sy? That's it?"
Tumango ako.
"What is your last name?"
Wala naman siguro masama kung sasabihin ko rin iyon. Hindi naman siguro niya pagkakaabalahan na paimbistigahan ang isang tulad ko. O kaya ang last name na lang ng mama ko ang gagamitin ko. Tama. Kay mama na lang.
"Aragon. Sy Aragon."
Sandali siyang natahimik. Ilang segundo napuno ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Mas lalo nakakakaba ang pananahimik ng lalaking ito. Pakiramdam ko ay may kakaibang tumatakbo sa isip niya kapag tahimik siya.
"Okay then, stand up," basag niya sa katahimikan.
Nag-angat ako ng mukha. Kahit naguguluhan ay tumayo ako.
"Now, dance."
Natigilan ako sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Pinapasayaw niya ako?
"H-hindi ako maru–"
"I don't f*****g care, lady. Just do what I say," mariing utos niya.
Gosh. Ano itong pinasok ko?
Nagsimula akong gumalaw. Kasabay ng pagpikit ko ang pagpatak ng luha ko. Kanina lang ay ang tapang ko pero nawala ang lahat ng iyon dahil sa takot na naramdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay hindi na ako makakatakas sa sitwasyong ito. Mukha ngang myembro siya ng sindikato. Nababalutan lang siya ng magandang imahe pero ang loob niya ay puno ng kasamaan.
Natigilan lang ako ng hawakan niya ako ng mahigpit sa braso dahilan para magmulat ako ng mata. Para akong tinulos na kandila dahil hindi ko magawang kumilos sa kinatatayuan ko. Nasa harap ko na pala siya ng hindi ko namamalayan
Napasinghap ako ng hapitin niya ako sa baywang. Hindi ko tuloy naiwasan na pasadahan ng tingin ng malapitan ang mukha niya.
"Next time, dance properly. Pagbibigyan kita ngayon pero oras na kailangan ko ang serbisyo mo, siguraduhin mo lang na bibigyan mo ako ng magandang performance. Kapag hindi ako na satisfy sa sayaw mo, humanda ka na sa magiging kabayaran," bulong niya sa akin na nagpataas ng balahibo ko sa buong katawan saka marahas na binitawan ako dahilan para mapaupo akong muli sa sofa.
Ilang segundo pa rin siyang nakatayo sa harap ko. Ako naman ay tahimik na umiiyak. Nawawalan na ako ng pag-asa na makakatakas pa ako sa lugar na ito. Lola ko pa rin ang inaalala ko sa mga oras na ito.
"Hindi mo ako madadaan sa pag-iyak mo, miss. Kanina lang ang tapang mong sagot-sagutin ako. What happened to you now? Are you afraid of me now, huh? Kung akala mo ay pakakawalan kita dahil bulag ka, in your dreams dahil mabubulok ka na sa teritoryo ko. If you don't want your life to be hell, follow my orders," puno ng pagbabanta niyang wika.
Paalis na siya ng hawakan ko ang kamay niya saka dahan-dahang lumuhod sa harap niya. Sa tanang buhay ko ay hindi ako lumuhod kanino man. Maging ng iwan ako ng magulang ko sa lola ko ay hindi ako nagmakaawa sa kanila para huwag nila ako tuluyang iwan. Alang-alang sa lola ko at kalayaan ko, gagawin ko ang bagay na ito.
"K-kailangan ako ng lola ko. Ako na lang ang pamilya niya. Baka pabayaan siya ng tiyahin ko. Hahayaan kitang gawin ang gusto mong gawin sa 'kin, hayaan mo lang akong makausap ang lola ko,"
nakikiusap na sabi ko rito.
Hinintay ko siyang magsalita. Ilang segundo ang nakalipas ay nanatili siyang tahimik. Hanggang sa marahas niyang winaksi ang kamay niya na hawak ko dahilan para mawala ako sa balanse. Mabuti na lamang ay mabilis kong naitukod ang dalawang kamay ko sa carpet.
"Do you think I'm stupid? Kahit umiyak ka pa ng dugo, hindi kita pagbibigyan. Mali ka ng taong pinapakiusapan," malamig na saad niya.
Pagkatapos niya iyon sabihin ay lumabas na siya ng silid. Naiwan akong humahagulgol na ng iyak.