LINDSY Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa balat ko. Nakabukas ang gawa sa kahoy na bintana kaya pumasok ang liwanag sa loob ng silid na kinaroroonan ko. Kumilos ako ngunit napangiwi lang ako ng maramdaman ko ang kirot sa pagitan ng hita ko. Kahit may iniindang sakit ay bumangon ako sa higaan. Napahawak ako sa ulo ko dahil maging ito ay sumigid ang kirot. Naparami yata ang inom ko kaya sumakit ang ulo ko. Binalot ko ang kumot sa katawan ko bago nilibot ang tingin sa loob ng silid. Nasaan kaya siya? Malalim akong napabuntong-hininga. Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari ng nagdaang gabi. Ang naalala ko lang ay ang dalawang beses na pag-angkin sa akin ni big boss. Ang hindi ko lang matandaan ay kung may sinabi ba ako sa kanya. May sinabi nga ba ako? Marahan kong pinilig

