LINDSY Hinintay ko siyang sumagot. Pilit kong binabasa ang reaksyon niya pero wala akong mabanaag kung 'di palaisipan na naman sa akin ang pinapakita niyang reaksyon. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin habang palipat-lipat ng tingin ang mga mata niya sa dalawang mata ko. Kinabahan ako sa pananahimik niya. Nakagat ko ang aking ibabang labi at nagsimulang mangilid ang luha ko sa mata. Ito na nga ba ang ikinakatakot ko, ang malaman niya na niloloko ko lang siya which is ayaw niya sa lahat ang manloloko. "K-kung parurusahan mo ako dahil sa pagsisinungaling ko, sige lang. Pero gusto kong malaman mo na may dahilan ako kung bakit ako nagpanggap. Natakot ako na baka isama ako ng mga dumukot sa 'kin sa mga babae na ibenta kaya nagpanggap akong bulag para na rin hindi ako mapakinabangan. Pe

