LINDSY Muntik na akong mawala sa katinuan dahil lumalim ang halik niya. Kaya naman ako na ang kusang tumigil. Kahit kapos sa paghinga ay nginitian ko siya. Awtomatikong dumapo ang daliri ko sa labi niya at tinanggal ang naiwang lipstick ko. "I just want to say good morning, hubby," matamis ang ngiti na sabi ko at sinigurado kong maririnig ng bruhildang si Beatrice na nasa likuran ko. "Same here, my wife," tugon niya na mas matamis pa ang ngiti na binigay sa akin. Tila tuwang-tuwa pa sa ginawa ko. Hindi ko na siya sinagot. Nang pumihit ako paharap kay Beatrice ay halata sa mukha nito na hindi nagustuhan ang ginawa ko. Kahit hindi ko gusto ang pinakita niyang reaksyon lalo na ang presensya niya dito sa loob ng opisina ni Ravi, pilit akong ngumiti kahit peke. "Good morning, Bea. Wh

