LINDSY Hinintay ko siyang sumagot. Nagpatuloy lang sa pagdaloy ang luha niya habang nakatingin sa akin. Hindi ako nakatiis ay binalingan ko si papa. Nagtatanong ang tingin na pinukol ko rito. "A-ano'ng ginagawa niya rito, 'pa? B-bakit nandito s'ya?" "G-gusto ka makausap ng ma–" "No!" mariing tutol ko. Bakit hindi pa niya ginawa noon? Bakit ngayon pa kung kailan nakalimutan ko na ang lahat? "Lindsy!" Binalingan ko si Lola Ason. "Gustong itama ng ina mo ang pagkakamaling ginawa niya. Bigyan mo siya ng pagkakataong magpaliwanag." "Hindi na kailangan, 'la. Pinaliwanag na ni Papa sa akin ang lahat. Nakalimutan ko na rin kaya wala na siyang dapat na ipaliwanag pa sa akin," walang emosyon na sabi ko. Gusto ko iparamdam na wala na halaga ang pagpapakita niya at kahit magpaliwanag pa si

