LINDSY Pagkatapos kumain ay siya na ang nagligpit ng pinagkainan naming dalawa. Ako naman ay tinungo ang silid niya at dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos ay tinungo ko ang closet niya para kumuha ng boxer short at t-shirt para ito ang isuot ko. Pagkatapos ko magbihis ay muli akong lumabas. Busy pa rin siya sa kusina kaya sa sala ko siya hinintay. Binuksan ko ang television at naghanap ng channel. Nakakita ako ng movie kaya ito ang pinanood ko. Napangiti ako ng yakapin niya ako mula sa likuran. Inamoy pa niya ang buhok ko saka dinampian ng halik ang ulo ko bago tinungo ang silid niya. Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas na siya. Pinatay niya ang ilaw sa sala bago tumabi ng upo sa akin. Kinabig niya ako palapit sa kanya saka hinilig ang ulo ko sa balikat niya at pinagsalikop ang

