LINDSY Pagkatapos ko magbihis ay kumain na ako. Binaliwala ko na lang ang kakaibang nararamdaman ko dahil sa narinig ko mula kay Manang Lusing. Nasa loob pa rin ito ng silid at naglilinis. Patapos na akong kumain nang biglang may pumasok sa isip ko na dapat kong itanong kay manang. Binalingan ko siya habang nasa balkonahe ito at nagpupunas ng salamin ng sliding door. "Manang," pukaw ko sa atensyon nito. "Bakit?" "Alam n'yo ho ba na may pumasok na lalaki dito sa silid kagabi habang wala si Ravi?" Tumigil ito sa ginagawa at binalingan ako. "Oo. Kasama ako sa kinausap ni Sir Ravi tungkol sa nangyari," sagot nito at muling binalik ang atensyon sa ginagawa. "Nakita ko ho ang ginawa niya kagabi, manang. Pinahirapan niya ang lalaking pumasok dito. At sigurado rin akong pinatay niya i

