LINDSY Marahan akong kumilos. Nang magmulat ako ng mata, kahit nanlalabo pa ang paningin ay pinilit kong inaninag kung nasaan ako. Pero dahil hindi ko pa malinaw na nakikita ay pupungas-pungas at dahan-dahan akong bumangon dahil nakakaramdam pa ako ng pagkahilo. Kinurap-kurap ko ang mata ko at muling nilibot ang tingin sa apat na sulok ng silid. Gayon na lang ang panlalaki ng mata ko at napatutop ako sa bibig ng mapagtanto ko na hindi ito ang silid ni Reece. Ibig sabihin ay hindi panaginip ang nangyari ng nagdaang gabi. "Hindi!" bulalas ko. Mabilis akong umalis sa higaan at tinungo ang pintuan. Sunod-sunod na katok ang ginawa ko. Pero ilang minuto ko na itong ginagawa ay walang nagtangkang pumansin sa akin kung sino man ang nasa labas ng silid. Kahit yata maputol ang ugat ko sa leeg

