LINDSY Maghapon hindi ko nakita si Ravi. Hindi na rin ako umaasa na babalik pa kami sa dati. Pero katulad ng pag-uusap namin ni Manang Lusing, hindi na magbabago ang isip ko. Hahanap ako ng tyempo para makaalis sa bahay na ito kahit mahirap gawin iyon dahil sa mga nakapaligid na tauhan ni Ravi. "Lindsy, kumain ka na. Baka magkasakit ka na niyan. Hindi mo kinain itong dala kong pagkain kanina," pukaw ni manang sa akin ngunit nanatili akong nakahiga. Mabigat ang pakiramdam ko at parang ayoko muna kumilos. Ilang araw na akong ganito, walang ganang kumain. Hindi rin ako nakakaramdam ng gutom at pahapyaw na tikim lang pero madalas ay hindi ko nauubos ang pagkain na laging dinadala sa akin ni manang. Ilang araw na rin akong nakakulong dito sa kwarto. Hindi naman naka-lock ang pintuan pero ma

