LINDSY Biglang nagbago ang lahat sa isang iglap. Ravi's behaviour towards me became cold. I want to talk to him but I feel like he is avoiding me. Walang araw na hindi ko s'ya nakakasama ng matagal sa bahay. Tulog na ako kapag dumarating siya galing trabaho. 'Pag gising ko naman ay wala na siya sa tabi ko. Hindi ko na siya makasabay kumain. Ayoko mag-demand o magreklamo dahil pakiramdam ko ay wala akong karapatan na gawin iyon. Pakiramdam ko ay naglagay siya ng malaking harang sa pagitan naming dalawa. Napapaisip tuloy ako, kung sakaling narinig man niya ang sinabi ko na mahal ko siya, kung hindi ko sinabi iyon, hindi siguro magbabago ang pakikitungo niya sa akin. Pero kasalanan ko ba kung nagsasabi lang ako ng totoo? At hindi ko maiwasan masaktan sa ginagawa niya. Para akong estranghera

