LINDSY Pinili ko na nga ang mapag-isa pero may mga nakita naman akong mga mukha na ayaw ko makita tulad ni Beatrice lalo na ang lalaking nag-utos na patayin ako na hindi ko akalain na kasapi pala sa black leopard. At ngayon naman ay ang iniiwasan kong usok ay langhap na langhap ko at hindi ko alam kung sinong herodes ang nagawang humithit ng sigarilyo dito sa hardin. I sneezed one after another while opening the clutch bag I was holding because my medicine was inside. Mabuti na lamang ay parati ko itong dala in case of emergency katulad ngayon. May napansin akong pares ng paa na lumabas sa likod ng fountain pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lamang ako sa pagbukas ng clutch bag ko na hindi ko mabuksan-buksan dahil maya't maya ang bahing ko. "The hell. Ikaw ba ang naninigarilyo

