Chapter 7

3096 Words
LINDSY His lips moved but I was still like a statue that didn't move because I didn't expect him to do this. Akala ko ba ay hindi siya interesado sa akin? Bakit basta na lang niya ako nakawan ng halik ng hindi man lang nagpapaalam sa akin? Namimihasa na siya. Kahit pa sabihin nagpapanggap lang akong bulag at wala akong kalaban-laban ay gagawin na lang niya ang gusto niya. Nang magsawa siya sa labi ko ay bahagya niyang nilayo ang mukha sa akin at mataman akong tinitigan. Para niyang binabasa kung ano ang nasa isip ko. "I'll teach you to kiss next time. Just prepare yourself because I might teach you more than just a kiss, Sy." Tumuwid siya ng tayo. "And I'll just remind you that it only takes one wrong move of yours, if I don't kill you, expect that I will kill the people here who are watching over you. You don't want someone to die because of your stubbornness, don't you?" paalala niya na may kasamang pagbabanta. "Hanggang kailan mo ako tatakutin at pagbabantaan? Wala akong kakayahan tumakas sa kalagayan kong ito. Hindi mo nga ako pinapalabas dito sa kwarto, ang tumakas pa kaya? Hindi rin ako nakakalimot sa mga sinabi mo. Mahal ko pa ang buhay ko kaya kahit nababagot na ako ay mananatili ako rito," seryosong sabi ko. Mas maganda ng maging prangka ako. Baka mabaliw ako kung hindi ko sasabihin ang gusto kong sabihin. Bahala na siya kung parurusahan niya ako. Wala na akong pakialam. "Good." Muli siyang yumukod at nilapit ang mukha sa akin. "I like how you answer me. Just be nice, Sy. That's all I want you to do." Hindi ko na nagawa magprotesta ng hagkan na naman niya ako sa labi. Pero hindi pa pala siya nakuntento dahil pati leeg ko ay dinampian niya ng halik at bahagya pa niyang kinagat. Hindi na ako nakasagot nang umalis na siya sa harap ko. Narinig ko na lang ang pagbukas ng pintuan at pagsara. Nagbuga ako ng hangin at huminga ng malalim. Nakahinga man ako ng maluwag dahil wala na siya sa paningin ko ay saka ko lang napagtanto na sobra palang bilis ng t***k ng puso ko. Ilang beses pa ako huminga ng malalim at nagbuga ng hangin. Kinalma ko ang sarili ko at ang puso ko. Bigla-bigla na lang kasi nagwawala. Ngayong mag-isa na lang ulit ako sa malaking kwarto na ito ay hindi ko pa rin magagawa ang gusto ko dahil baka may mga hidden camera dito sa loob na naka-konekta sa cellphone niya. Sumagi bigla sa isip ko ang lola ko. Sobra na akong nag-aalala sa kalagayan niya. Wala akong contact sa kanya. Nasa bag ang phone ko pero hindi ko na alam kung nasaan na ito. Sa daming nangyari sa akin ay hindi ko maalala kung saan ko nailagay ang bag ko. "I-I'm sorry, lola, wala ako sa tabi mo. H-hindi ko alam kung hanggang kailan ako rito. S-sana hindi ka nila pinapabayaan." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko nang sambitin ko iyon. Tahimik na lang akong umiyak yakap ang dalawang tuhod ko. Wala na siguro pag-asa na makaalis pa ako sa lugar na ito. Kapag tinuloy ko ang plano ko na tumakas, baka hindi ako makalabas ng buhay sa bahay na ito. Baka mas lalong wala ng pag-asa na makapiling ko ang lola ko. Ilang minuto rin akong umiyak. Natigil lang ako ng bumukas ang pintuan. Nang sulyapan ko ay ang may edad na babae ang pumasok at may dalang tray na may pagkain. Nilagay lang niya sa kama ang tray at binalingan ako. Bakas sa mga mata nito ang awa sa akin. Nagkaroon ako ng pag-asa na baka nagbago ang isip niya. "Kayo po si Manang Lusing, tama po ba?" Tumango siya bilang sagot. "Gusto ko po kumustahin ang lola ko, Manang Lusing. Kahit makausap ko lang s'ya sandali. Tulungan n'yo po ako na makausap ang lola ko," muling pakiusap ko. Mataman lang niya akong tinitigan. Sana maawa siya sa 'kin. Kailangan ko lang malaman ang kalagayan ng lola ko. Sobra na akong nag-aalala sa kanya. Ilang segundo na ang nakalipas pero buntong-hininga lang ang narinig ko mula sa kanya. At sa ikalawang pagkakataon ay bigo naman akong pakiusapan siya dahil lumabas ito na walang binitawang salita. Tinakpan ko na lang ng dalawang kamay ang mukha ko saka humagulgol ng iyak. Bakit ba ito nangyayari sa akin? Hindi naman ako masamang tao para parusahan ng ganito. Nang humupa na ang emosyon ko ay pinilit kong kumain kahit wala akong gana. Kapag hindi ko ito ginawa ay baka mas lalo lang na hindi ako makaalis dito dahil wala akong lakas. Pagkatapos ko kumain ay sakto namang dumating si Manang Lusing. Nilagay muna niya sa bedside table ang tray at naupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at binuksan ang dala niyang medicine kit. Marahil ay sinabi sa kanya ni big boss na nasugatan ako. "Kahit ilang beses ka humingi ng tulong sa 'kin, hindi talaga kita matutulungan, hija. Matagal na ako rito at alam ko kung ano mayroon ugali si Sir Ravi. Hindi mo gugustuhin kapag sinuway mo siya. Kung ako sa 'yo ay sumunod ka na lang sa mga pinag-uutos niya para makuha mo rin ang gusto mo. Magpakabait ka lang sa kanya," payo niya sa akin habang ginagamot ang sugat ko. Pareho sila ng sinabi ni big boss, magpakabait lang daw ako. Mukha ba akong pasaway sa paningin nila? "Ang sabi n'yo po ay ayaw niya ng may nagpapanggap sa bahay niya. Ano po ang ibig ninyong sabihin?" pag-uusisa ko. Pakiramdam ko kasi ay may malalim na dahilan kung bakit sinabi nito iyon. Sa totoo lang ay hindi ako interesado kay big boss lalo na at pinakitaan na kaagad ako nito ng masamang ugali pero nagkaroon ako ng interes sa sinabi ni Manang Lusing na galit si big boss sa mapagpanggap at gusto ko malaman ang dahilan. "Kung ako sa 'yo, ineng, huwag mo na tanungin at huwag mo nang tangkain na panghimasukan ang buhay ni Sir Ravi. Ayaw niyang may nakikialam sa buhay niya. Ayaw niyang kinukwento ang buhay niya sa iba. Itikom mo na lang ang bibig mo dahil baka ikapahamak mo pa iyan," pagbibigay babala niya bago tumayo ng tapos na niyang lagyan ng bandage ang sugat ko. "Bakit hinahayaan n'yo po na sigawan niya kayo? Kahit pa sabihing siya ang amo n'yo rito, wala siyang karapatan na sigawan kayo. Respeto na lang ho sana ang ibigay niya sa inyo dahil mas matanda kayo kaysa sa kanya," pagbubukas ko ng paksa sa narinig ko ng nagdaang gabi. Bakas sa mukha nito ang rumihistrong sakit at lungkot pagkatapos ko iyon sabihin. Bakit pakiramdam ko ay may nangyari sa bahay na ito kaya ganito na lang ang emosyon na pinakita ni Manang Lusing ng banggitin ko ang nangyari ng nagdaang gabi? "Hindi ko masisisi si Sir Ravi kung wala na siyang respeto sa 'kin. Kasalanan ko naman," malungkot niyang turan. Kinuha na niya ang tray sa bedside table at lumabas na ng silid. Napabuntong-hininga na lang ako ng wala na ito sa paningin ko. Napaisip ako sa sinabi ni Manang Lusing. May kakaiba nga sa bahay na ito. Kung ano man iyon ay hindi ko na siguro dapat malaman. Tama ito, huwag ko ng panghimasukan ang buhay ni big boss dahil baka ikapahamak ko pa. Nilibot ko ang tingin sa loob ng silid. Maganda at malaki ang kwarto pero kahit gustuhin ko man libutin ay wala akong gana. Kaya nahiga na lang ako hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng ginising ako ni Manang Lusing para kumain. Wala yata akong ibang gagawin rito kung 'di kumain nang kumain. Pagkatapos ko kumain ay tinungo ko ang balkonahe. Bahala na kung may hidden camera man dito. Nababagot na ako at kailangan ko na rin sumagap ng sariwang hangin. Muntik na akong mapanganga sa nakita ko dahil magandang tanawin ang tumambad sa mga mata ko. Mukhang nasa tapat ng hardin ang kwarto ni big boss. Kaya pala iba ang amoy na nalalanghap ko dahil nagmumula iyon sa mga bulaklak na narito. Bukod pa doon ay tanaw mula rito ang luntiang tanawin at nagtataasang bundok. Napapaisip tuloy ako kung saang lugar nakatayo ang bahay niya. Pumikit ako at sumagap ng sariwang hangin. Samantalahin ko habang wala siya. Hindi ko ito magagawa kapag nandito siya. Ilang minuto rin ako namalagi sa balkonahe. Dahil siguro sa ihip ng hangin ay nakaramdam ako ng antok kaya naman ay tinungo ko na ang kama. Gusto ko sana makinig ng music katulad ng nakasanayan ko pero mukhang wala man lang stereo rito. Hindi yata mahilig makinig ng music ang lalaking iyon. Hindi rin ako pwede manood dahil baka bigla siyang dumating. Pinili ko na lang ipikit ang mga mata ko at ilang sandali lang ay ginupo na ako ng antok. Pagmulat ko ay muntik na akong magulat dahil nakatayo siya sa harap ko. At nagpapasalamat ako dahil may suot siya. Kung nagkataon na nakahubad na naman siya ay alaga talaga niya ang tatambad sa mga mata ko. Tumalikod ako ng higa sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang tray ng pagkain sa bedside table. Napahimbing yata ang tulog ko kaya hindi ko man lang napansin na pumasok si Manang Lusing. Sana ginising na lang ako. Kinakabahan tuloy ako na baka ginawa na ni big boss ang sinabi kaninang umaga. Nagdadalawang-isip ako kung babangon ba ako. Pa'no ko naman malalaman kung may pagkain na eh, bulag-bulagan nga ako. "I know you're awake. Eat your dinner. Isa pa, hindi ka pa naliligo. Halata sa suot mo." Napakagat labi na lang ako dahil sa sinabi niya. Oo nga pala, sa dami naman ng makakalimutan ko, ang maligo pa. Mahihirapan na naman akong kumilos nito lalo na at nandito na siya. Kakapit na naman ako sa salitang 'bahala na'. Bumangon ako. Tutal, nandito na rin naman siya, bakit hindi siya ang magbigay sa akin ng pagkain. Ano ba ang malay ko kung may pagkain na dito sa kwarto o wala pa kahit alam ko naman. "May pagkain na ba?" "Yeah. Ikaw na lang ang hinihintay," sarkastikong sagot niya. Sumimangot ako. Kararating lang niya, kasungitan agad ang sinalubong sa 'kin. "Pakikuha." Huli na para bawiin ang inutos ko. Bahala siyang pagsilbihan ako. Kasalanan niya kung bakit nasa ganito akong sitwasyon. Lihim akong ngumiti ng tagumpay dahil kinuha nga niya ang tray at dinala sa tabi ko. Ngunit kalaunan ay binawi rin nito. Hindi ko tuloy napigilan mag-salubong ang kilay ko. "Huwag ka kumain d'yan. Baka matapunan ang higaan. Dito ka sa center kumain," aniya. Wala na ako nagawa kung 'di umalis sa kama. Baka sa sobrang pagpapanggap ko na naman ay matapon nga ang ulam. Mukhang masarap pa naman. Sayang kung matatapon lang din naman. Pakapa at marahan akong maglakad. Nagulat na lang ako nang hawakan niya ako sa kamay at inalalayang maupo sa sofa. Kahit paano ay hindi na siya marahas ngayon hindi katulad kaninang umaga. Inayos niya sa glass table ang pagkain. Sana lang ay pagkatapos niya dito ay umalis na siya sa harap ko para makakain ako ng maayos. "Huwag ka magtira ng pagkain," bilin niya saka ako tinalikuran. Inikutan ko lang siya ng mata. Pagkatapos ay wala akong inaksaya na oras. Kumain ako sa abot ng makakaya ko dahil kapag lumabas siya sa banyo kung saan siya pumunta ay tapos na naman ang pagpapanggap ko. Halos mabilaukan na nga yata ako sa pagmamadali ko. Nang mapansin ko na ang prisensya niya ay muli akong nagpanggap. "You are not obviously hungry. You eat fast," puna niya. Muntik na akong mapangiwi. Kung alam lang niya na halos mabilaukan na ako sa pagmamadali ko na huwag niya ako makitang kumakain. "Kumain ka na?" tanong ko. Baka pati iyon ay bawal din. "I have eaten outside." Napangiti ako. At least, sumagot siya ng matino. "May extra toothbrush ka? Kahapon pa ako hindi nagto-toothbrush," walang pagdadalawang-isip na tanong ko. Totoo naman talaga. Kaya nga nagtaka ako kung bakit nagawa pa niya akong halikan kanina samantalag hindi pa ako nagto-toothbrush. "O, ano ka ngayon? Bahala ka mandiri," pilyang sabi ng bahagi ng utak ko. "What I bought from you is complete. I'll just put it out there." Hindi na ako sumagot dahil inubos ko na ang pagkain ko. Pagkatapos ko uminom ng tubig ay tumayo na ako. Nang mahagip siya ng mata ko habang abala sa pagpupunas ng buhok ay nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman ay may suot na siya ngayon. Iyon nga lang ay naka-boxer lang siya at walang suot na damit. At hindi maiwasan ng mata ko na pasadahan ng tingin ang katawan niya. Ngunit agad din ako nag-iwas ng tingin ng balingan niya ako. "Are you done?" Tumango lang ako bilang sagot. Tinungo nito ang closet at paglabas nito ay may dala na ito. Lumapit siya sa akin at inabot ang toothbrush. Hinintay ko na i-abot ang hawak niyang damit pero hindi niya sa akin binigay kaya naka-stretch pa rin ang kamay ko para ipahiwatig sa kanya na hinihintay ko siyang ibigay sa akin ang isusuot kong pantulog. Ngunit ngalay na yata ang braso ko ay hindi pa rin niya binibigay ang pantulog ko. "Nasaan ang damit ko? Sa banyo ako magbibihis," sabi ko rito dahil mukhang wala itong balak ibigay ang isusuot ko. "I won't give it to you. This is where you get dressed." Napaawang na lang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi na ako sumagot dahil alam ko na hindi naman siya magpapatalo. Sa may closet na lang niya ako magbibihis. Baka iyon ang nais niyang ipakahulugan. "Ihatid mo na lang ako sa banyo," utos ko na naman. Kitang-kita ko kung pa'no mabilis na nagsalubong ang kilay niya. Ang sarap niya inisin. U-utusan ko siya hanggang sa maubusan siya ng pasensya sa 'kin. "I am the only one who has the right to command at this house," sabi niya. Sumimangot ako at tinalikuran na siya. Bulag nga ako, wala ba siyang utak para hindi niya makuha ang ibig kong sabihin? "Fine," bulong ko. Ngunit muntik na akong tumili ng hawakan niya ako sa kamay at hilahin patungong banyo. Tinimpla niya ang tubig pagkatapos ay saka ako hinarap. "Call me when you're done," sabi niya saka ako tinalikuran. Hindi ko naman maiwasan sumilay ang ngiti sa labi ko. Marunong naman pala siyang sumunod. Hindi naman mababawasan ang ego niya bilang lalaki kung susundin niya isa sa utos ko. Ilang minuto lang ay tapos na ako. Hindi naman kasi ako katulad ng iba na halos abutin ng isang oras dahil kung ano-ano pang mga seremonyas ang ginagawa kapag naliligo. Binalot ko na ang katawan ko ng tuwalya. Hindi ko na tinangkang tawagin siya. Kaya ko na kahit wala ang tulong niya. Nang makita ko siya ay blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi siguro niya nagustuhan ang ginawa ko na hindi ko siya tinawag tulad ng sinabi niya. Nang malapit na ako sa kanya ay inilahad ko ang kamay ko para i-abot sa akin ang isusuot ko. Nangunot ang noo ko nang umalis siya sa pagkakaupo mula sa kama at lumapit sa akin na walang dalang damit. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palapit sa kama. Naupo siya ngunit hinayaan niya akong nanatiling nakatayo. Dinampot niya ang lotion na nakapatong sa kama at naglagay sa kamay niya. Hinila pa niya ako dahilan para mapunta ako sa pagitan ng mga hita niya. Hanggang sa dahan-dahan nang pinasadahan niya ang braso ko ng palad niya na may lotion. "K-kaya ko naman iyan," utal kong wika. Nagsimula nang manginig ang katawan ko. Kakaiba ang hatid ng bawat haplos niya sa katawan ko at hindi ko ito nagugustuhan. "Yeah, I know." Tapos na niya ang isang braso ko bago siya lumipat sa kabila at ito naman ang pinahiran niya ng lotion. Nang tapos na siya ay napasinghap ako ng nilapit pa niya ako habang hawak ang bewang ko. "Sit down, Sy," kalmado na utos niya. Sumunod ako dahil inalalayan niya akong maupo sa kama. Kagat ang ibabang labi ay yumukod siya para kunin ang isang paa ko at ipatong sa kama. Awtomatikong gumalaw ang isang kamay ko para takpan ang alam kong makikita niya. Sa iksi ng tuwalyang nakabalot sa katawan ko, lumihis ito paitaas kaya kitang-kita ang p********e ko. "You don't need to cover it. I have seen that already and touched it," nakangisi niyang wika habang nagsimula nang humagod ang kamay simula sa binti ko hanggang hita. Pero hindi ko siya sinunod dahil nanatiling nakatakip ang kamay ko sa p********e ko. Nang tapos na siya ay ang isa ko namang paa ang pinatong niya sa kama. Hindi ko na napigilan pumikit ng dumiretso ang kamay niya hanaggang singit ko. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang palabasin pero sa tingin ko ay sinasadya niya gawin iyon. "How do you feel when I caress your soft and warm body, Sy? Do you like it?" he seductively asked. "Huwag mo ako tanungin ng ganyan, big boss. Alam mong hindi ko gusto ang ginagawa mo at kahit tumanggi ako ay hindi ka papayag," nakataas ang kilay na sagot ko. Napamulat ako ng mata ng marinig ko siyang tumawa. Ngunit sa isang iglap lang ay hindi ko na iyon nakita sa mukha niya. Seryoso at blangko ang mukha na abala lang siya sa paglalagay ng lotion sa binti ko. Nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong-hininga. Imposibleng guni-guni ko lang iyon. Sigurado ako at malinaw kong narinig na tumawa siya. Pakiramdam ko ay ayaw niya ipakita sa iba na masaya siya. Tila may pumipigil sa kanya. "Done." Binitawan na niya ang binti ko at seryoso akong tinitigan. "Now, stand up." Tumayo naman ako. Nanlaki ang mata ko ng akma niyang tatanggalin ang nakabalot na tuwalya sa katawan ko. "A-ano'ng ginagawa mo?" kinakabahan kong tanong. "Isn't it obvious? I'll help you get dressed." Awang ang labi na tinitigan ko siya. Sa kinikilos niya ay nakakalimutan kong bulag ako. Pero gusto ko iparating na hindi ko gusto ang ideya niyang iyon. May sarili akong mga kamay at hindi ako lumpo para bihisan niya ako. "I-ibigay mo na lang sa 'kin ang damit, ako ang magbibihis mag-isa," tanggi ko. "You are the one who said that even if you refuse, I will still insist on what I want. So if you don't mind, let me help you to wear your sexy sleepwear," nakangisi niyang turan. Saka ko lang napagtanto nang makita ko ang sexy sleepwear na tinutukoy niya. Lingerie for pete's sake ang ipasusuot niya sa 'kin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD