LINDSY "N-nagbibiro ka lang, hindi ba?" tanong ko habang mahigpit na hawak ang tuwalya. Ayaw ko itong bitawan dahil oras na gawin ko iyon ay tiyak akong sa isang iglap lang ay tatanggalin niya ito sa pagkakabalot sa katawan ko. "I don't know how to joke, Sy Aragon," he answered in a cold voice. Humakbang ako paatras ngunit nahigit ko ang hininga ko ng pigilan niya ako at hinapit ako sa bewang. Kinabig niya ako palapit dahilan para lumapit ang katawan ko sa kanya. Kahit hindi ko siya tingnan ay alam kong nakatingala siyang nakatingin sa akin. At mukhang wala siyang balak na pakawalan ako. "K-kaya ko ng magbihis. A-ako na lang," nanginginig ang boses na sabi ko. "I insist." He held my hand that was holding the knot of the towel. "What are you afraid of? I have seen the whole of you

