LINDSY Napuno ng pag-aalala ang mukha ni Papa ng makita ako. "Come here, my princess." He opened both arms, it was a sign for me to hug him. "P-papa…" Hindi ko napigilan ang sarili na sumugod ng yakap dito at humagulgol ng iyak. Para akong bata na umatungal ng iyak habang yakap nito. Dinaan ko sa yakap at iyak ang pagsusumbong ko. Gustuhin ko mang magsalita ay hindi ko magawa dahil sa pagpapakawala ng emosyon ko. Nadagdagan pa ito ng maramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa likod ko na madalas niyang gawin kapag nagsusumbong ako sa tuwing pagagalitan ako ni mama. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang kalinga ng isang ama pero sa ganitong sitwasyon pa. "I will f*****g kill that bastard for hurting you badly. Pinagkatiwala kita sa kanya pero ganito lang ang gagawin niya sa 'yo? M

