LINDSY Pagkatapos namin kumain ni Papa ay nag-usap kami tungkol sa baby ko. Buong hapon ay iyon ang ginawa namin. Excited siya na makita ang unang apo niya. Nag-iisip na nga siya ng pwede ipangalan dito. Kung ako sana ang tatanungin, gusto ko ang pangalan na nasa isip ko pero dahil tila mas excited pa siya sa aming dalawa, hahayaan ko na ito bigyan ng pangalan ang anak ko. Mabuti na lang, kahit galit ito sa ama ng anak ko, hindi nito dinamay sa galit ang nasa sinapupunan ko. Kilala ko si Papa, kung sino lang ang may atraso rito ay ito lang ang pinagtutuunan niya ng pansin. Pagsapit ng gabi ay umakyat ako sa silid ko na wala pang binibigay na pangalan si papa. Mahirap daw mag-isip lalo na at first time niya. No'ng pinanganak daw kasi ako, si mama ang nagbigay ng pangalan ko. At habang

