LINDSY Hindi ako umasa na babalik si Ravi. Kinumbinsi ko ang sarili na hindi siya ang tao na magagawang bumalik para lang pakiusapan ako na bumalik sa kanya. Baka nabigla lang siya sa ginawa niyang pagsugod ng nagdaang araw. Malaki na rin pinsala na tinamo ng mukha niya sa Papa ko kaya sigurado ako na hindi na siya babalik dito para lang magpabugbog ulit. Pero hind ko maiwasan madismaya at malungkot sa isiping nabigla lang siya, na hindi maluwag sa loob niya ang paghingi ng tawad sa akin at ang gusto niyang bumalik ako sa kanya. Napaigtad ako ng marinig ko ang kulog. Tinungo ko ang balkonahe at tumingala para silipin ang kalangitan. Makulimlim ang langit at tila nagbabadya ng pagbuhos ng ulan base na rin sa pagliwanag dala ng kulog sa kalangitan. Pumasok ako at sinara ang sliding do

