LINDSY Ang sabi ni Papa ay dito raw muna kami sa resthouse magpapalipas ng oras habang hinihintay ang pagdating ng chopper na maghahatid sa amin sa private plane na sasakyan naman namin papuntang Turkey. Doon ako mag-i-stay habang nagbubuntis ako. At baka doon na rin ako for good. Kasama ko naman ang anak ko kaya ayos lang na mag-stay ako ng matagal sa bansang iyon. Basta huwag lang kalilimutan ni Papa na dalawin ako. "Anak, kumain ka muna. Medyo malayo ang byahe natin mamaya," agaw sa atensyon ko ni Papa. Tumango ako at tinungo ang mesa kung saan nilagay ni Papa ang dalang pagkain. "Sino makakasama ko doon, 'pa?" tanong ko ng maupo. "Naghihintay na siya sa 'yo doon. Don't worry, pinay ang makakasama mo at mabait kaya hindi ka mahihirapan makisama sa kanya." Napabuntong-hininga

