Kabanata LX

2054 Words
"Kumain ka muna, Lene," mahinang saad ni Aulora sa kaniyang kaibigan na kanina pa nakatingin sa kabaong ng kaniyang ama. Sila lang dalawa rito sa loob ng lamay. Hindi pa kasi sinasabi ni Lene ang pagkamatay ng kaniyang ama sa kaniyang pangalawang ina. Pati na rin sa lolo at lola niya sa mother side. Hindi rin kasi alam ni Lene kung ano ang sasabihin niya dahil hindi naman niya pwedeng sabihin na kaya namatay si Nickian, ay dahil sinapian ito hindi nagpakamatay. Sigurado siya na kapag sinabi niya 'yun, ay magtataka ang mga 'to. Hindi rin kasi nila alam kung ano ang nangyayare sa buhay ng pamilya ni Nickian. "Sige na, Lene. Kumain ka naman na. Wala ka pang kain simula kahapon. Kailangan mong kumain dahil ayaw ng tatay mo 'yan para sa'yo." Hindi pa rin siya pinapansin ng kaniyang kaibigan. Kaya napabuntong na lang siya. Ano ba ang pwede niyang gawin para mapakain niya si Lene? "Gusto mo bang ako na lang ang magsabi sa mommy mo na wala na ang tatay mo? Pwede ko namang gawin 'yun e. Wala namang problema 'yun. Madali lang 'yun para sa akin. Ang sa akin lang, ay kumain ka muna. Mas magiging masaya ako kung kakain ka." "Hindi mo kailangang gawin 'yun." "Hindi ko gagawin 'yun kung kakain ka na. Kumain ka lang kahit kaunti lang." Kinuha ni Aulora ang kamay ni Lene at inilagay doon ang plato na nilagayan niya ng pagkain. "Pupunta pala rito ang magulang ko dahil nag-aalala rin sila sa'yo. Sinabi ko kasi na hindi ka pa kumakain. Kaya sana bago sila dumating, ay nakakakain ka na. Gusto kong kumain ka dahil nag-aalala ako sa'yo. Hindi naman kasi kita pwedeng pabayaan kita. Kaibigan kita e, ayaw kong nagkakagan'yan," dagdag pa niya. "Iwan na muna kita riyan. Kailangan ko kasing hintayin sa labas ang magulang ko." Nang makalabas siya sa lamay, ay sinilip niya ang kaniyang kaibigan kung kakain ito, pero hindi. Sana naman kumain na si Lene. Ayaw niya na talagang nakikita ang kaibigan niya na ganito. Hindi rin siya sanay sa nakikita niya. Mas gusto niya pang makita na cold sa kaniya si Lene kaysa sa malungkot ito. "Anak," tawag ng kaniyang ina sa kaniya. Nang mayakap nila ang isa't isa, ay malungkot na tinignan siya ng kaniyang ina. "Kumusta si Lene? Kumain na ba siya?" "Hindi pa po." Niyakap din ni Aulora ang kaniyang ama. "May dala kaming mga pagkain. Para makakain kayo ng maayos. Saka baka ayaw naman ni Lene ang mga pagkain na binibigay mo. Siguro 'yun ang dahilan." "Mom, masarap ang pagkain na binibigay ko sa kaniya. Sadyang ayaw niya lang talaga kumain dahil nakafocus siya sa kabaong ng tatay niya." "Hayaan mo na lang muna siya, anak. Kakain din 'yan kapag gusto niya na. Gan'yan talaga ang mga anak kapag namatayan ng magulang. Intindihin mo na lang muna siya." "Tama ang nanay mo, Aulora. Pakinggan mo siya dahil alam niya ang lahat kung ano ang makakabuti sa inyo. Hindi naman hahayaan ni Lene na pati siya ay magkasakit. Nag-iisip lang 'yun ng kung ano-ano." "Kahit hindi pa siya kumakain simula kahapon? Hindi naman na maganda 'yun, Dad." Bumuntong hininga ang tatay niya at hindi na nagsalita. "Ako na lang muna ang bahala sa kaniya, anak." "Mas mabuti nga po, Mom. Kailangan niya rin po kasi ng mga taong magpaparamdam sa kaniya na mahalaga siya. Kailangan niya ng ina." "Ako na ang bahala anak. Alam ko kung ano ang gagawin ko." "Sige po. Thank you, Mom." Tumungo ang nanay ni Aulora at pumasok na sa loob para kausapin si Lene. "Ano ba ang gusto mong mangyare, anak?" "Hindi ko po alam, Dad. Pero may naiisip po ako na baka hindi magustuhan ni Lene." "Ano ba 'yun? Sabihin mo sa akin dahil baka makatulong ako." "Gusto ko po sanang ampunin niyo si Lene." "Mahirap 'yan, anak. Hindi natin alam kung papayag si Lene sa gusto mo dahil baka ayaw niyang magpahawak sa isang pamilya." "Pwede niyo naman pong hindi na siya ampunin. Kupkupin niyo na lang po. Wala na po kasi siyang pamilya na mapupuntahan. Hindi po kasi alam ng lola at lolo niya sa mother side na namatay na ang tatay niya. Wala rin daw siyang balak na sabihan ang mga 'yun dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niyang rason kung bakit namatay ang tatay niya." "Magkaparehas lang ang kupkupin at pag-aampon. Kausapin mo na lang muna ang kaibigan mo dahil baka masamain niya kung malalaman niya na lang na gusto mong ipaampon siya sa amin na hindi niya alam." "Alam ko po 'yun, Dad. Ang ayaw ko lang po kasing umalis na hindi ako napapalitan." "Anak, hindi namin kailangan ng kapalit dahil ikaw lang sapat na sa amin. Alam kong may tungkulin ka dahil may binigay sa'ying kapangyarihan. Naiintindihan ko naman ang ibig mong sabihin. Kahit naman ang Mommy mo, ay hindi ka pa umaalis nalulungkot na siya. Siya naman kasi ang nakakita ng panaginip niya kaya siguro nalulungkot 'yun." "I'm sorry, Dad. Kahit ako wala rin akong magagawa e. Labag po sa loob ko ang umalis sa mundong 'to, pero wala po akong magagawa kung tungkulin kong gamitin sa kabutihan ang kapangyarihan ko. Mahalaga kayo sa akin kaya ayaw ko kayong iwan. Kaya nga po gusto kong ampunin niyo si Lene para kahit papaano, ay mabawasan ang lungkot niyo na wala na ako." "Sapat na sa akin na malaman kong buhay ka, Aulora. Hindi ka naman mawawala habang buhay hindi ba?" "Hindi, Dad. Hanggat kaya ko, lalaban ako dahil gusto ko pa kayong makita. Hindi ko hahayaan na mawala sa mundong 'to na hindi ko kayo nakikita." Niyakap ni Aulora ang kaniyang ama at hinalikan naman ng lalaki ang ulo ng kaniyang anak. Kung hindi sila kilala ng mga tao, ay baka pagkamalan sila na magkasintahan dahil ang sweet talaga nilang dalawa. *** "Iha?" mahinang saad ng nanay ni Aulora nang makapasok siya sa loob ng lamay at makita si Lene. Hindi tumingin sa kaniya ang babae. Kaya tinabihan niya na lang ito sa upuan. "Kung may problema ka, iha. Sabihin mo lang sa akin dahil pumunta kami rito para damayan ka. Alam kong mahirap sa'yo na mawalan ng ama, pero hindi mo naman kailangan pabayaan ang sarili mo. Huwag mong hayaan na habang buhay ka na lang gan'yan." "My father killed my mother." Napalunok ng laway ang babae dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Lene. Hindi niya rin kasi alam na may gano'ng problema ang babae. Ang akala niya, ay maayos ang pamilya nito. Ngayon alam niya na kung bakit seryoso palagi ang mukha ni Lene. Mas lalo niyang naintindihan ang nararamdaman ng babae. "And now my father killed himself. Alam kong hindi siya ang may pakana kung bakit siya nagpakamatay dahil hindi niya naman hahayaan na mawala agad. Alam niyang nandito pa ako. Hindi siya pwedeng mawala o kaya patayin ang sarili niya," dagdag pa nito. Hindi tuloy alam ng babae kung ano ang sasabihin niya. Para siyang nawalan ng sasabihan nang marinig niya ang sinasabi ni Lene. "My father can't kill himself. May dahilan, pero hindi ko pwedeng sabihin sa inyo maliban sa anak niyo, Tita. Alam niya kung ano ang takbo ng buhay ko. Kaya siya lang ang makakaintindi ng problema ko." "May gusto ka bang gawin?" "Hindi ka pa alam. Ang iniisip ko ngayon kung ano ang mangyayare sa buhay ko kapag nailibing na ang tatay ko. Hindi ko alam kung kanino ako kakapit." "Bakit hindi mo na lang sabihin sa lolo at lola mo o kaya sa pangalawa mong nanay? Hindi ba meron ka ng mga 'yun? Alam kong sila ang tutulong sa'yo." "Ayaw ko pang sabihin sa kanila dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko." "Maiintindihan ka naman nila at papakinggan nila ang problema mo dahil apo ka nila." "Hindi rin nila maiintindihan 'yun. Hanggang ngayon kasi, ay hindi pa rin nahahanap ang katawan ng nanay ko. Hindi naman nila alam kung bakit nawala ang katawan niya. Hanggang ngayon pinapahanap pa rin, pero hindi na mahanap. Basta, Tita. Hindi mo po maiintindihan at mahaba po ang kwento kapag sasabihin ko sa inyo. Ayaw ko rin pong magkwento dahil wala pa po ako sa mood." "Huwag mong sisihin ang sarili mo sa pagkamatay ng tatay mo dahil wala ka namang kasalanan. Isipin mo na mahal ka ng tatay mo at madaming nagmamahak sa'yo. Kaya kumain ka na, iha. May dala kaming mga pagkain dito dahil baka ayaw mo ang pagkain na inaalok sa'yo ni Aulora. Iprepare ko lang 'yung pagkain mo para makakain ka na." Nang makaalis sa tabi niya ang nanay ni Lene ay tumayo siya at tinitigan ang kaniyang tatay na nakapikit. ** “Pumunta kami rito para kausapin ka. Hindi para makipagbastusan sa’yo.” “Ang sabi ko, wala akong sasabihin tungkol sa pamilya ko. Ayaw kong pag-usapan ang bagay na ‘yun dahil ayaw ko ng maalala.” “Anak mo ako. Kaya may karapatan akong malaman kung ano ang nangyare sa pamilya mo.” “Anak pala kita?” Pinanood ni Lene ang tatay niya na buksan ang refrigerator at kumuha ng alak sabay binuksan ito. “Kailan kita naging anak?” dagdag pa nito na nagpatahimik kay Lene. ** Doon niya naalala na hindi na pala siya kinilalang anak ng tatay niya, pero wala siyang pakeelam doon. Alam niya naman na nasabi lang ng tatay niya 'yun dahil may pinoproblema ito e. "Kumain ka na, iha." Nahiya na tanggihan ni Lene ang pagkain na inalok ng nanay ni Auloram kaya kinuha niya na 'yun at umupo para kainin. "Buti naman at napag-isipan mo nang kumain. Alam mo bang nag-aalala na ang kaibigan mo dahil hindi ka na raw kumakain simula kahapon. Kung hindi pa pala ako pupunta rito. Hindi ka pa kakain." "Thank you, Tita." "No problem, anak ko. Sige, kumain ka lang diyan nang kumain. Ubusin mo 'yang pagkain mo ahh." Naramdaman niya na umalis na ang babae kaya napatingin siya sa kaniyang pagkain. Sa sobrang dami nito, ay baka hindi niya ito maubos. Bakit ba kasi ang dami nitong maglagay ng pagkain? Mukha ba siyang matakaw kumain? Kaunti lang naman ang kinakain niya e. "Pagkatapos mo pa lang kumain. Maligo ka ah, para naman mabango ka. Merong towel, sabon, shampoo, toothpaste, at toothbrush doon. Nakahanda na rin ang susuotin mong damit. Inasikaso ko talaga 'to para maging kompotable ka sa sarili mo at makapagpahinga," rinig niyang saad ng babae sa loob ng kwarto. Pakiramdma niya tuloy napakahalaga niya at merong taong nag-aalaga sa kaniya. Angs sarap pala sa feeling ng may nag-aalaga. Para kang isang prinsesa. "Maayos na rin pala ang kama na tutulugan mo, iha. Huwag kang mag-alala. Habang natutulog ka, ay kami naman nina Aulora ang magbabantay sa tatay mo. Para naman may pahinga ka hindi ba? Saka hindi mo na dapat intindihin ang nga gastusin dahil nandito naman kami. Mahalaga ka sa amin kaya namin ginagawa 'to." Napayuko si Lene at pinipigilan na hindi mapaluha. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin o ikikilos sa babae. Nahihiya siya. Hindi naman kasi siya dapat ang gumagawa no'n. Dapat ang pangalawang nanay niya o kaya ang totoo niyang nanay, pero parehas kasi silang wala. Naiiyak siya, at gusto niyang ibuhis luha niya, pero parang wala nang lumalabas dahil wala nang luhang laman. "Dad, hindi naman po 'yun ang ibig kong sabihin." Napatingin si Lene sa likod at nakita niya ang kaibigan niya na si Aulora at ang tatay nito. Nainggit tuloy siya bigla dahil buti pa ang kaibigan niya, ay buo pa ang pamilya. Tapos siya wala na. Masaya pa silang lahat. Tapos siya malungkot. Teka bakit ba siya maiinggit? Nandyan naman ang kaniyang sarili oara pasayahin. Hindi niya dapat kailangan ng iba para sumaya. Kailangan niyang masanay na sarili niya na lang ang meron siya. Kailangan niyang masanay mag-isa. At 'yun lang ang naiisip niyang paraan para maging maayos at masaya ang kaniyang buhay. "Ang pangit mo naman, anak. Ayusin mo nga 'yang mukha mo," tumatawang saad ng tatay. "Anong pangit? Magkamukha kaya tayo. Kaya kung pangit ako, pangit ka rin. Kaya huwag mo akong idamay diyan." "Hoy! Kayong dalawa riyan! Tulungan niyo ako rito! Kayong mag-ama talaga! Puro na lang kayo kalokohan. Bilisan niyo rito dahil kailangan nang magpahinga ni Lene!" Nataranta ang mag-ama at agad na tumakbo papunta sa loob ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD