Kabanata LIX

1744 Words
“Ang sarap naman ng buhay ng tatay mo, Lene. Nakakulong lang siya sa kwarto niya tapos bababa na lang siya kapag nagugutom siya,” pabulong na saad ni Aulora habang pinapanood nila sa bintana si Nickian. Nakikita kasi nila kung ano ang ginagawa ng lalaki. Buti na lang at mataas ang bahay na pinasukan nila kaya kitang-kita nila ito. “Magmeryenda muna kayong dalawa mga iha. Alam ko na kanina niyo pa tinitignan ang lalaki na parang baliw diyan,” singit ng matandang babae sa kanila. Siya ang may ari ng bahay. Mabait ito kaya pinapasok agad sila sa bahay, pero ang totoo niyan, ay kaya siya pinapasok ng matanda dahil kilala niya si Lene. Simula kasi nong bata si Lene, ay nakikita na siya ng matanda. Hindi nga lang nito kilala ang tatay ni Lene. Kaya siguro sinabihan niya ang lalaki na parang baliw. “Hindi naman po siya baliw, Lola,” saad naman ni Aulora. “Parang baliw lang naman. Saka matagal ko nang nakikita ang lalaking ‘yan diyan sa kwarto niya. Kinulong niya ata ang sarili niya. Para ngang may problema ‘yan e. Alam niyo ba ‘yung problema na iniwan ng asawa? Ayun parang gano’n ang problema niya ngayon. Gusto ko ngang puntahan ang lalaking ‘yan dahil baka maisip niyang magpakamatay. Kaso ang sabi sa akin ng asawa ko, ay huwag na raw kasi baka may gawin siyang masama sa akin. Kaya natakot ako at pinabayaan na lang siya riyan.” “Kaano-ano niyo ba ang lalaking ‘yan, mga ineng? Saka bakit niyo siya pinapanood? Meron ba siyang ginawang masama? Mga pulis o sundalo ba kayo?” “Naku, Lola. Ang taas naman po ng imagination niyo. Tatay po kasi siya ni Lene. Gusto niya lang pong tignan ang tatay niya.” “Ay tatay mo ba ‘yun, Lene? Birun mo ‘yan? Kilala kita pero hindi ko kilala ang magulang mo. Sorry, nasabihan ko tuloy ng parang baliw ang tatay mo, pero bakit ba siya nagkagan’yan? Naghiwalay ba sila ng nanay mo?” “Lola, huwag na po kayong maging chismosa. Sige ka, magkakaron ka ng ugat sa mukha.” “Ayaw ko ng gano’n. Oh sya iwan ko na kayo. Grabe talaga kayong mga bata kayo. Pinapapangit niyo pa ako. Baka maghanap ng iba ang asawa ko kapag nakita niya na may pagbabago sa mukha ko.” “Matanda na po kayo, Lola. Hindi na po maiisip ng asawa mo na maghanap pa ng iba dahil hindi niya sasayangin ang mga ala-ala at taon na kasama kaniya. Huwag ka pong mag-alala. Napakaganda niyo po.” “Binola mo pa ako. Makaalis na nga ako rito.” Nang makaalis sang matanda, ay ngayon niya lang napansin na nakakaooffend pala ang mga sinabi niya kanina sa matanda. “Kaya umalis ‘yun dahil sinabihan mo siya na matanda,” seryosong saad ni Lene habang pinapanood ang kaniyang ama. “Seryoso ka ba ron? Walang halong joke?” “Oo, ang lahat kasi ng matatanda, ay ayaw masabihan ng matanda na sila. Ang gusto nila, ay ‘yung dalaga pa sila. Kaya naooffend ‘yun sa’yo?” Nataranta si Aulora at kinabahan. Hindi naman niya alam na nakakaoffend pala ‘yun sa mga matatanda. Kung alam niya lang talaga, e ‘di sana sinabi niya bumabata ito. “Kailangan ko siyang puntahan. Hihingi ako ng paumanhin dahil nasaktan ko siya. Hintayin mo ako rito.” Aalis na sana si Aulora sa balcony nang biglang nagsalita si Lene. “Hindi mo na kailangan magsorry dahil galit na ‘yun sa’yo.” “Bakit naman hindi na kailangan? Kaya nga ako magsosorry sa kaniya para hindi na siya magalit sa akin.” “Binibiro lang kita. Kilala ko si Lola, alam ko na hindi ‘yun maooffend dahil matagal ko naman na siyang tinatawag na matanda. Hindi mo na kailangan magsorry sa kaniya dahil sanay na siya ron.” “Pinakaba mo ako ron, Lene. Ang akala ko talaga galit siya sa akin.” Napailing si Lene at pinabayaan niya na lang ang kaibigan niya na may isip ng kung ano-ano. Alam niya pa rin kasi na kinakabahan pa rin ang babae. Habang tahimik silang dalawa, ay biglang tumunog ang cellphone ni Aulora. “Yes, Jasper?” [Pwede na pa lang lumabas na hospital si Mom. Makakapunta ka ba rito?] “Hindi na ako makakapunta. Saka hind ba sinabi ko na ‘yan kay Mommy na hindi ako makakapunta? Gusto niya bang nandiyan ako sa tabi niya kapag nakalabas na siya ng hospital?” [Hindi naman, gusto ko lang sabihin sa’yo na lalabas na si Mom at alam ko naman na hindi ka na makakapunta. Ang sabi nga sa akin ni Mom na huwag ka nang tawagan dahil baka raw busy ka. E gusto ko naman na makausap mo siya bago siya makalabas ng hospital.] “Ibigay mo sa kaniya. Gusto ko rin siyang makausap.” [Sige, ate. Mom, si ate po.] [Hello, anak? Kumusta ka? Lalabas na ako ng hospital bukas. Ang sabi sa akin ng doctor o, ay magaling na ako. Ang kailangan ko lang gawin, ay ang mag exercise araw-araw.] “Buti naman po, Mom. Mag-iingat ka palagi. Huwag niyo akong kalimutang tawagan kapag nakauwi ka na sa bahay ah?” [Walang problema, anak. Mag-iingat ka rin siyan. Huwag mong gayahin ang katangahan ng nanay mo.] Napatawa si Aulora. Nang matapos ang usapan nila, ay binaba na niyanag tawag, “Kumusta raw si Tita?” “Lalabas na siya mamaya at ang kailangan lang daw niyang gawin , ay ang magpahinga sa bahay at palaging magexercise. Hindi ko nga lang alam kung makakapag-exercise si Mom dahil kilala ko siya. Tamad siya mag-exercise. Naalala ko nga noong nag-eexercise ako. Sinasabihan ko siya na samahan ako, pero ayaw niya dahil nakakapagod at nakakatamad daw gawin. Wala rin naman daw kasing mangyayare sa kaniya. Pagkatapos niyang mag-exercise, ay kakain lang din siya.” “Kinakumusta ko lang si Tita, pero ang dami mo nang sinabi. Pati past niyong dalawa nasabi mo na.” “Sorry na, sadyang gusto ko lang sa’yo ishare ang mga past namin. Namimiss ko rin kasi siya.” “Miss ko na rin nanay ko.” Biglang nagbago ang tingin ni Aulora kay Lene. Naaawa siya sa babae, dahil hindi niya man lang nakita ang nanay nito. Siguro may purpose ang mga nangyayare kay Lene. “Huwag mo akong pag-usapan sa isip mo, Aulora. Naririnig ko ang mga ‘yan. Kung gusto mo akong pag-usapan, ay lumayo ka sa akin. Para hindi ko marinig ‘yang mga sinasabi mo.” “Ito naman, galit agad.” “Hindi ko kailangan ng awa ng iba. Wala akong pakeelam kung lumaki akong hindi ko kilala ang nanay ko dahil nandyan naman ang pangalawa kong nanay. Kahit inis na inis ako sa kaniya noon, ay masaya pa rin ako dahil naramdaman ko ang pagkakaron ng may isang ina.” “Mahahanap mo rin ang nanay mo.” “Oo, hahanapin ko ang katawan niya at hindi ko papalampasin ang taong may gawa kung bakit nagdudusa ang kaluluwa niya ngayon sa impyerno. Hindi ko hahayaan na habang buhay siyang magdusa.” “Napakaseryoso mo, Lene. Nakakatakot ka, itigil mo nga ‘yan. Kinikilabutan ako e.” “Hindi ako nagbibiro, Aulora. Totoo ang mga sinasabi ko. Huwag ka munang makipagbiruan sa akin dahil mainit ang ulo ko.” naglagay ng juice si Aulora sa baso at ibinigay kay Lene. “Pampalamig ng ulo. Kailangan mo ‘yan dahil matagal pa nating babantayan ang tatay mo. Baka kasi may mangyare ring masama sa kaniya dahil nalaman mo na kung ano ang totoong nangyare.” “Ang ibig mo bang sabihin, ay pwedeng patayin ng demonyo ang tatay ko?” “Oo, dahil nakita mo naman sa panaginip niya, ay merong nag-utos sa kaniya na ibigay sa kaniya ang nanay mo. Kaya baka utusan din siya ng demonyong ‘yun para siya, ay magpakamatay.” Agad na tinignan ni Lene ang tatay niya sa kwarto, pero nagulat siya nang hindi niya makita ang tatay niya roon. “f**k!” Agad na tumayo si Lene at tumakbo papunta sa bahay nila, pero hindi huli na ang lahat. Nakita niya ang kaniyang ama na nakahandusay sa sahig ng kusina. May hawak na kutsilyo ang tatay niya at may hiwa naman ito sa leeg. “Dad! Aulora, call an ambulance!” Nilapitan ni Lene ang kaniyang ama at niyuyugyog ito. Nagbabakasakali siya na magising pa ang tatay niya, pero hindi na. Tinignan niya kung may pulso pa ito, pero wala na. Napabuntong hininga na lang si Lene at pinipigilan ang kaniyang mga luha na hindi tumulo. Ayaw niyang makita siya ng kaniyang kaibigan na umiiyak. Ayaw niyang umiyak. Nang matapos namang tawagan ni Aulora ang ambulance, ay lumapit siya sa kaibigan niyang nakaupo sa sahig. “It’s okay, let it out.” Pagkatapos sabihin ‘yun ni Aulora, ay sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ni Lene. Para maging komportable naman ang babae, ay niyakap siya ng kaibigan niya at doon umiyak ng malakas. Masakit mawalan ng ama. Lalong-lalo na kung siya na lang ang natitira mong tunay na pamilya. Gustong ilabas ni Lene ang mg asama ng loob niya sa tatay niya, pero hindi niya kaya dahil patay na ito. Wala nang saysay kung sisigawan niya pa ang lalaki. Hindi niya na tuloy alam kung ano ang iisipin dahil namatay na ang tatay niya. Kung matagal niya nang alam e ‘di sana pinuntahan niya na ang tatay niya sa bahay kanina pa at mas na agahan nila. Sinisisi tuloy ni Lene ang kaniyang sarili. Pakiramdam niya kasi naging masama siyang anak sa tatay niya at alam niya na hindi man lang ito naramdam ng pagmamahal niya. “Anong gagawin ko?” “Tumahan ka muna, saka na natin isipin kung ano ang gagawin mo kapag maayos ka na. Sa ngayon, ayusin muna natin ang lamay ng tatay mo dahil alam ko na ayaw niya ng pangit na lamay. Bibigyan natin siya ng maganda at gano’n din ang gagawin natin kapag nakita na natin ang katawan ng nanay mo. Magiging maayos din ang lahat, Lene. Kapit ka lang sa akin dahil hindi kita bibitawan. Bawat pagsubok mo, ay kasama mo ako.” Pinatigil ni Aulora ang pag-iiyak ni Lene, at niyakap ang babae ng napakahigpit. Para maramdaman nito na hindi pa ito nag-iisa. Meron pa siyang kaibigan na handang tulungan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD