Kabanata LVIII

1759 Words
“Sa wakas naka-uwi na rin tayo,” nakangiting saad ni Nia nang makapasok sila sa loob ng kanilang dorm. “Parang taon ka naman nawala sa Grimson City. Napaka-oa ng react mo.’ “Alam mo. Xia? Basag trip ka talaga e noh? Ang ganda ng pagpasok ko sa dorm natin sisirain mo.” “Ang oa mo kasi. Hindi ka na lang manahimik diyan.” “Ano namang pakeelam mo?” “Kakadating lang natin dito magkaaway na kayong dalawa? Pwede bang manahimik muna tayo at hayaan niyo makapagpahinga kami?” galit na saad ni Lene kaya napatigil sa pag-aaway ang dalawa. “Hindi nanga nakapagpahinga sa Manila tapos hanggang dito pa sa Grimson? Pagpahingahin niyo naman ako,” dagdag pa nito. Nang matapos si Lene sa pagsalita, ay napabuntong hininga si Aulora dahil galit na naman ang kaibigan niya. Hindi naman niya ito masisisi dahil wala naman talagang pahinga si Lene. Kahit naman siya hindi dahil hindi rin siya nakatulog. Nagpanggap lang siya na tulog siya kagabi dahil baka mapansin siya ni Lene. Alam niya kasi na gising ang babae. Ang hirap kaya ng sitwasyon niya na ‘yun. Ikaw ba naman ‘tong gising tapos pinipigilan mo pa ang sarili mo na hindi gumalaw. Nang makapagpahinga si Lene, ay agad silang lumabas ni Aulora sa building at lumipad sila papunta sa bubong ng building. “Gabi-gabi ba talaga ‘tong trabaho mo? Hindi ‘to tumitigil o wala ka man lang pahinga?” “Hindi nagpapahinga ang mga dyos at dyosa. Kaya huwag mo nang asahan na makakapagpahinga ako.” “Alam ko ang ibig mong sabihin, Aulora.” Kumunot ang noo ni Aulora at tinapos niya muna ang trabaho niya. Nang matapos niya ‘yun, ay tumabi siya ng upo kay Lene at sabay nilang pinanood ang nagliliwanag na langit. “Hindi ko alam ang sinasabi mo.” “Sinabi ko sa’yo noon na wala kang sikreto na matatago sa akin. Kaya ‘yang tinatago mo, ay alam ko.” “Ang alin ba?” “Iyang hindi mo pagkakatulog ng maayos gabi-gabi? Alam ko rin na mabilis kang manghina kapag hindi ka nakakapagpahinga. Alam kong mahirap sa’yo ‘yan, at sorry kung pati ikaw nadadamay sa problema ko.” “Alam mo?” Nanahimik ng ilang segundo. “Simula noong nakilala natin ang isa’t isa, ay nakikita ko na ang soft side mo. Araw-araw ko ngang nakikita e. Sa akin nga lang hindi sa mga kaibigan natin.” “It’s complicated, kahit ako hindi ko rin alam kung bakit naging gano’n ako, pero naiisip ko na dahil ikaw lang ang naging totoo kong kaibigan kaya magaan ang loob ko sa’yo.” “Naiiyak naman ako sa mga sinasabi mo. Alam mo bang hindi ko inaasahan na magiging kaibigan kita? Ang sabi kasi ng nnay ko, ay lumayo ang sa mga taong alam ko na makakasama sa akin. May nagsabi rin kasi sa akin na huwag kang kaibiganin kasi ang weird mo raw saka ang sama mo. Siyempre hindi naman akonaniwala sa kanila dahil alam ko na hindi ka naman gano’ng tao. Ayaw ko rin kasi mag-isip ng masama sa ibang tao. Gusto ko kikilalanin ko muna bago ko huhusgahan, este hindi ko huhusgahan.” “Totoo naman ‘yun. Wala naman kasi akong pakeelam sa kanila. Isipin nila ang gusto nilang isipin tungkol sa akin. Ayaw ko kasing may kumakausap at may kausap. Kaya lahat ng may gustong makipagkaibigan sa akin noon, ay hindi ko kinakausap. Simula no’n, ay kumalat na ang balita na ‘yun at kilala na ako sa buong school.” “Bakit gusto mo no’n?” “Alam mo na ‘yan hindi ba?” “Gusto ko lang malaman ulit. Bawal ba umulit? Gusto ko lang humaba ang usapan natin,” ”Ayaw ko ng kaibigan dahil alam ko na madadamay lang sila. Sinumpako noon na hindi na ako magkakaron ng kaibigan dahil hindi naman ako nakakahanap ng totoo. Kaso dumating ka at napakakulit mo. E ‘di nagkaroon ako ngayon ng totoong kaibigan.” “Okay, alisin na natn ang topic na ‘yan dahil alam ko naman na talaga ‘yan. Ang pag-usapan natin ngayon, ay kung ano ang gagawin natin sa tatay mo. Ano nga ba ang gagawin natin? May naisip ka na ba?” “Ang naiisip ko, ay kailangan muna nating imbestigahan ang tatay ko dahil malakas na ang kutob ko na meron siyang kinalaman sa pagkawala ng katawan ng nanay ko.” “Hindi mo ba mababasa kung ano ang nasa isip niya?” ”Hindi, simula noong nalaman ko na may kapangyarihan ako, ay hindi ko na ;yun magawa sa tatay ko. Hindi ko nga alam kung bakit hidni gumagana sa kaniya.” “Masyado nang nakakapagtaka ‘yan, Lene. Nagkakaron na ako ng masamang kutob sa tatay mo.” “Iyan ang kahapon ko pa nararamdaman. Kaya hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil hindi ‘yun mawala sa isip ko.” “Pero mahal ng tatay mo ang nanay mo hindi ba? Kung mahal niya ‘yun bakit niya naman gagawin ‘yun? Napakagulo talaga ng pamilya mo, Lene. Problema ng magulang mo problema mo na rin at kailangan mo pang ayusin. Hindi na maganda ang nararamdaman ko.” “Matagal ko nang alam. Hindi mo na kailangan sabihin.” “So, ano nga ang gagawin mo? Halata naman na, na totoo ang nakita ntin sa panaginip niya.” “Gusto kong malaman ang rason niya. Tatay ko pa rin siya kaya gusto ko siyang pag-explainin. Alam kong may rason ‘yun. Kitang-kita ko sa mga mata ng tatay ko kung gaano niya kamahal ang nanay ko. Kahit gusto ko siyang patayin o kaya saktan, ay hindi ko kaya dahil tatay ko pa rin siya.” “May mabuti ka talagang puso, Lene.” “Hindi ko naman kasi kailangan ng revenge. Ang kailangan ko lang, ay mahanap ang katawan ng nanay ko at ilibing siya ng maayos dahil ayaw kong mabuhay na puro nanay ko na lang ang nasa isip ko. Hindi ako mapakali kapag alam ko sa sarili ko na hindi pa maganda ang kaluluwa ng nanay ko.” “Paano mo pala nalaman na wala ang katawan ng nanay mo sa libingan niya?” “Matagal nang nawawala ang katawan ng nanay ko. Ngayon alam ko na kung bakit hindi pinapahanap ng tatay ko ang katawan ng nanay ko dahil siya pala ang may dahilan kung bakit nawawala ito.” “Ano?” “Hindi mo ba ako naiintindihan?” “I mean, hindi ko kasi naintindihan.” “Wala nakakaalam na nawawala ang katawan ng nanay ko, Aulora. Ang pinaglibingan ng nanay ko, ay wala pero nandoon pa rin ang kabaong. Kaya ang akala ng mga pulis, ay may kumuha sa katawan niya. Kahit ako rin naman hindi ko alam kung bakit nawawala ang katawan ng nanay ko dahil bata pa ako no’n, pero ngayon na alam ko na. Hindi ko na ‘to papalampasin. Hindi ko hahayaan na hindi ko makausap ang tatay ko.” “Puntahan natin bukas?” ”Masyadong mabilis. Baka magtaka siya.” “May naisip din ako, Lene. Sa tingin mo ba dahil ayaw ka niyang mag-aral sa paaralan natin ngayon dahil ayaw niyang makita mo ang dating mansyon nila?” “Matagal ko nang naisip ‘yan. At wala na akong pakeelam diyan. Kaya huwag mo nang isipin ‘yan dahil hindi ko na aayusin ang pamilya ng tatay ko. Ang mahalaga ngayon, ay ang nanay ko Masyado na siyang naghihirap. Siguro naman ito na ang panahon para maging maganda ang buhay niya.” “Sabagay, may punto ka naman e, pero paano naman ang pamilya ng tatay mo? Hindi ba hanggang ngayon nagdudusa pa rin sila?” “Deserve nila ‘yun dahil napakasama ng ugali nila. Ang dapat lang iligtas doon, ay ang kanilang ina. Ang nanay ng tatay ko.” “Sigurado ka ba? Ano naman ang gagawin mo para mailigtas ang kaluluwa niya?” “Hindi ba sinabi ko sa’yo na hindi ko pa pwedeng isipin ‘yan? Ang kailangan ko ngayon, ay ang katawan ng nanay ko. Kailangan kong malaman kung bakit gano’n ang nakita natin sa panaginip ng tatay ko. Gusto kong malaman dahil hindi ako makakatulog ng maayos kapag hindi ko pa siya nakikita.” “Ang tapang mo naman po.” “Manahimik ka, buti ka pa ang ganda ng buhay mo.” “Anong maganda? Hindi mo ba alam na sa akin umaasa ang mga tao sa mundo ko? Kailangan ko silang mailigtas at kapag hindi ko ‘yun nagawa, ay wala nang pangatlong chance para mailigtas ang mundong ‘yun. Sigurado ako na baka puro kalungkutan o takot ang nararamdaman ng mga tao.” “Parehas tayong may problema, pero hindi ka pa nag-uumpisa ngayon.” “Meron kasing pinapahanap sa akin si Drimeathryan. Gusto niyang hanapin ko ang mga taong makakasama ko sa pagpasok sa aking mundo.” “Anong kasama?” “Hindi ko nga alam kung sino ang magiging kasama ko e, epro may palatandaan naman sila. Malalaman mo na ang taong ‘yun ang makakasama mo, ay meron silang maliit na tattoo sa kanilang likod. “Anong tattoo?” “Hindi ko nga alam e, ipapakita raw ni Drimeathrya sa akin bukas. Oh hindi ba? Ang daming alam? Pwede namang iakita na lang sa akin para malaman ko na kung sino ang mga makakasama ko. Hindi ko raw kasi kaya na lumaban mag-isa. Kaya kailangan ko ng kamasa.” “Mamimiss kita kapag umalis ka.” “Ako rin naman e. Hindi naman siguro mawawala ‘yun sa magkaibigan, Kapag wala na ako, tingin ka lang sa moon. Makikita mo ako riyan dahil diyan kita babantayan.” “Mamamatay ka na ba?” “Hindi pa noh, grabe ka naman sa akin. Ang bata ko pa para mamatay ano.” “Iyan kasing mga sinasabi mo. Kung makapagsalita ka parang aalis ka na agad o kaya mawawala na. Hindi naman siguro mangyayare ‘yun dahil alam ko namang malakas ka. Kaya mong kalaban ang mga kalaban na gustong patayin ka. Kaya mo lahat dahil isa kang dyosa. Kaya huwag mong sabihin sa akin na tumingin ako sa buwan dahil tinitignan mo ako roon.” “Oo na, tama ka na. Palagi ka namang tama e.” “Tama naman talaga ako, ayusin mo na lang kaya ang pagsasalita mo?” “Opo, nay. Sorry po, hindi ko na po uulitin.” “Pangit mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD