Kabanata LI

1553 Words
“Uuwi na agad tayo?” tanong ni Aulora kay Lene. Ang sabi kasi sa kaniya ng babae, ay hindi na nila kailangang pumunta sa bahay na ‘yun dahil baka kung ano pa ang may mangyare sa kanila. “Sinabi ko na sa’yo ang dahilan, Aulora.” “Alam ko, pero hindi pa natin alam kung ano ang meron sa bahay ng tatay mo. Hindi ba ‘yun ang dahilan kung bakit naisip natin na pumunta rito? Susuko ka na ba? Ang sabi mo sa akin noon, ay mahal mo ang magulang mo kaya gagawin mo ang lahat para lang mahanap ang katawan ng nanay mo at maayos ang nakaraan ng tatay mo. Hindi ba ‘yun ang goal mo? Baka bakit agad tayo aalis?” Tinignan ni Lene si Aulora sa mata. “Ayus ka lang ba?” tanong pa ni Aulora nang makita niya ang malungkot na mata ni Lene. “Pakiramdam ko, ang nanay ko ang pumipigil sa akin na malaman ang nakaraan ng bahay na ‘yun.” “Paano mo naman nasabi? Meron ba siyang ipinakita na sign para malaman mo na siya ang pumipigil sa’yo? Hindi naman kasi pwedeng manghula na lang tayo dahil kung ang nanay mo nga ‘yun, ay may posible na ayaw niyang malaman mo ang nakaraan na ‘yun at meron silang tinatago na hindi mo dapat malaman.” “Pwede ring ikapapahamak ko ang nakaraan na ‘yun.” Kita sa mga mata ni Lene ang pagod, pero alam ni Aulora na hindi ito basta-basta susuko dahil kaya ni Lene lahat ng mga pagsubok na dadating sa kaniya. “Madami kang pwedeng malaman. Kaya hindi mo pwedeng hayaan na lang ang bahay na ‘yun.” “Anong gusto mong gawin natin? May pasok na bukas, Aulora. Hindi tayo pwedeng mag-absent na hindi alam ng principal natin. Pwede tayong magkaroon ng violation.” “Mas iniintindi mo pa ‘yun kaysa sa problema ng pamilya mo? Makakapaghintay naman ang pag-aaral, pero ‘yang problema mo, hindi na. Maisasalba ba ng pag-aaral ang buhay ng tatay mo? Ang buhay mo? Hindi ba may punta naman ang mga sinasabi ko?” Bumuntong hininga na lang si Lene at umupo sa gilid ng sahig. Isinandal niya naman ang likod niya sa pader sabay pumikit. Gumaya naman si Aulora dahil ang hirap naman kung kakausapin niya si Lene na nakayuko. Maayos naman din na magkapantay sila para magkaintindihan at magkarinigan silang dalawa. Wala ring makakarinig sa pinag-uusapan nila. “Ano na ang gusto mong gawin?” “Hindi ko alam. Wala akong maisip. Blanko ang utak ko. Pakiramdan ko sobrang dami na nang iniisip ko at hindi na magkasya. Kaya wala na akong maisip. Gusto kong mag-isip, pero wala talagang pumapasok na maganda.” “Kailangan mo lang ng pahinga. Hindi ba maayos ang mga tulog mo?” Kahit alam ni Aulora na hindi nakakatulog ng maayos si Lene, ay kailangan niya pa ring tanungin dahil baka malaman ni Lene na hindi siya natutulog ng gabi ilang araw na. Hindi niya kasi sinabi kay Lene na kapag hindi siya natutulog sa gabi at umaga, ay manghihina ang katawan niya. At ayaw niya rin sabihin na dahil sa tatay nito kung bakit hindi siya nakakatulog sa gabi. Baka kasi mag-alala ang babae at sumuko na agad. ‘Yun pa naman ang ayaw niya na mangyare kay Lene. Ang gusto niya, ay parehas nilang tatapusin ang problemang ‘to at gusto nilang makitang nakangiti si Nickian at maayos na ang buhay. “Hindi.” “Kaya pala hindi gumagana ang utak mo dahil wala kang maayos na tulog. Kailangan mo munang magpahinga tapos kapag nagising ka na. Roon natin pagplanuhan kung ano ang gagawin sa bahay na ‘yun.” “Wala na tayong oras kung matutulog pa tayo.” “Ano ka ba naman, Lene? Maaga pa, madami pa tayong oras para pag-isipan ang paplanuhin natin. Meron ka pang madaming oras para matulog. Kaya kung ano-ano ang iisipin mo riyan, ay masasayang talaga ang oras natin.” Hindi na nagsalita si Lene dahil si Aulora na ang humila sa kaniya para makatayo at pumasok sa loob ng kwarto ng nanay ni Aulora. “Diyan na muna kayong dalawa. Bantayan niyo ng mabuti si Mommy,” utos ni Aulora sa dalawa niyang kapatid na nakikipag-usap sa mga kaibigan nila. Sumimangot ang dalawa, pero walang nagawa ang mga ‘to dahil ang ate na nila ang nagsabi. Nang tumingin naman si Aulora sa mga kaibigan niya, ay sinabihan niya ito na magpapahinga muna sila sa bahay nila Aulora. Kaya sumaya ang mga kaibigan niya. “Sobrang dami niyo bang bahay, Aulora? Siguro may bahay din kayo sa Grimson, pero hindi mo lang tinitirahan dahil malayo?” mahabang saad ni Xia. “Ano ka ba? Hindi ba nakapunta na tayo sa bahay nila sa Grimson? Sumakay pa nga tayo ng yacht nila. Nasaan ba ang utak mo, Xia?” inis na sagot naman ni Nia sa kaniyang kaibigan nang makalabas sila sa kwarto. Nagpaalam naman na sila sa nanay ni Aulora dahil alam nila na kabastusan kung hindi sila magpapaalam na aalis na sila. “Sorry naman ang akala ko kasi hindi ‘yun kasama ng Grimson e.” “Kasama mo ‘yun. Ano ‘yun, tumawid ka lang ng dagot wala ka na sa Grimson? E saan pa lang lugar ang bahay nila Aulora? Ang gulo ng utak mo ano? Lumipad ata ‘yan e.” “Ang dami mo namang sinabi. Nakakasakit ka na.” Hindi na lang pinatulan ni Nia ang kaibigan niya dahil baka magsitawanan lang silang dalawa sa sobrang kaartihan nila. “Bakit nga pala tayo pupunta sa bahay niyo, Aulora? May kailangan ba kayo ron?” tanong naman ni Azaiah nang makasakay silang lahat sa van. “Kailangan magpahinga ni Lene.” “Dahil ba ‘yun sa kanina? ‘Yung nahimatay siya? Sinabi sa amin ‘yun ni Sandrick e. Nag-alala nga kami kanina, pero nong sinabi niya na ayus na si Lene, ay nakahinga naman na kami ng maayos.” “Oo, kaya kailangan nating pumunta sa bahay. Ayaw ko namang iwan kayo sa hospital e ‘di parang ginawa ko na kayong taga-bantay ng nanay ko. Saka mas maganda ‘yung nakakalayo kayo ng tanawin dito sa Manila. Kahit naman ako, ay gusto kong libutin ‘to. Kaso malaki ko ‘to. Hindi natin ‘to pwedeng libutin ng isang araw lang.” Nalungkot tuloy ang tatlo niyang kaibigan. Tumahimik ang loob ng van nang may tumawag kay Azaiah. “Bakit, pre?” [Nandyan ba si Aulora?] “Oo, bakit mo hinahanap? Ikaw ahh, hindi mo man lang sinasabi sa akin na meron ka na pa lang gusto kay Aulora. Kayo na siguro kaya mo siya hinahanap sa akin. Saka bakit sa akin ka tumawag? Dapat sa honey bunch Aulora mo.” [Ano ba ang sinasabi mo? Nahihibang ka na ba?] “Aminin mo na kasi--.” [Pakisabi na lang sa kaniya hindi ako makakasama sa pagbalik niyo mamayang gabi sa Grimson City dahil gusto pa akong makasama ni Mama rito.] “Ano? Iiwan mo ako sa mga babaeng ‘to? Huwag ah, punta na lang ako riyan.” [Hindi mo alam kung paano makapunta rito. Kaya wala kang choice kung hindi ang sumama kila Aulora. Sundin mo na lang ako dahil wala akong oras para sunduin pa riyan.] “Ang sama mo talagang kaibigan. Hindi ko alam kung bakit kita naging kaibigan e. Kung alam ko lang na gan’yan ugali mo e ‘di sana hindi na kita kinaibigan.” [Ang dami mong drama. Sabihin mo na lang kay Aulora mamaya ang sinabi ko sa’yo.] “Katabi ko si Aulora ngayon. Pwede naman na ikaw na lang ang makipag-usap sa kaniya para hindi ko na sasabihin sa kaniya mamaya. Ginawa niyo pa akong taga abot ng message e pwede naman kayong mag-usap.” Agad na binigay ni Azaiah ang cellphone niya kay Aulora. Kaya dahan-dahan kinuha ‘yun ng babae at inilagay sa tenga niya. [Hoy, Azaiah! Naririnig mo ba ako?] “Hello?” Biglang tumahimik ang phone at agad itong namatay. Tinignan niya ng masama si Azaiah. “Bakit? Anong ginawa ko?” “Binigay mo pa ang phone mo patay naman na.” “Patay na? Baka naman narinig ang hello mo kaya pinatay.” Tumawa ng malakas si Azaiah. “Nahiya si Eliezar. Napakacute niyong dalawa. Para kayong mga elementary nagkakahiyaan pa e magjowa na kayo,” dagdag pa ni Azaiah habang tumatawa. “Manahimik ka na lang, Azaiah. Ang dami mo nang sinasabi. Pagpahingahin mo naman si Lene. Sigurado ako na kahit nakapikit ‘yan, ay gising pa rin siya dahil hindi ‘yan makakatulog kapag naririnig niya ang boses mo,” mahinang saad naman ni Xia. Inirapan naman siya ni Azaiah. “Bakla,” bulong ni pa ng babae, pero kahit na narinig niya ang boses nito, ay hindi niya na lang papatulan. Hindi niya papatulan ang babae dahil baka pagalitan siya ni Lene. Mas nakakatakot pa naman ‘yun magalit. Gusto niya na lang tumahimik kaysa masigawan ni Lene. Si Aulora naman kasi, ay mabait kaya alam niya na kahit mag-ingay siya, ay hindi ito magagalit. E kaso magka-opposite ang magkaibigan. ‘Yung isa ay masama, ‘yung naman ay mabait.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD