Kabanata LII

1339 Words
“Ang ganda!” masayang saad ni Xia nang makababa sila sa sasakyan. Up and down na modern house kasi ang bahay nila Aulora. “Siguro mas maganda ang nasa loob dahil maganda sa labas e,” dagdag pa nito. Pinindot ni Aulora ang door bell at agad naman may lumabas na kasambahay. “Sino sila?” taas nuong saad ng kasambahay. Binuksan ng kasambahay ang gate, pero nang makalabas ang babae, ay agad niya naman itong isinara na parang ayaw silang papasukin. “Pwede na ba kaming pumasok?” Kumunot ang noo ng kasambahay at tinignan ang mga kaibigan ni Aulora isa-isa. ”Sino ka ba para papasukin ko? Para lang naman kayong mga pulubi na nang hihingi ng pagkain. Hintayin niyo ako rin dahil bibigyan ko kayo ng mga pagkain. Madaming pagkain sa bahay namin dahil hindi naman namin nauubos. Hindi naman kasi kami patay gutom.” Napakagat ng labi si Aulora nang pumasok ang kasambahay sa loob. “Ano raw? Sa itsura natin na ‘to mukha tayong pulubi? Grabe naman ata makalait ang kasambahay niyo, Aulora. Masyado siyang mayabang at mataas sa sarili e isa lang naman siyang kasambahay,” inis na saad ni Nia. Kahit naman si Aulora naiinis at Lene, pero pinipigilan lang nila dahil ayaw nila gumawa ng away. First time pa namang makapunta rito ni Aulora tapos gagawa lang siya ng away, pero hindi naman siya ‘yung nauna. Hindi siya ‘yung may dahilan kung bakit magkakaron ng away. Kaya pwede siyang makipag-away, pero hindi kasi siya pumapatol sa mas mataqnda sa kaniya. Depende na lang siguro kung over limit na ang ginawa ng tao sa kaniya. Bumuntong hininga na lang si Aulora at hinintay na makabalik ang kasambahay. ** “April.” Napatingin ang kasambahay na kakasara lang ng refrigerator. “Buti naman alam mo kung ano ang trabaho mo?” dagdag ng lalaki nang makita niya ang kasambahay sa kusina. “Anong trabaho po, Sir?” “Ang ilabas ang mga pagkain.” Kumunot ang noo ng kasambahay dahil hindi niya alam kung ano ang sinasabi ng boss niya. “Ano po?” “Uutusan kasi sana kita na magluto at painitin ang mga pagkain na nilutoi mo kaninang umaga na binigay mo kay Madam.” “Sir, ibibigay ko po ang mga pagkain na ‘to sa mga pulubi na nasa labas. Kailangan da w po kasi nila ng pagkain. Naalala ko naman po na wala na pong kakain ng mga ‘to dahil iba po ang pagkain natin sa ating mga amo. Kaya ibibigay ko na lang po sa kanila.” “Gano’n ba?” Ngumiti ang lalaki. “Buti naman at naisip mo ‘yan dahil kailangan nating tumulong sa mga taong kailangan ng ating tulong. Kapag meron tayo at hindi na natin kailangan, ay bibigyan natin sila. Nasa labas pa ba ang mga pulubi na sinasabi mo?” “Yes, Sir.” “Samahan na kita. Gusto kong makita ang mg ataong ‘yun.” Nakangiting tumungo ang kasambahay at sabay silang lumabas ng gate. Gualat na gulat naman ang lalaki nang makita niya ang seryosong mukha ni Aulora. “Miss Aulora,” kinakabahan na saad ng lalaki. Ang babaeng kasambahay naman, ay nakakunot ang noo at nagtataka dahil sa sinabi ng boss niya. “Bakit po kayo nasa labas? Ayaw niyo po bang pumasok?” dagdag pa nito. “Bakit hindi mo ‘yan tanungin sa may ari ng bahay?” seryosong saad naman ni Aulora habang nakatingin sa babaeng kasambahay. Umiwas tuloy ‘to ng tingin at natakot na baka kung anong gawin sa kaniya ng babaeng sinabihan niya ng pulubi. Ramdam niya rin na tumingin sa kaniya ang boss niya kaya mas lalo siyang natakot at nadagdagan pa ng kaba. “Saka na po natin pag-usapan ‘yan, Miss Aulora. Pumasok po muna tayo sa loob dahil mainit po rito.” “Hindi, hindi ko papalampasin ang sinabi ng isang KASAMBAHAY sa amin ng mga kaibigan ko.” Hindi umalis ang tingin ni Aulora sa kasambahay na hindi makatingin sa kaniya. “Kung ikaw kaya ang palayasin ko sa bahay ko? Para maranasan mo kung paano mabuhay ang mga pulubi? Isama mo na rin ‘yang mga pagkain na hawak mo.” Napalunok ng lawak ang kasambahay. Nangingnig na ito sa takot dahil nahihiya na siya sa kaniyang sarili. Hindi niya naman alam na ang babaeng kausap niya kanina, ay ang tinutukoy ng kaniyang boss. Ito pala ang anak ng may ari ng bahay. Ngayon niya lang napansin dahil hindi niya naman kilala kung sino ang babaeng tinutukoy ng boss niya. Hindi niya alam kung ano ang mukha nito. “Ikaw na ang bahala kumausap sa kasambahay na ‘yan dahil kapag ako ang kumausap sa kaniya, ay baka hindi niyo na siya makita sa loob ng bahay ko and make sure na hindi ko siya makikita sa paligid ko.” Pagkatapos sabihin ‘yun ni Aulora, ay pumasok na siya sa loob ng bahay kasama ng mga kaibigan niya na inis na inis sa kasambahay. “Buti naman at hindi ka nagpakabait sa babaeng ‘yun. Nakakainis siya. Ang sarap niyang sabunutan. Alam mo? Kung ako lang ang may ari ng bahay niyo, ay papalayasin ko na ‘yan dito dahil napakapangit ng ugali niya,” inis na saad ni Xia. “Oh, chill ka lang. Baka tumaas ang blood pressure mo at maging dragon ka sa sobrang usok ng ilong mo.” “Huwag ka na nga mang-inis, Azaiah. Mainit na nga ang ulo ko papainitin mo pa lalo. Masyado ka nang papansin. Ano ba ang gusto mo ahh? Gusto mo bang ikaw ang pagbuntungan ko ng galit?” Taas noong saad ni Xia. Kaya napatawa si Azaiaah dahil sa kakyutan ng babae. “Bakit ka pa tumatawa? Alam mo nakakainis ka na talaga. Ayaw na kitang makita sa buong buhay ko.” “Napaka-oa mo naman. Wala ka namang magagawa dahil makikita at makikita mo ako. Nasa iisang building lang kaya tayo at magkatabi pa ng dorm. Kaya kahit anong gawin mo, ay magkikita at magkikita pa rin tayo. Magkakaibigan din naman ang mga kaibigan natin kaya wala kang choice kung hindi ang makita palagi ang napakapogi kong mukha.” “Mandiri ka nga sa sarili mo.” Nag-action pa si Xia na nang didiri at agad na sumabay sa paglalakad kila Aulora. Umayat silang lahat sa second floor at pumasok sa isang kwarto na dalawa ang kama. “Ito ang guest room. Dito kayo magpapahinga.” Nang makapasok ang apat niyang kaibigan, ay hinawakan niya ang braso ni Lene. “Matutulog ka sa kwarto ko dahil kapag dito ka matutulog, ay hindi ka makakapagpahinga ng maayos.” May punto naman si Aulora kaya sinunod na lang ni Lene ang kaibigan niya at pumunta sa kwarto. “Kahit hindi ako kasama nila Mom pumunta sa Manila, ay pinapagawan pa rin nila ako ng kwarto. Para raw maramdaman nila na kasama nila ako. Kahit nga ako nagtataka kung bakit pa nila ako pinapagawan ng kwarto kung hindi ko naman ginagamit.” “Mahal ka nila, kaya ayaw nilang maramdaman mo na hindi ka kasama sa mga pamilya nila. Maganda ang pamilya mo dahil may mga pamilya na pinagtatabuyan ang kanilang mga ana. Katulad ko, pinagtabuyan ako ng tatay ko.” “Huwag mo na nga munang isipin ‘yan. Magpahinga ka na lang muna.” “Magpahinga ka na rin. Alam kong pagod ka rin. Kaya sabay na tayong magpahinga.” “Baka masobrahan ang pahinga natin kapag magpapahinga tayong dalawaa.” “Ano pa ang use ng alarm clock kung hindi natin gagamitin?” “May punto ka. Tara matulog na tayo. Sa totoo lang kanina ko pa gustong matulog e. Hindi talaga talaga tayo pinapasok agad ng kasambahay namin. Kung hindi lang talaga ako mabait napaalis ko na ‘yun dito. Siya pa nagsabi na sa kaniya raw ‘tong bahay namin.” “Oo na, matulog ka na lang diyan. Ang dami mo pang sinasabi.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD