Palabas na sana ng paaralan si Aulora nang biglang sinawakan siya ni Eliezar sa braso.
“Mag-usap nga tayo,” seryosong saad nito nang maiharap niya ang babae sa kaniya. Si Aulora naman ay napakunot ang noo at nagtaka kung bakit siya gustong kausapin ng lalaki.
“Ano ba ang pag-uusapan natin? May kailangan ba tayong pag-usapan? May kailangan ka bang sabihin sa akin? Ano ba ang problema?” Hinila siya ni Eliezar papunta sa lugar na walang mga tao. Para makapag-usap sila ng maayos. “Kailangan ba talagang pumunta sa mga walang tao? Gano’n ba kaimportante ang sasabihin mo sa akin?” dagdag pa nito.
“Nilalayuan mo ba ako?” MAs lalong napakunot ang noo ni Aulora at tumawa.
“Bakit naman kita lalayuan?”
“Hindi ko alam, pakiramdma ko nilalayuan mo ako dahil sa tuwing nakikita mo ako ay lumalayo ka. Hindi ba nakakapagtaka ‘yun? Noon naman gusto mong mapalapit sa akin tapos ngayon nilalayuan mo ako.”
“May rason ba para layuan ka?” seryosong tanong niya. Hindi niya pwedeng ipahalata na meron siyang rason para layuan si Eliezar. Hindi niya nga lang pwedeng sabihin kung anong rason. Hindi rin naman kasi kailangan malaman ni Eliezar.
“Wala.”
“Wala naman hindi ba? Kaya bakit mo naisip na nilalayuan kita kahit hindi naman?”
“Sinabi ko na ang rason ko. Hindi ko na ‘yun uulitin.”
“Hindi valid ang rason mo. Kung ano man ang naiisip mo, ay mali dahil hindi kita nilalayuan. Sadyang nahihiya lang ako sa’yo kaya pakiramdam mo nilalayuan kita, pero hindi kita nilalayuan. Hinding-hindi kita lalayuan.” Kahit mahirap para kay Aulora ang sitwasyon niya ay hindi niya lalayuan ni Eliezar dahil si Eliezar ang healer niya.
Hindi siya mafufully charge kung wala si Eliezar sa tabi niya. Silang dalawa pa lang ni Lene ang nakakaalam non at sana hindi ito malaman ni Eliezar.
Naisip din ni Aulora na kung sasabihin niya Eliezar, ay baka mas lalong dumali ang problema niya. Kapag kasi alam ni Eliezara, ay walang magkakaron ng gusto sila sa isa’t isa. Walang pag-ibig na mabubuo at magandang paraan ‘yun, pero ayaw ni Aulora na mas lalong dagdagan ang problema ni Eliezar. Kaya mas mabuti na lang muna siguro na hindi niya muna sabihin.
“Bakit ka nahihiya?”
“Hindi mo na kailangan malaman dahil hindi naman ‘yun importante.” Aalis na sana si Aulora nang pigilan ulit siya ni Eliezar.
“Hindi pa tayo tapos mag-usap.” Pagkaharap niya kay Eliezar ay bigla siyang nagulat dahil nakita niya ang mga maire na biglaan na lang nagteleport sa mundo nila. Ano ba talaga ang pakay sa kaniya ng mga kalaban niya? Bakit basta-basta na lang sumusulpot? At bakit ngayon pa na kasama niya si Eliezar.
“Mamaya na lang tayo mag-usap.” Pinapaalis niya si Eliezar, pero hindi ito umaalis kaya wala siyang magagawa kung hindi ang patulugin ang lalaki sabay inilagay ang katawan nito sa gilid.
Agad siyang nagsummon ng sandata at sinugod ang mga kalaban. Puro ilag, atake pabalik, at kapag nakakakita siya ng daan para masaksak ang kalaban ay sinasaksak niya na ito at bigla na lang mawawala na parang abo na lumipad sa langit.
Minsan naman ay lumilipad siya sa hangin at tumatambling para iwasan ang mga kapangyarihan na binabato ng mga ito sa kaniya. Pero sa tuwing nakakakuha naman siya ng daan para ulanan ng mga kapangyarihan niya ang kalaban, ay inaatake niya agad.
Nang maging isa na lang ang kalaban niya ay naglabas siya ng isang ice spike sabay tumalon ng mataas para makapunta siya sa likod ng kalaban at agad na hiniwa ang kalaban. Ginawa niya ang tiknik na ‘yun para hindi siya mapansin ng kalaban at sa kapangyarihan niya ang focus nito. Ito ang tiknik na natutunan niya kay Muzan at ngayon ay ginagawa niya na sa mga alagad nito.
Napahinga ng malalim si Aulora at pinakalma ang sarili. Unang beses niya pa lang nakipaglaban sa mga maire nahihirapan at kinakabahan na siya. Paano pa kaya kapag mas madami pa ang maire na lumaban sa kaniya, e ‘di maaga siya namatay.
Buti nga nanalo siya sa laban na ‘yun dahil isa lang siya. Matagal na rin siyang hindi nagtetraining kaya kanina lang ang warm up niya. Warm up na nga lang ang hirap pa.
“Hindi lang ‘yan ang makakalaban mo sa hinaharap dahil madami pang mga maire si Muzan. Ang mga pinadala niya lang ngayon ay ang mga low rank. Kaya huwag ka munang magpakampante. Kailangan mo pa rin ng training. Huwag kang mag-alala sa tuwing matutulog ka, ay tuturuan kita sa panaginip mo. Apat kasi ang rank sa mga maire. Ang low rank, middle rank, higher rank, at ang commander rank. Malalaman mo ang rank nila kapag red light ang kulat nila. Padark ‘yun ng padark hanggang sa mapunta sa commander rank na kulay black.”
Napahawak na lang si Aulora sa kaniyang noo nang maisip niya na may mas malakas pa pala sa nakalaban niya kanina.
“Lagi mong tatandaan na mas malakas ka kaysa sa mga kalaban mo dahil mas makapangyarihan ka. Kahit anong kapangyarihan na naiisip mo, ay magagawa mo.Kaya wala ka dapat ikatakot. Buti nga lumabas agad ang low rank kanina dahil nalaman mo kung gaano mo pa kailangan ng training, Kunti na lang, Aulora. Makakaya mo rin ‘yan. Basta kapag hindi mo na kaya. Pwede mo naman akong tawagin o kaya kusa akong magkokontrol ng katawan mo. Palagi akong nasa tabi mo. ‘Yan ang huwag mong kakalimutan.”
Tinignan ni Aulora ang mukha ni Eliezar hanggang sa magising ito.
“Ayus ka lang ba?” tanong niya. Tinulungan niya rin ang lalaki na makatayo.
“Anong nangyare? Bakit nasa sahig ako?”
“Hindi mo ba matandaan kung ano ang nangyare sa’yo kanina? Nahimatay ka. Hindi naman kita kayang buhatin para idala sa school clinic. Kaya nandito ka sa sahig. Hindi rin ako makahanap ng tao na tutulong sa atin dahil wala ng estudyante na lumalabas ng paaralan.”
“Sh*t.” Hinawakan ni Eliezar ang kaniyang ulo dahil masakit ito.
Naalala naman ni Aulora na nong pinatulog niya si Eliezar, ay tumama ang ulo nito sa pader. Hindi niya naman ‘yun sinasadya dahil bigla-bigla na lang nakatulog si Eliezar. Pero natatawa siya dahil nauntog ang ulo nito.
“Bakit ka tumatawa?” Itinigil ni Aulora ang kaniyang pagtatawa at agad na naging seryoso.
“Sinong tumatawa? Wala namang tumatawa ahh?”
“Meron bang nangyare noong nahimatay ako? Hindi ba nabagok ang ulo ko kaya masakit ngayon?”
“Hindi naman nauntog ang ulo mo kanina.” Pinipigilan ni Aulora na hindi matawa dahil naaalala nito kung ano ang mukha ni Eliezar noong nauntog ito. Mukha kasi itong tanga.
“Parang puro kasinungalingan naman ang sinasabi mo.” Inilabas na doon ni Aulora ang tawa na pinipigilan niya kaya kumunot ang noo ni Eliezar.
“Nagsasabi naman kasi ako ng totoo. Ikaw lang ‘tong hindi naniniwala sa mga sinasabi ko. Paniwalaan mo kasi ako. Hindi ka talaga maniniwala sa akin kapag ang iisipin mo, ay nagsisinungaling ako.” Nang makapasok sila sa building, ay tumatawa pa rin si Aulora. Kaya naaasar na si Eliezar.
“Ano ba talaga ang nangyare kanina? Pakiramdam ko talaga nagsisinungaling ka e at hindi pa tayo tapos mag-usap.” Napatigil sa kakatawa si Aulora at mabilis na naglakad papunta sa kanilang dorm.
“Muntikan na ‘yun,” mahinang saad niya at sumandal siya sa pintuan.
“Anong muntikan na? Meron bang sumahabol sa’yo at muntikan ka nang mahabol?” Napatingin si Aulora kay Nia at tumungo. Kakalabas lang nito sa kusina at meron itong dala-dalang plato.
“Oo, meron kasing humabol na aso sa akin diyan sa kanto. Nagkatingin lang kaming dalawa tapos tumakbo na kaming dalawa. Naghabulan kami sa kanto. Buti nga hindi niya ako nahabol dahil mas mabilis akong tumakbo kaysa sa asong ‘yun.” Tumawa ng malakas si Nia at umupo sabay kumain.
“Talagang may gana ka pang makipaghabulan sa aso ah, pero bakit hindi ka man lang pinawisan? Gano’n ba kabagal tumakbo ang aso?”
“Ang tagal niya talaga tumakbo kasi nga pilay.”
“Bakit takot na takot ka tapos sinabi mo muntikan na e pilay naman pala. Ang cute mo talaga kausap, Aulora.” Napabuntong hininga na lang si Aulora at umuposa kaniyang kama.
“Sigurado ka bang aso ang humahabolsa’yo? Baka naman iba,” saad naman ni Xia na kakalabas lang ng banyo. Naligo siya dahil merong towel sa ulo.
“Ano na naman ba ‘yang sinasabi mo, Xia? Kakatapos mo lang maligo ahh? Tapos narinig mo pa rin ang pinag-uusapan namin? Basta chismis talaga naririnig mo ano?”
“Maririnig ko talaga ‘yang pinagsasabi niyo e ang lalakas ng mga boses niya. Sino ba naman hindi makakarinig sa mga pinagsasabi niyo? Saka parang ang layo naman ng banyo para hindi ko kayo marinig.” Umirap si Xia at pumunta sa kaniyang kabinet at umupo sa study table niya. Meron ata silang assignment kaya mag-aaral ito ng maaga.
“Tapusin ko lang ang pagkainko at mag-aaral na rin ako. Wala rin ba kayong assignment, Aulora?”
“Hindi naman nagbibigay ng assignment ang guro namin. Kaya wala akong assignment ngayon.” Nang humigi si Aulora sa kama niya, ay biglang bumukas ang pintuan nila. Bumungad sa kanila ang walang ganang mukha ni Lene.
“Ang sabi sa akin ni Eliezar mag-usap daw kayo. Nasa labas siya ngayon ng dorm. Hindi raw siya aalis don hanggat hindi kayo nmag-uusap.”
“Oh my gosh, Aulora. Kayo na bang dalawa tapos nag-away kayo? Kailangan niyong pag-usapan ng maayos ang problema niyo dahil sayang naman kayong dalawa. Ship ko pa naman kayo kasi bagay kayong dalawa. Sabi na nga ba meron kayong something e. Kausapin mo na siya sa labas dahil wala ka namang gagawin dito. Kailangan niyong magkaayos.” Kumunot ang noo ni Aulora sa sinabi ni Xia at nanatili pa rin sa kama.
“Bakit ko siya kakausapin e wala naman kaming pag-uusapan? Saka hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya sa akin.”
“Kaya nga kakausapin mo siya para malaman mo kung ano ang sasabihin niya.”
“Nilalayuan mo ba si Eliezar?” Napatingin siya bigla kay Lene na ngayon ay nakatingin sa kaniya nang marinig niya ang boses nito sa utak niya. Iling namang sagot niya dahil hindi naman niya talaga nilalayuan si Eliezar. “E ‘di sabihin mo sa kaniya na hind imo siya nilalayuan. Para hindi na siya maghintay sa labas. Kausapin mo na lang siya. Alam ko rin naman kung ano ang nangyare kanina. Nakalaban mo ang mga maire na sinasabi ni Drimeathrya hindi ba?”
Napabuntong hininga si Aulora at lumabas ng dorm. Nang makita niya si Eliezar na nakasandal sa tabi ng pintuan nila, ay tinignan niya ito na parang tinatanong niya kung ano ang gusto ng lalaking sabihin.
“Wala ba talagang nangyare kanina?”
“Sinabi ko na ang lahat sa’yo, Eliezar. Wala naman akong magagawa kung hindi ka maniniwala sa akin. Basta sinabi ko na sa’yo ‘yun na ‘yon.”
“Nilalayuan mo ba ako?”
“Iyan na naman ba tayo? Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi? Alam mo sa kakatanong mo sa akin ng gan’yan, ay wala akong magagawa kung hindi ang layuan ka. Katulad nga ng sabi ko kanina, ay wala akong nakikitang rason para layuan ka. Hindi pa ba sapat na rason para maniwala ka na hindi kita nilalayuan? Ano pa ba angh gusto mong sabihin ko para maniwala ka?”
“Alam kong meron kang tinatago sa akin.”
“Lahat ng tao may tinatago, Eliezar. Imposibleng walang sikreto ang isang tao.”
“Sorry sa sinabi ko sa’yo noon sa bahay niyo. Ang akala ko kasi nilalayuan mo ako dahil doon. Nguilty ako sa ginawa ko. Kaya ito ako ngayon humihingi ng paumanhin sa’yo.”
“It’s okay. Wala na sa akin ang problema na ‘yun at wala na ako rong pakeelam. Ang sa akin lang ay huwag mong isipin na nilalayuan kita dahil hindi nga kita nilalayuan.”
“Kahit mahirap hindi kita lalayuan.”