“Kailangan ba talagang isama sila Elizar? Pwede bang tayo na lang?” Hindi kasi alam ang gagawin o itutungo ni Aulora kay Eliezar. Lalayo ba siya sa lalaki o ipagpapatuloy niya ang kaniyang pagdidikit at pag-uusap sa lalaki.
Hindi naman siguro siya maiinlove kahit hindi niya tinigil ang mga ‘yun hindi ba? Saka hindi rin naman siya mabilis mainlove sa isang lalaki. Kaya kaya niya ‘yun.
“Bakit naman? Ayaw mo ba silang kasama? Saka bakit mo naging ayaw eh ikaw pa nga ang nagsasama sa kanila sa tuwing may pinupuntahan tayo.” Napatingin si Aulora kay Nia at hindi ito sinagot. Hindi siya alam kung ano ang isasagot dahil kailangan niyang isikreto ang napag-usapan nila ni Drimeathrya kanina.
“It’s okay, Aulora. You can still be friends with him. Basta alam mo lang ang limits mo sa kaniya, ay wala kang mararamdaman na pag-ibig. Pero siyempre kung siya ang sinasabi mong healer mo ay doon mo lang siya hawakan kapag nanghihina ka.” Narinig niya ang boses ni Drimeathrya sa kaniyang utak. Kaya napabuntong siya.
“Baka naman nag-away kayo ni Eliezar? Kaya ba hindi kayo nag-uusap dahil don? Simula rin kasi nong dumating tayo sa Grimson, ay hindi ko na kayo nakikitang nag-uusap. Ayus lang ba kayo?” mahabang saad ni Xia. Kumain na lang siya ng palabok at inubos ito. Ayaw niya talagang pag-usapan dahil parang nalungkot siya sa sinabi ni Drimeathrya.
“Hindi magandang pinapakita mo sa kaibigan mo na may problema ka, Aulora. Pwede mo namang sabihin sa kanila na nag-away kayo ni Eliezar o kaya hindi talaga kayo magkaibigan. Para naman hindi na sila magtanong sa’yo about sa inyong dalawa. Hindi rin naman kita pinagbawalan na hindi kausapin si Eliezar. Ang pinupunto ko lang doon ay ilimit mo ang paglalapit ng sarili mo sa kaniya dahil hindi mo maiiwasan ang pag-ibig. Biglaan mo na lang ‘yan mararamdaman. Kaya gusto kong mag-ingat ka.”
Tumayo si Aulora at lumabas ng dorm. Tama ba ang gagawin niya> Tama ba ang iniisip niya ngayon? Sa tutuosin ayaw niya munang makausap o makita si Eliezar dahil nahihiya siya. Hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin at igagalaw niya kapag kasama siya.
Kakatok na sana siya sa pintuan ni Eliezar nang biglang maramdaman niya ang presensya ni Eliezar sa gilid.
“May kailangan ka ba?” Dahan-dahan siyang tumingin sa lalaki at yumuko dahil sa hiya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil ‘yung dila niya, ay hindi nakikisama. “Tinatanong kita kung may kailangan ka ba,” dagdag pa nito.
“Bakit nandyan ka pa, Eliezar? Buksan mo na ang pintuan dahil init na init na ako,” inis na saad ni Azaiah habang naglalakad papunta kay Eliezar. Nang makita niya si Aulora sa harap nila ay napatigil siya sa paglalakad. “Nandyan ka pala, Aulora. May problema ka ba? Bakit gan’yan ang mukha mo? May sinabi na naman bang masama si Eliezar sa’yo?” dagdag pa nito na nagpangiti kay Aulora.
Kahit nahihiya, ninenerbyos, at nalulungkot si Aulora, ay kailangan niya pa ring ngumiti at ipakita sa mga kaibigan niya na wala siyang problema. Si Lene lang naman ang nakakaalam ng sikreto niya at ayaw nitong makisama. Siguro kapag nalaman na naman non na nag-usap sila ni Drimeathrya, ay kakausapin na naman siya nito tungkol don.
“Come on, you can do it. Sabihin mo lang kung pwede silang makisalo sa inyo dahil hindi naman masama kung isasama mo sila sa bonding niyong magkakaibigan. Sayang naman ‘yung time na magkakasama kayo noon kung hindi niyo itutuloy ang pagkakaibigan niyo.”
Buti na lang talaga pwede niyang makausap si Drimeathrya. Kung hindi niya siguro nakakausap ang Dyosa ay baka magpakamatay na siya, joke lang.
“Gusto ko lang sanang iinvite kayo sa dorm namin dahil may palabok kasi ron. Bumili kami ng pagkain at meron ding coke para naman hindi kayo mainitan.”
“Sige ba, siyempre kapag pagkain hindi ko tatanggihan ‘yun noh.” Napatawa na lang si Aulora sa sinabi ni Azaiah. “Sasama ka ba, Eliezar? Sumama ka na para hindi na tayo maghapunan mamaya. Saka mainit oh, baka mamatay na ako sa init,” dagdag pa nito.
Walang nagawa si Eliezar kung hindi ang samahan ang kaniyang kaibigan dahil pumayag na ito. Saka wala rin silang maisip kung ano ang kakainin nilang hapunan.
“Masarap pala tumambay dito dahil mag-aircon. Pwede naman kaming pumunta rito pagkatapos ng school noh?” masayang saad ni Azaiah nang makapasok silang tatlo sa dorm.
“Ang akala ko nagtampo ka, Aulora. Kaya ka lumabas ng dorm. ‘Yun pala tinawag mo silang dalawa,” natatawang saad naman ni Nia. “Buti naman at pumayag kayo,” dagdag pa nito habang nakatingin sa dalawang lalaki na nakatayo sa harap nila.
“Siyempre, hindi namin pwedeng tangihan ang pagkain. Saka kung hindi pa kami makakapasok sa dorm niyp, ay hindi pa namin malalaman na naka-aircon kayo.”
“Hindi naman kasi namin pwedeng sabihin sa inyo, Azaiah. Saka pwede kayong pumunta rito kahit kailan dahil pinapatay lang naman namin ang aircon kapag umaalis na kami ng dorm para hindi sayang sa kuryente.”
“Ang ibig sabihin kapag nandito kayo ay nakabukas ang aircon niyo?”
“Oo, kaya kumuha na kayo ng mga plato at baso niyo para makakain na kayo rito. Masyadong madami ang nabili ni Lene na palabok. Kaya pagsaluhan natin.”
“Ako na lang ang kukuha.” Tumayo si Aulora at pumunta sa kusina pero habang kumukuha siya ng plato, ay dumating si Lene.
“May parehas na tayong problema.” Kumunot ang noo ni Aulora. “Hindi ko pa rin mahanap ang katawan ng nanay ko at sa tingin ko, ay hindi ko na ‘yun mahahanap. Hindi na rin naman nagpaparamdam ang lalaking nakita natin sa mansyon noon. Kaya baka tumigil na ako at magfocus na lang sa pag-aaral.”
“Bakit hindi mo tanungin ang tatay mo about sa pamilya niya? Hindi ka ba nagtataka kung siya lang ang natira sa pamilya niya? Nakausap mo na ba siya?”
“Hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Saka na kung handa na ako at meron na akong sasabihin. Ayaw niya rin naman pag-usapan ang tungkol sa nanay ko dahil may asawa siya. Hindi ko rin naman siya masisisi kung hanggang ngayon ay nasaasktan pa rin siya sa pagkawala ng nanay ko. Hindi niya pa rin kami makalimutan ‘yung araw na pagkamatay niya at pakiramdam niya ay kasalanan niya dahil iniwan niya ang nanay ko sa loob.”
“Hindi ko alam kung ano ang kwento ng storya mo, pero siguro naman may karapatan kang malaman kung ano ang nangyare sa pamilya niyo. Sasabihin naman siguro ng tatay mo kung ano ang past ng pamilya niya.”
“Kaya ka ba tahimik kanina dahil sa sinabi sa’yo ni Drimeathrya?” pag-iiba ng topic nito. “Wala ka ngang matatagong sikreto sa akin, Aulora. Hindi mo siya pwedeng layuan dahil alam na namin na magkaibigan kayo. Baka magtaka rin sila na nilalayuan mo siya at hindi mo naman masasabi ang totoo dahil sikreto lang dapat.”
“Hindi ba ikaw ang pinag-uusapan natin dito? Bakit napunta sa akin?”
“Bakit ang tagal niyo riyan? Kailangan na ng dalawang ko ng plato dahil nagugutom na oh. Tignan mo ‘tong si Azaiah kanina pa nakatingin sa palabok. Kaya bilisan niyo riyan,. Kukuha lang kayo ng plato ang tagal niyo pa.” Narinig nila sa labas ang boses ni Nia. Kaya agad silang kumuha ng plato, tinidor, at baso para makalabas na ng kusina. “Ano ba ang pinag-usapan niyo sa kusina? Bakit ang tagal niyo?” dagdag pa nito. Kaya nginitian na lang ni Aulora si Nia.
Nilagay ni Aulora nag dalawang plato sa harap ng dalawang lalaking nakaupo sa upuan nila kanina. Pati na rin ang baso at tinidor.
Dahil sa palabok ay nabuo ulit ang kanilang pagsama-sama.
**
“Aking dyos,” saad ng Commander ng mga Maire kay Muzan na nakaupo sa trono nito.
“Meron kang balita sa babaeng pinapabantay ko sa’yo?”
“Gusto ko lang itanong sa’yo kung pwede kaming sumugod kahit hindi mo sinasabi.”
“Hindi pa ba sapat ang sinabi ko noon bago ka pumunta sa mundo ng mga tao? Hindi ba gamitin mo ang kapangyarihan na ibinigay ko sa’yo para patumbahin si Drimeathrya?”
“Hindi po namin basta-basta matatalo ang isang dyosa, aking panginoon. Alam kong binigyan mo ako ng kapangyarihan pero alam kong ikaw lang ang makakapatay sa kaniya dahil nagawa mo na ‘yun noon.”
“Inuutusan mo ba ako?”
“Hindi po, ang sinasabi ko lang po, ay mas maganda po kung ikaw po ang papatay sa kaniya. Para mas mapaaga po ang pagkawala niya para hindi na rin po siya makapasok sa mundo mo.”
“Ako naman talaga ang papatay sa kaniya. Ang gusto ko lang gawin mo ay kuhain ang babaeng ‘yun at ibigay sa akin. Hindi ba? Gano’n lang kadali ang trabaho mo tapos sasabihin mo sa akin na ako na lang ang pumunta sa mundo ng mga tao para siya ay paslangin?”
Napabuntong hininga na lang ang lalaki at lumabas ng throne room.
“Ano ang sabi ng ating panginoon?” saad ng kaniyang tauhan.
“Galit siya sa akin dahil naging walang kwenta ang sinabi ko sa kaniya. Huwag mo na muna akong kausapin dahil kailangan ko ng enerhiya o mag-isip kung paano mahuhuli ang babaeng pinapabantay niya sa akin.”
**
Habang naglalakad si Aulora sa kanilang kanto para pumasok sa paaralan, ay parang meron siyang nararamdaman na may nakatingin sa kaniya. Kaya tinignan niya ang kaniyang paligid kung meron bang nakatingin, pero wala.
Baka naman guni-guni niya lang ‘yun? Pwede rin namang may nakatingin talaga sa kaniya, pero hindi niya lang makita kung sino.
Kinakabahan siya, pero kailangan niyang itago ‘yun. Unang beses siyang makaramdam nito kaya ganito siya makareact. Wala pa naman siyang kamasang tao rito. Ang mga kaibigan niya ay maagang pumasok dahil maaga raw ang first class nila. Habang siya ay walang pasok sa unang klase dahil may sakit ang guro nila sa subject na ‘yun.
Sana naman meron siyang makitang mga tao man lang dito. Nakakatakot kung mag-isa lang siya at meron pa siyang nararamdaman na may nakatingin sa kaniya. Kung tawagin niya kaya si Lene? Hindi naman na niya siguro kailangan ng kasama dahil kaya niya na ang sarili niya.
Kung sino man ang nakatingin sa kaniya ngayon, ay tumingin lang siya dahil inggit lang siguro ‘yun sa kagandahan niya.
Kung magpakita ang taong ‘yun at may balak sa kaniya. Kaya niya naman ipagtanggol ang sarili at meron siyang kapangyarihan. Ang ikinatatakot niya lang, ay baka isang maire ang makasalamuha niya. Hindi pa naman siya handa para makipaglabas sa mga gano’n. At sana ang maire na ‘yun ay madali lang talunin. Hindi ‘yung malaking nilalang at makapangyarihan.
Narinig ni Aulora ang mabilis na paglalakad ng isang tao sa kaniyang likod. Kaya mabilis siyang naglakad dahil baka ‘yun na ang taong nakatingin sa kaniya kanina pa. Kung sino man ‘yun sana hindi mamamatay tao o demonyo.
Naglakas loob siyang humarap sa taong ‘yun at nang makaharap siya, ay lumaki ang mga mata niya nang makita niya si Eliezar. Nakakunot ang noo nito kaya napakamot siya ng ulo.
“Bakit parang takot na takot ka sa akin?”
“Akala ko kasi ikaw ‘yung nakatingin sa akin kanina pa. Pakiramdam ko kasi may nakatingin sa akin at akala ko ikaw ‘yun. Sorry, napraning lang ako.”
“Nakatingin sa’yo?”
“Oo.” Tinignan ni Eliezar ang paligid at hinawakan sa braso si Aulora sabay hinila niya ang babae hanggang sa makapunta sila sa paaralan.
“Huwag kang maglalakad ng mag-isa sa kantong ‘yun dahil madami talagang mga m******s don.”
“Sa tuwing naglalakad naman ako doon wala naman akong nakikitang m******s. Kanina ko lang namang naramdaman na may nakatingin sa akin at hindi ko naman alam kung meron ba talaga o sadyang hindi ko lang nakita.”
“Kahit na, kapag maglalakad ka don dapat kasama mo ang mga kaibigan mo o ako.” Napabuntong hininga na lang si Aulora at pumasok sa paaralan. Iniwan niya talaga si Eliezar dahil baka kung ano pa ang maramdaman niyang kakaiba sa lalaking ‘yun.